Chapter 8: I'm in Quezon

8.3K 191 6
                                    

Scene: Kagabi. Bahay ni M.

*Doorbell*

Sinagot ni ate N yung door.

"Good evening po, ano po yun?" sabi ni ate N.

"Ay, ma'am, may padala po."

"Saan galing?" sabi ni ate N.

"Kay sir Alden po. Everything already paid for. Sign here, here and here." sabi ng delivery.

Inabot ang 3 giant pizza boxes, pasta and wings from Yellow Cab, isang box ng Red Ribbon cake, tsaka bouquet of carnations. Gulat si Ate N.

"Sure ka dito lahat 'to?" sabi ni ate N.

"Opo." sabi nung nagdeliver.

"Hala, grabe siya!" sabi ni ate N.

Tumawag agad siya sa nasa taping.

"May padala sayo dito. Hulaan mo kung kanino galing," asar ni ate N.

"Ano padala?" sabi ni M.

"Cake, flowers and food." sabi ni Ate N.

"Grabe siya." kinilig si M. "Kainin niyo na yung food baka masira. Tiran niyo na lang ako. Wag niyo gagalawin yung cake," sabi ni M.

"O sige na. Bawal na galawin yung cake. San ko lalagay yung flowers?" sabi ni ate N.

"Paayos na lang ate. Yung mapepreserve ng matagal," sabi ni M.

"Salamat." nagbabye na si M kay ate N. Tinawagan niya agad si R.

"Hi love! Nakuha mo na ba?" sabi ni R.

"Ikaw talaga. Ang dami ah." sabi ni M. "Dumating na sa bahay. Salamat kay bibi."

Sabay tawa ni M and R.

"Ikaw pa eh weeksary natin ngayon. Unofficial pero alam mo na yun." sabi ni R.

"Gusto mo gawin natin official?" sabi ni M.

"Nasa sayo naman yun eh," sabi ni R.

Tawa sila pareho.

"Namiss ko yung kiss mo," sabi ni M.

"Namimiss ko.." sabi ni R.

"Ang alin?"

"Ikaw. Namimiss ka ng puso ko," sabi ni R.

"Ang cheesy mo. Eww.." sabay sila tumawa.

"Kilig ako." sabi ni M.

"Busy ka ba?" sabi ni R.

"Hindi naman pero malapit na magshoot ulit," sabi ni M.

"Puntahan kita mamaya?" sabi ni R.

"Wag na. Ang layo. Delikado at puyat ka. Mag check in ka na lang diyan. Bukas tayo magkita," sabi ni M.

"O sige. Basta tatawag ako mamaya," sabi ni R.

"Text kita pagnakauwi na ako. Take na daw ulit sabi ni direk. Bye Love. Salamat sa gifts," sabi ni M.

"Bye Love," sabi ni R.

--oo--

"Mga anak, ano yan? Bakit niyo kinakain?" sabi ni TD.

"Eh sabi ni Menggay, tay. Pwede na daw. Pero iwan yung chocolate cake," sabi ni C.

"Yung kapatid niyo bantayan ninyo," sabi ni TD. "Baka mamaya iba na apelyido pag-uwi," Biro ni TD.

Sabay tawa silang lahat.

"Bakit? Di pa ba?"

"Eh kung magjoke nga pinanindigan na eh. Faulkerson daw. Kahapon pa yung dalawang yun," sabi ni Ate N.

Sabay tawa silang lahat.

Madaling araw na nakauwi si M after taping. Di na nakain yung cake kasi pagod na pero ang unang ginawa, nagtext agad na nakauwi na sya.

"Nandito na ako bahay. Nakita ko na mga gift mo. Salamat sa lahat. Ang ganda nung flowers sobra. Favorite ko yun. Tawag ka after 10. Love you."

Mabilis nag ayos at nagpalit si M.

After 10 minutes, tumawag na si R.

"Hi Love, Ok ka na?" sabi ni R.

"Hi Love. Oo okay na. Nakahiga na nga. Antok na ako. Di ko pa nakain yung cake. Tulog na lahat. Pero si ate Niki, gising pa. Rinig ko si Matti eh," sabi ni M.

"Pahinga ka na," sabi ni R.

"Ikaw din," sabi ni M.

"Good night. I love you," sabi ni R.

"I love you too. Good night!" sabi ni M.

#imaginepamore (COMPLETED ALDUB | MAICHARD FANFIC)Where stories live. Discover now