Paki-explain nga [One Shot]

85.5K 2.2K 821
                                    

A/N: Hindi lahat ng storya kailangan may I love you sa dulo. Hindi ko na kasalanan ko nabitin ka, pwede rin po kasing palawakin ang imagination.

----------------------------------------------------------------------------------------------

"Badtrip ka na naman, Kups! Si Jolly na naman ba?" Sabay apir nilang tatlo.

"Shut up, Niggas!" Binato ko na lang silang tatlo ng mga kanin kanin na galing dito sa plato ko.

"'Tol, 'wag pakitang pikon, napaghahalataang taob ka kay Jolly eh."

"Tado! Hindi ako taob dun, 'di lang ako pumapatol."

Ang ingay na nga dito sa canteen tapos daldal pa nitong mga kasama ko. 'Di na lang manahimik habang lumalamon eh.

"Ano ba yan Harvey ang kalat naman ng table niyo. Bakit ang kalat mong kumain? Paki-explain nga."

Putcha! Anong i-eexplain ko? Saka bakit ako mag-eexplain?

"Oo nga naman Harvey, i-explain mo raw kay Jolly bakit ang kalat ng table natin." Tinignan ko lang yung tatlong kupal at halatang ineenjoy nila 'tong pangaasar sa akin ni Jolly.

"Sa makalat eh, may problema ka ba dyan?"

"Wala." Sabay alis niya sa harap ko at lumakad na palabas ng canteen.

"Hahahahahaha! Idol talaga si Jolly sa pangaasar kay Harvey!"

"Pasalamat siya babae siya." Depensa ko sa sarili ko.

"Yun nga ba yun?"

"Anong yun nga ba yun?"

"Wala, tawa na lang kaming tatlo dito sa pagkapikon mo kay Jolly."

  

Tangnang yan, ako na naman target sa asaran. Lakas kasi makagago ni Jolly eh. Kanina napahiya pa ako sa reporting ko dahil sa panggagago niya.

"So basically, the reaction will have a precipitate. That's all, thank you."

"Harvey, bakit siya magkakaroon ng precipitate? Paki-explain nga."

Nanigas ako sa harap ng klase. Tinignan ko mga groupmates ko at lahat sila iwas ang tingin sa akin. Bakit ako yung tinatanong niya? Tangina! Ako lang magrereport ng conclusion. Hindi ko alam yan.

Ang ending medyo mababa grade namin dahil hindi ko nasagot yung tanong. Ako pa sinisi ng mga bobo kong groupmate dahil hindi ko nasagot. Bakit 'di nila sinalo yung tanong kung alam talaga nila?

 ***

"Harvey, bakit ang pangit ng sulat ng karamihan ng mga lalaki? Paki-explain nga." Bigla siyang sumulpot sa harap ng upuan ko habang nagsusulat ako. Tangina minsan nakakabobo talaga minsan mga tanong sa'kin ng babaeng 'to.

"May problema ka ba dun?" Sinagot ko siya ng hindi inaangat ulo ko. Sasamain na 'to sakin minsan e.

"Wala, curious lang ako." Tapos umalis na siya sa harapan ko at sinundan ko na lang siya ng tingin.

Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala siya kapag tinitigan mo. Yung buhok niya maikli pero nakakadagdag sa sex appeal niya pero hindi ko siya matimpla. Hindi ko alam anong tumatakbo sa utak ng isang Jolly Morales. Mukha naman siyang matino pero parang gago lang talaga minsan mga tanong niya. Madalas may kadugtong pang 'pakiexplain nga' lahat ng tanong niya. Karamihan naman doon, self-explanatory. Amp.

Paki-explain nga [One Shot]Onde histórias criam vida. Descubra agora