Kabanata 6

6K 247 74
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nagpaalam na ulit si Corvan sa akin dahil bumalik na siya ng Maynila.

Naging abala naman ulit ako sa pag-aaral. Minsan ay sa pagtatanim. Kapag walang ginagawa ay nakikipag-chat minsan kay Corvan. At kay Jill na hindi pa rin tapos dahil sa pagkahulog niya noon sa harapan ng mga pinsan ni Corvan.

Hindi ko rin tuloy siya naipakilala sa mga ito dahil ayaw niya magpakita. Talagang hiyang-hiya sa nangyari.

"Next time na lang ulit na punta nila rito. Ipapakilala kita sa kanila," sabi ko kay Jill.

Uwian na kami at nag-aayos na lang ng gamit. Tapos na ako at siya na lang ang hinihintay ko.

"Ayoko! Nakakahiya! Sabihin mo lang sa akin kung ano ang pangalan nila ng patago," sabi niya.

"Feeling mo matatandaan ka pa ng mga iyon? Huwag assumera! Hindi ka naman katanda-tanda!"

"Hmp! Basta! Ayoko muna!" sabi niya.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Magkaklase pa rin pala kami. Hindi na talaga siguro siya mahihiwalay sa akin.

"Bili tayo ice cream! Stress ako ng sobra! Lilibre kita!"

Hinila niya ako sa braso. Agad ko naman siya naitulak dahil doon. Nilingon niya ako at bumalot na naman sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Daphne, alam mo bang pwede natin i-report ang Nanay mo sa DSWD? Child abuse, Daphne," mahina niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. "Nababaliw ka ba? Huwag! Ayokong makulong si Nanay! Nanay ko pa rin siya Jill! Tama lang na paluin niya ako dahil Nanay ko naman siya!"

Tinalikuran ko siya at nauna ng maglakad. Sinubukan na rin gawin iyong ni Lolo pero pinigilan ko lang siya. Iniyakan ko siya ng husto para hindi siya magsumbong.

Hinabol ako ni Jill at sinabayan ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim.

"Sorry. Ayoko lang na nakikita ka na maraming latay at pasa. Walang araw na wala kang pasa sa katawan, Daphne," malungkot niyang sinabi.

"Kasalanan ko rin naman, Jill," sabi ko na lang.

Nilibre niya nga ako ng ice cream. Pagtapos noon ay umuwi na kaming dalawa.

Naglinis agad ako ng bahay pag-uwi. Nagluto na rin ng makakain ni Nanay. Noong matapos ay nagtungo na ako sa hardin dala ang binili kong pagkain. Nagugutom na kasi ako. Alam ko na magagalit si Nanay kapag nakita niyang bawas ang kanin. Kaya naman bumili na ako ng para sa akin.

Nagbukas ako ng Facebook. Message agad ni Corvan ang bumungad sa messenger ko.

Corvan Kertia:

You're living in my head 24/7. Rent free.

Kumunot ang noo ko. Nagtipa ako ng isasagot sa kanya. Sakto at online rin siya.

Me:

Anong pinagsasasabi mo riyan, Corvan?

Agaran ang pag-seen niya sa chat ko. Nagpatuloy ako sa pagkain habang hinihintay ang isasagot niya.

Corvan Kertia:

I'm saying that I'm always thinking about you.

Nakita ko na may post ulit siya. Iyong buong garden ko! Kinuhaan niya iyong buong hardin ko habang puno ng bunga ang mga tanim ko.

"You've grown around my heart like a beautiful garden. And now I blossom at the sight of you," basa ko sa caption niya.

Corvan Kertia:

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon