♛ MEICO #28 ♛

16.5K 324 8
                                    


Luther Zachary Oxford [POV]

Magagabi na pero wala pa si rheya, hindi ko alam pero kusang nakaramdam ng kaba, napa-upo ako ng bigla nalang sumakit ang ulo ko, may mga vision na may kasamang lalaki si rheya na Masaya siya.

"Arrrgh! Hahaha, hindi-hindi ako papayag na iwan mo ako ulit rheya hahaha! Hindi AKIN ka lang—Argh!"

Inuuntog ko ang ulo ko, dahil sa sobrang sakit niya tumakbo ako papunta sa banyo para hanapin sa may cabinet ang mga gamot na binigay saken nung doctor ni Shintaro, inopen ko ang cabinet gamit ang isang kamay ko habang ang isa ay naka-sabunot sa buhok dahil sobrang sakit na ng ulo ko, kinuha ko ang isang maliit na lalagyan pero hindi ko mabasa dahil naapektuhan ang mata ko, napaupo ako at sinabunutan ang buhok ko.

"Hahahaha, you're mine rhey—argh!! No now please!"

"Oh My God, Luther!!"

Hindi ko tinignan ang nagsalitang yun dahil sobrang sakit ng ulo ko para itong binibiyak, naramdaman ko na may humawak sa may kamay ko.

"R-rina?"

"What happened?"

"My Head Hurts—argh!"

Tumayo siya at may kinakal sa may maliit ng cabinet ng banyo, umupo siya sa tapat ko at ini-abot saken ang dalawang piraso ng pills at tumakbo para kumuha ng tubig, agad ko naman yun ininom. Ilang minuto lang nawawala na ang sakit ng ulo ko.

"Anong nangyari?"

Tanong ni rina, tumayo ako at lumabas ng banyo, sumunod naman siya sa likod ko. Umupo ako doon sa isang sofa habang nakatingin sa may orasan na nakasabit, 5:30 na bakit wala pa din siya, kaya naman nag decide ako na puntahan ang building na pinagtatrabahuan niya.

"Sasama ka ba?"

"No."

Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko papaunta sa building na pagmamay-ari ni knight, kalahating minuto lang ang inabot ko sa daan, wala na akong nakitang empleyado kaya naman lumapit ako sa guard.

"Manong, pwedeng magtanong."

"Ano po iyon, sir?"

"Kilala mo si RHEYA FRIDGE, hindi ba? Yung secretary ng may-ari niyan."

Turo ko sa building, matagal na hindi umimik ang guard parang nag-iisip siya.

"Ay! Kaninang lunch break pa po siya lumabas kasama niya po si sir knight."

Para akong lantang gulay na umalis sa building na yon, si knight nanaman ang kasama niya para yung nangyari noon lang,kilala ko si luther noong college days pa, aaminin kong siya ang naka-isip na magtayo kami ng Fans club ni rheya, hindi ko alam kung dala pa din niya hanggang yun ngayon, bumalik ako na umaasang naka-uwi na siya, pero nabigo ako at hindi ko siya nakita, pero mas nagulat ako ng madatnan ko si kuya na nasa sofa habang kandong si baby henrina.

"Oh bro? Nasaan si rheya?"

"Wala siya eh, kasama ang boss niya."

Umupo ako sa tabi ni kuya at hinilot ang sentido ko dahil bigla nanamang kumirot ang ulo ko, wag muna ngayon, nandito pa si kuya at ayaw kong Makita ako ni henrina ng ganon.

"By the way, chicks mo ba yung nagluluto sa may kusina?"

"Chicks?"

Tumayo ako para tignan ang taong nagluluto sa may kusina, si rina she wear pink apron, maganda naman si rina eh, pero hindi ko alam bakit wala akong nararamdamang special sa kniya, just a plain friendship.

My Ex is Crazy Obsessed (✓)Where stories live. Discover now