Last na Talaga 'to. [One Shot]

17.4K 650 177
                                    

Nagkita tayo. Nagustuhan kita. Kinausap mo ko. Naging close tayo. Dyan tayo nagsimula. Hindi ko intinddi kung kelan tayo magtatapos. Pero, may nalaman ako. Hindi mo naman ako gusto. Siya kasi 'yon. Hinihiling kong sana mapansin mo naman ako kasi siya na pinagkakaabalahan mo. Bestfriend mo ako. Mahal mo siya. Ano bang laban ko?

Umasa nanaman ako.

Last na talaga 'to.

Sabi mo, siya na talaga ang gusto mo. Siya lang. Sabi ko naman, good luck. Eh ano ba kasing magagawa ko? Wala naman diba? Mahal mo siya. Mahal kita. Mahal ka din ba niya? Alam ko, hindi. Pero ako? Mahal kita. Sobra. Para na nga akong tanga.

Naasar ako sa sarili ko dahil bakit ganito?

Last na talaga 'to.

Lumipas angmga araw. Niligawan mo siya. Nasasaktan ako, syempre. Sino ba namang hindi? Ang tanga ko lang kasi nakangiti parin ako kahit alam kong masakit na. Ang tanga at manhid ko talaga. Hindi kasi ako susuko sa'yo at sa pag-asang magiging tayo.

Totoo 'to. Last na talaga 'to.

Umiyak ka nung isang araw dahil nabasted ka niya. Hindi ka pala niya gusto. Pinahiya ka niya sa harap ng maraming tao. Wala akong magawa kundi ang yakapin ka. naisip ko lang, dapat magttapat ako ng nararamdaman ko. It's now or never. Sabi ko, "andito ako." Sabi ko, "A-ako na lang." Nagulat ka sa confession ko pagkatapos. Pero sabi mo, sige dahil bestfriend mo ako. 

Nagpapakatanga nanaman ako.

Last na talaga 'to.

Niligawan mo ako. Pero alam kong hindi na nabalik ang sigla ng mga mata mo. Gusto kong makita ang mga mata mo nung siya ang nililigawan mo. Sabi mo, okay ka lang. Sabi mo, ako na talaga. Pero hindi ako naniwala. Kasi sino ba namang gago ang makakapagmove on sa taong mahal niya sa isang linggo? Rebound. yan lang ako. Ang bestfriend na rebound.

Alam ko ang totoo pero nagbubulag bulagan ako.

Last na talaga 'to.

Sinulat ko lahat ng nagustuhan ko sa'yo. Limang minuto ang nakalipas pero wala akong nasulat. Hindi ko alam kung bakit nga ba kita gusto at kung bakit dapat kitang sagutin. Siguro sapat na ang rason na, "Dahil ikaw si Jude, mahal kita dahil ikaw si Jude." 

Bakit ba kasi ganito?

Last na talaga 'to.

Sinagot kita. Oo, mahal kita pero alam kong ako, hindi mo ako mahal. Masyado akong bulag. I've tried fixing something that's meant to be broken. We were never meant to be pero pinilit ko. I never filled something nung naging tayo, hindi tulad nung siya talaga ang nililigawan mo. Why? Hindi ko namang pwedeng bawiin dahil alam ko sa sarili ko na mahal din kita. Totoo.

Bakit nagsisi ako? Hayaan mo na...

Last na talaga 'to.

Last na Talaga 'to. [One Shot]Where stories live. Discover now