Simula

19 4 0
                                    

Marcheline Vivian POV

"BESTFRIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEND" 

"O? Kay aga-aga. Nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya. Siya si Tyler Jhon P. Ramirez. Ang BESTFRIEND ko. At...... Ako? Well ako naman ang kanyang dakilang bestfriend na si Marcheline Vivian Q. Sanchez.

"Bestfriend, Pa favor naman oh" sabay puppy eyes ng loko. Ohmygod tuksooo~ layuan mo ko baka magahasa ko to /O\. Ay dijoke lang. Ang kyutt niya kasi pag naka puppy eyes.

"Favor? What is it." sagot ko sa mokong.

"Please? Tulungan mo ko kay Cindy" Ouch </3

"Cindy na naman" Bulong ko sabay muktol.

"May sinasabi ka?" tanong nya.

"Haaa!? Wala naman. Sure sige tulungan kita." 

"YES! Salamat BESTFRIEND. Da best ka talaga. Salamat! Salamat! Salamat!" Masigla niyang sabi sa akin.

"At dahil jan. Ililibre kita ng pagkain." pagyaya niya sakin

"No! Wag na. Nga pala, kailangan ko ng pumunta sa room." pagtanggi ko sa.

"Sge, samahan na kita." Nooo~ please wag baka bibigay natong luha ko sa iyo.

"Ay! Nakalimutan ko. Pupunta pala ako ng library. Sge BYE!" Pagdadahilan ko sa kanya. Lumakad na ako pero hindi pa ako nakalayo bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Teka lang! Bestfriend? Iniiwasan mo ba ko?" tanong nya.

"Iniiwasan? Hindi no. Nagmamadali lang talaga ako. Pasensya na" Sabay tanggal ng kanyang braso at tumakbo na ako sa kung saang lugar.

Sabi ko na nga ba! Cindy! Cindy! Cindy! Cindy! Cindy! PURO NALANG CINDY! LETSE HINDI BA PWEDENG AKO NALANG? SAKIT EH! TAGOS DITO OH! SA PUSO. Nagtataka kayo kung bakit ako ganito dahil INLOVE AKO! No! MALI. MAHAL KO SIYA! OO MAHAL KO ANG BESTFRIEND KO! Nakakatawa nga eh! Sa dinadami ng lalaking mahalin ko BOY BESTFRIEND KO PA. HAHAHA! Ano bang tawag ng mga ganyang klaseng tao? TANGA? OO. ISA AKONG DAKILANG TANGA. Bakit? Masama ba iyon? Diba pagdating sa pag-ibig kailangan mong mag sakripisyo para kahit papaano magiging masaya siya. Bestfriend ko siya simula nung isinilang kami, sabay pagsabit ng diaper namin, sa elementary, sa Highschool and even COLLEGE!

"Ito oh! Panyo." May umabot ng panyo sa akin pagtingala ko sa kanyang mukha.Tss! Isang lalaki. DI KO SIYA KILALA!

"I DON'T TALK TO STRANGERS" pagtataray ko sa kanya.

"Pwede bang umupo dito?" Abaaa't bastusan tong lalak------------------ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umupo na siya sa tabi ko. .

"Again! Panyo oh!"

Ang kulit ng lalaking ito. Kaysa makipag away ako sa kanya tinanggap ko nalang ang kanyang panyo.

"Hulaan ko umiyak ka ng dahil sa bestfriend mo nuh? Dahil may minamahal siyang iba at HINDI IKAW IYON" Napa angat ako sa kanyang sinabi. 

"Pakialam mo?" Sabi ko sa kanya.

"Alam mo. Matuto kang sumuko kapag nasaktan ka na SOBRA. Sige ka, baka magsisi ka."

"Anong ibig sabihin mo?"

"Dito sa mundo, Ang daming TANGA!" Sabay iling ng kanyang ulo.

"Nagpaparinig ka ba?" Baka mapatay ko tong taong ito.

"Hindi naman."

"Susuko na ako sa kanya." matamlay na sabi ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boy Bestfriend (One Shot)Where stories live. Discover now