Epilogue

44.1K 909 84
                                    

Epilogue

6 months later...

Matapos magtirik ng kandila ay mataimtim na nagdasal si Ayessa sa puntod ng kanyang anak. Six months had past pero baon pa rin niya sa kanyang alaala ang mga sandaling nararamdaman niya ang munting buhay sa kanyang sinapupunan. Hindi na siguro mawawala pa ang pakiramdam na iyon dahil nakatatak na iyon sa puso at utak niya.

Napangiti na lamang si Ayessa matapos magdasal pagkuway hinaplos ang nakaukit na pangalan ng anak sa lapida. They name her, Cassiopeia. May sentimental value sa kanya ang pangalan na iyon kaya iyon ang ibinigay niya sa kanyang anak. Ang constellation star kasi na iyon ang nakita niya noong mga sandaling nagawa niyang isisi kay Leandro ang pagkamatay ng kanilang anak. Nang makita niya iyon ay doon niya naisip na kailangan niya si Leandro. Naisip niya na mali ang isisi dito ang nangyaring iyon. Cassiopeia is really her angel. Dahil ginabayan siya nito upang bumalik sa lalaking pinakamamahal niya.

"Thank you, anak. Alam kong wala ka na pero nananatili ka pa rin sa puso namin. Habang buhay ay magiging parte ka ng buhay namin."

Napahawak siya sa kanyang puson na maubok na rin. Yes, buntis siya ngayon sa ikalawa nilang anak ni Leandro. Hindi pa sila kasal ng binata ngayon dahil hinihintay muna nilang magbabang-loob sa nangyari sa kanilang anak.

"Ayessa," napalingon ang dalaga nang narinig ang boses ni Leandro. "Bakit ba lagi mong nakakalimutan ang magsuot ng jacket? Malamig pa naman ngayon." Sita nito sa kanya pagkuway sinuotan siya ng jacket.

"I'm okay, Leandro."

Ngumiti naman ang binata sa kanya.

"Six months na rin ang nakalipas. Masaya ako dahil nalagpasan natin ang pagsubok na dumating sa buhay natin at ngayon nga ay magkakaroon na tayo sa wakas ng baby. I'm excited to see our baby."

"Ako din. Excited na rin akong makita siya at ipakilala sa kanyang Ate Cassiopeia." Sagot ni Ayessa pagkuway hinaplos ang kanyang puson.
"And I know Cassiopeia is excited too."

Sa sinabing iyon ni Leandro ay biglang humangin ng malakas. Napangiti na lamang sila pareho nang maramdaman ang malamig na hangin.

"Sumagot siya, 'di ba? She said yes."

"Yeah." Napayakap na lang ang dalaga kay Leandro.

"Ayessa, hindi na rin ako makapaghintay na mag-isang taon. Gusto na kitang pakasalan ngayon pero hindi pa puwede.

"Malapit na iyon. Ikaw naman!" Natatawang pinisil niya ang pisngi ng binata nang kumalas siya ng yakap dito. "Tingnan mo nga, may advance ka na agad sa 'kin. Ilang buwan na lang ay magkakaroon na tayo ng baby. And now I am imagining na kasama natin si baby sa ating kasal. Gusto ko rin na masaksihan niya kung gaano natin kamahal ang isa't isa."

Napangiti na lang si Leandro pagkuway masuyong kinulong ang mukha ni Ayessa.

"I love you..."

"I love you too, Leandro." Pagkasabi niyon ay siya na ang unang humalik sa binata. Sa harap ng puntod ng anak ay ipinakita nila pagmamahal ng bawat isa. At muli, isang malakas na ihip ng hangin ang bumalot sa kanilang katawan. Alam nilang si Cassiopeia iyon. Natutuwa din ito dahil nararamdaman ng munting anghel nila ang kanilang pag-ibig...

The end...

Seducing LeandroWhere stories live. Discover now