Chapter 51: Past Versus Present

19.7K 499 73
                                    

Neneng Pov

Naalimpungatan ako.

Unti unti kong iminulat ang mata ko.

May nakita akong nakadukmong lalaki sa may kama. Nakahawak ito sa kamay ko.

Ngumiti ako.

" D-dong." Tawag ko sa kanya.

Naramdaman ko na nagising ito.

Unti unting umangat ang ulo nito.

" hi.. a-ayos ka lang ba?" tanong ni.... Jadon.

Doon bigla kong naa-lala ang nangyari kanina.

" Ay... akala ko si Dong.. hehehehe.. O-oo ayos lang ako...." Sambit ko at napahawak sa ulo ko.

" uhmmm..ito, inumin mo daw to sabi ng doctor." Sambit ni jadon sabay abot sa akin ng gamot at tubig.

Kinuha ko iyon at saka ininum.

Napatingin ako sa orasan...

Alas 7:00 na ng gabi. Nanlaki ang mata ko at biglang napabalikwas ng bangon.

" waaaaaaaaaaaaaahhhhh!! Naku jadon! Kailangan ko ng umuwi! Sigurado akong hinahanap na ako ni Dong!" tarantang sambit ko sabay hanap ng sapatos ko.

" ganoon ba? Ihahatid na kita...." Sambit ni Jadon.

" nakita mo ba ang cellphone ko?" tarantang tanong ko habang sinusuot ang sapatos.

Tinuro ni Jadon ang bag ko na nasa gilid ng kama. Kaagad kong kinuha ang cp ko at binuksan yun.

Kaagad na bumaha ang text ni Dong.

(>O<) hallllllaaaaaaaaaaaaaa! Lagot ako nito! Huhuhuuhuhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhu.....

Biglang nag ring ang cellphone.

Halos mabitawan ko iyon sa sobrang gulat.

Si dong ang tumatawag.

Mariing napapikit ako.....

Huhuhuhuhuhuhuhuhu.....

" H-hello?" sagot ko

" Ay sh*t.. Thank God!! Nasaan ka na wife?! Gusto mo nab a akong patayin sa pag-aalala sayo ha?! Haish! Kung ano-ano na ang naiisip ko! Hindi mo sinasagot ang tawag ko, hindi ka nagrereply sa mga text ko! .... Tsk! Alam ko baliw ako sa iyo..pero kung hindi mo pa sinagot ang tawag ko, ay baka tuluyan na akong mawala sa katinuan. " Dirediretsong sambit ni Dong.

" Waaaaaaahhhhhh..P-pasensya na Dong.... Huwag ka ng magalit....." sambit ko.

" Hindi ako galit sa iyo! Baliw lang ako sa iyo." Sambit ni Dong.

(>///O///<) iiiiihhhhhhh! Si Dong talaga nagawa pang magpakilig.

" Nasaan ka? Sino ang kasama mo? Bat hindi mo sinasagot ang tawag ko? " tanong nito.

(O.O) Hala! Pag nalaman niyang nasa bahay ako ni Jadon at si jadon ang kasama ko... baka.. baka mapatay niya si jadon!

"uhmmm... n-nasa... nasa... nasa puso mo." Sambit ko.

Author: Hahahahahahaha! Ganti ganti lang ng pick up lines pag may time neng? Hahahaha.

(>O<) wala akong maisip na lugar! Huhuhuhuhuhuhu..

" huwag mo akong pakiligin wife.. nasaan ka sabi?" nagbabantang tanong ni Dong.

" Nasa bahay ako ng kaibigan ko.. hehehehhe.." sambit ko.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now