t e n

44 4 0
                                    

Brieanne's POV


Thank God it's already friday. Nakaka-loko yung mga pangyayari this week. Well, unexpected things always happen in life, ika nga nila.


As usual, maaga akong nagising dahil ewan ko. Basta, nasanay na siguro ako. Habang pababa ako, nakita kong naghahanda na ng pagkain sina mama't kuya ko.


"Good morning." mahinang bati ko sa kanila at napalingon sila. Parang medyo gulat pa sila pero nginitian ko sila ng tipid.

 "Good morning din, Anne." bati ni mama't hinalikan ako sa pisngi. Nakita kong binelatan ako ni kuya kaya inirapan ko sya.

"Kamusta?" tanong ni mama sa akin.

"I'm doing good ma." sagot ko sa kanya't ngumiti lamang sya.

"Balita ko may bago kang kaibigan?" sambit nya kaya napatingin ako kay Kuya na umiwas ng tingin sa akin.

"Ah, opo. Meron nga po." sambit ko sa kanya.

"Ano pangalan nya?"

"Chann Yvan Palma po. Kaklase po namin sya nina Jia at Jacque." paliwanag ko at tumango-tango sya.

"It's good to see that you're making new friends again." saad nya't ngumiti ako pero biglang nagsalita si kuya.

"Hay nako ma, kung alam mo lang kung anong ginawa ni Anne sa lalaking yan. Nakikipag-kaibigan lang yung tao tapos sinabi nya ayaw nya andami pa Ma! Nasaktan daw damdamin nung Chann. Nako talaga, kanino ba yan nagmana ha, Ma?" bigla ko syang tinignan ng masama pero nag-smirk lang sya. Tss. Ka-lalaking tao ang chismoso.

"Brieanne, totoo ba yun?" tanong ni mama. Eto na nga ba sinasabi ko e. Kainis. Napatango ako ng wala sa oras dahil mahabang usapan (siguro) nanaman ito.

"Nag-sorry ka na ba sa kanya?" umiling ako bilang sagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama.

"Alright, say sorry to him today." 

"Pero---"

"Shh. Walang pero-pero Brieanne. Mag-sorry ka. Ayoko yung ginawa mo." panenermon sa akin ni mama at tumango nalang ako. Narinig kong nag-chuckle ang kuya ko. Bwisit talaga.


Kumain kami pagkatapos nun pero nakikita kong inaasar parin ako ng kuya ko. Ang sarap talaga nya ihagis.


**

"Ma, una na po ako." sabi ko't hinalikan ko sya sa pisngi. Nagulat nanaman sya sa ginawa ko pero nginitian din naman ako't hinaplos ang buhok ko.

"I miss you." bulong nya.

"I miss you too, Ma." sagot ko't nginitian sya.

"Hoy Anne, dalian mo!" sambit ni kuya kaya naman nagpaalam na ako't nagtungo sa kotse nya.


"Kuya.." tawag ko sa kanya pero tinaasan nya ako ng kilay.

"Bading ka ba? Ang daldal at ang chismoso mo e." masungit na sabi ko sa kanya pero tinawanan nya ako.

"Sa gwapo kong to bading? Ewan ko sayo. Buti nga di mahabang sermon ang panenermon ni mama sayo e." sabi nya sa akin. Ang kapal talaga.

"Ewan ko sayo.

"Brieanne.." seryosong tawag nya sa akin.

"Hmm?"

"Keep your promise okay?" sambit nya't nginitian nya ako. 

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant