Chapter 2

17 2 2
                                    

Gising ako ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata. Bawat araw ay mas nahihirapan akong imulat ang mga ito. Gusto kong huwag na lang magising kailanman para matakasan ang realidad ng buhay. Masyado na kasing mabigat ang lahat para sa akin. Ramdam ko ang namumuong luha kahit nakapikit ako.

Kailan ba matatapos ang pag iyak ko? Araw-araw na lang ganito.

Lumanghap ako ng maraming hangin at pinakawalan saka bumangon sa kama.
Inayos ko ang higaan pagkatapos ay natulala. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ko ang mabigat na pakiramdam na ito? Sabay na tumulo ang luha mula sa aking mga mata, pinunasan ko iyon. I shook my head para walain ang mga malulungkot na isipin.

I looked at the alarm clock on the top of the bedside table. It says it's just 5 o' clock in the morning.

The cold wind greeted me as I step out of the door. Napagdesisyunan ko na maglakad-lakad para makapag-isip. I brought the pen and notebook with me.

"Kailangan mong sabihin ang totoo, matagal na panahon na ang lumipas. Maaaring napagtanto na niya na wala kang kasalan noon pa man at tanggapin ka rin niya." Sabi niya sa hirap na boses.

"P-pero paano po kung hindi iyon ang mangyari? Paano po kung hindi niya pa rin ako matanggap?" Umiiyak na wika ko.

"Darating ang panahon at matatanggap ka rin niya. " Paninigurado niya bago sumilay sa kaniyang labi ang isang ngiti.

Gaano katagal na panahon pa ba ang kailangan? Baka mawala na lang ako, di niya pa rin ako matanggap.

It's been two years after my Lola's death. And till now, my promise before she died is still a promise.

Hindi ko pa natutupad ang gusto niyang mangyari. Ngunit hindi ang hindi pagsasakatuparan niyon ang nagpapalungkot sa akin. Nalulungkot ako sa katotohanang kailanman ay hindi niya ako matatanggap... ng tunay kong ina.

Napakurap ako ng may marinig akong iyak ng kuting. Pilit kong inaninag ang gilid ng daan at doon ko siya nakita, kulay abo.

I sat beside it. I started caressing it's head, trying to make it stop from crying.

"Shhhhh. "

I can't stop comparing myself to this cat. We're both strayed.

Parehas kaming nawawala at hindi alam kung paano makabalik.

I'm wondering if I cried too, the day she left me. That time, did she cried too?

Binuhat ko siya at ipinatong sa lap ko. Ipinagpatuloy ko ang paghaplos sa kaniyang ulo kahit tumigil na ito sa pag-iyak.

"Did your mother left you here, little kitty? Hmm?"

Iniharap ko ang kaniyang mukha sa akin. May munting luha sa mata niya na may kaunting muta. Natitigan ko ang kaniyang mata.

Napakurap ako ng bigla itong tumalon mula sa aking kandungan at bumalik sa lugar kung saan ko siya kinuha.

I want to take little kitty home but... Maybe her mother will come back for her. Baka naghanap lang ito ng makakain somewhere.

"Why did she left me? I'm her daughter! Hindi ba ako mahalaga sa kaniya!?"

"Shhhh... Huwag mong sabihin iyan. Mahalaga ka. Kinailangan niya lang na hanapin ang sarili niya. Babalik-"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's An Ink AwayWhere stories live. Discover now