[ VI- Her Secrets ]

1.7K 75 1
                                    

6.Her Secrets

Francheska (POV)




I know that they're all worrying about me. Lalo na si Allecxa.

Of all my classmates, siya ang pinaka Observant. I can feel she knows something's off. Siya ang isa sa may pakielam sa nangyayari.

I'm thankful that I'm still alive.

I don't know if I'll thank or curse the killer.

I know I shouldn't be silent but, I have my own reasons. I can't just expose the killer because my own life depends on it.

*FLASHBACK*

Disi-oras na ng gabi nang matapos ang meeting namin ng Student Council. Nag decorate na din kami ng hallways para sa gaganapin na program next next week.

Pauwi na sana ako kasama nila nang kamalas-malasan, pinatawag ako ng teacher.

"Ibigay mo yan sa magiging Teacher niyo next week. Huwag mong subukang tignan." sabi niya at tumango lang ako. Hindi naman ako tsismosa *pout*

Tsaka bakit may bago na naman kaming teacher?!





"Sige na, you may go at gabing- gabi na."

Kumaripas naman ako ng takbo pababa.

Nasa huling baitang na ako nang may humawak sa leeg ko at nagtakip sa bibig ko.

Na-lintikan na.

Sinubukan kong mag-pumiglas pero sadyang malakas siya. Dinala niya ako sa abandonadong room.

Itinali niya ako sa upuan at hindi ako maka-galaw.

Pumunta sa harapan ko ang killer at alam kong naka-ngisi siya.



"S-sino ka?! Magpakita ka! Wala kang awa! Napaka- sama mo!" walang pigil na sigaw ko.

Mamamatay na rin naman ako ngayon kaya dapat masabi ko na 'tong mga 'to.

"Ches-ka.." mabagal na sambit niya sa pangalan ko dahilan para kilabutan ako.

Kilala ko na siya.

"I-ikaw?! Pano mo nagawa sa amin 'to?! Walang hiya ka! Bakit--"

*PAAAAAAK!*

Natigilan ako nang sampalin niya ako. Halos mabingi ako sa lakas nun. Nalasahan ko ang sarili kong dugo.

"Tapos ka na? Tapos ka na ba Cheska?" Mas lalo itong ngumisi.

"Parang awa mo na! Wala akong kasalanan."

*PAAAAAAK!*

Napabaling sa kabila ang ulo ko. Naiyak na lang ako. Ang sakit.

"Ang lakas naman ng loob mo na magma-linis, Cheska. Tandaan mo, hindi lang ako ang may tinatagong sikreto dito. Akala mo, hindi ko alam? Mga tao nga naman sadyang mga bobo." madiin niyang sabi. Lalo akong naiyak.

"Wala kang alam! Paki-usap pakawalan mo na 'ko!"

"Walang alam? Hah. Alam natin na sinadya mong itulak si Van sa hagdanan noong mga freshmen palang tayo. Dahil.. inggit ka sa kanya."

"Tama na! Ayoko nang marinig yan!"

Lumapit siya sa akin at hinatak ang buhok ko. "Makinig ka! Tama ako diba?! Inggit ka sa kanya kaya mo nagawa yun! Gusto mo, ikaw lang ang magaling, ikaw lang ang matalino! Kaya nung malamangan ka ni Van.. parati mong iniisip na sana.. Sana mamatay nalang siya." May diin ang bawat salita niya.

"P-please.."

Malakas niya akong tinadyakan kaya bumagsak ang kinauupuan ko. Ramdam ko ang malakas na kalabog ng ulo ko.


Hanggang sa hindi ko namalayan.. Nandito siya.


Nandito si Van sa tabi ko.

*END OF FLASHBACK*



"Cheska.. Sorry kung ngayon lang ako. May dinaanan lang ako sa bahay. Ayos ka lang ba?"




Napaluha nalang ako nang maalala ko ang nangyari sa akin.

Bakit hindi nalang niya ako pinatay?

Mas mabuti pang mamatay nalang ako kesa dalhin ang sikreto kong ito.

Gusto kong humingi ng tawad sa kanila. Ang selfish ko. May alam na ako kung sino ang maaaring killer pero tinatago ko ito.



"Cheska?"

"V-Van.." naluluha kong tawag sa kanya.

Hindi ko na napigilan at napapikit nalang ako. "V-Van.." I'm sorry..


Tears started falling down to my cheeks.



"Shh.. It's okay. Just cry. I'm always here."



"V-Van, I'm sorry.." Umiiyak na sabi ko.

Nagsi-sisi ako sa ginawa ko sa kanya.

"Why are you sorry? Wala kang kasalanan." Nakangiti niyang sabi.

Hindi mo lang alam, Van.

Allecxa (POV)

May nakita akong skull na gumugulong kaya I can't help na kilabutan.

Sinipa ko ito ng malakas.

Lumikha ito ng ingay kaya tinignan ko ito. Nabasag ang isang paso.

Sa lakas na rin siguro ng sipa 'ko.

I can see na kumalat ang lupa doon at- Roses.

Agad kong nilapitan ang paso. May nakita akong Roses na nakalagay doon at may kumikinang na metal doon.

Inabot ko ito kahit nagkanda- sugat sugat na ang kamay ko.







Alliana.




Kumunot ang noo ko. Who's this?

"Allecxa! May nakita ka ba diyan?" tanong ni Mark. I can hear his footsteps coming near me.

"Uhh.. nothing." Nagpagpag ako at binulsa ang kwintas.

"Then, let's go. Bumalik na tayo sa room."



Alliana?
















Is she related to Mystery Class?

Sino ba siya?





Pwedeng coincidence lang ito pero.. Bakit nakabaon ito sa paso?

If the killer did it, who's this girl?



****

Mystery Class (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon