All I Need: Chapter 12

8.8K 168 30
                                    

*KINABUKASAN

Shar’s POV: Hindi ko na alam kung anuman yung sinabi ni Jai kay Nash… pero, wala pa ako sa mood na kausapin si Nash kahit mamatay matay na ako sa sobrang pagtitiis na wag siyang pansinin. Tsaka, alangan naman ako pa unang lumapit sa kanya diba? Grabe kaya yung ginawa niya sa akin… anyway, weekend ngayon kaya pupuntahan ko na si Miles para humingi ng makabuluhang advice.

*LABAS NG BAHAY NILA MILES

Shar: Tao po… Miles??

Lumabas si Miles

Miles: Oh… Shar, anung ginagawa mo dito?

Shar: Edi anu pa edi hinahanap ka…

Miles: oo nga, bakit mo ko hinahanap yun ang ibig kong sabihin…

Shar: Kailangan ko ng makabuluhang advice mo sa love life…

Miles: Ay, ganun ba? Oh sige, upo muna tayo dito… (Umupo sa bangko sa harap ng bahay nila) Anyare ba kasi?

Shar: (Umupo sa tabi ni Miles sabay buntong hininga)

Miles: Ay! Teka girl… yang buntong hiningang yan! Alam ko na yan… si Nash nanaman yan noh?

Shar: Hmm… Oo, kasama siya dun.

Miles: Eh diba, nabigyan na kita ng advice tungkol jan sa “Brad” mo na yan?

Shar: Iba toh… iba na ang sitwasyon ehh…

Miles: Ha? Bakit? Anung meron?

Shar: Eh kasi kung dati ang problema ko lang ay kung sasabihin ko na ba kay Nash. Ngayon ang problema ko na ay kung sasagutin ko na ba si Jai o aasa parin ako kay Brad…

Miles: Ay sus… basta, alam mo kung aasa ka parin jan kay Nash aba maghanda handa ka na mas masasaktan ka pa. pero, kung sasagutin mo naman si Jai o edi pag-aralan mo ng mahalin siya… yun lang yun.

Shar: Eh pano kasi, ang gulo kaya. Tuwing kasama ko si Jai at nakikita ko yung mga ginagawa niya para saakin parang gusto ko siyang bigyan ng chance kaso lang kapag nakita ko nanaman si Nash… ayan nanaman ako, nagkakadarapa at nasasaktan ng hindi niya nalalaman.

Miles: Hay nako… kasi naman ikaw ehh, tigil tigilan mo na yang pagiging anonymous mo!

Shar: teka nga muna, pumunta ako dito para humingi ng advice. Hindi para okrayin mo noh!

Miles: Ayun na nga yung advice ko… kung patuloy mong pipiliin si Nash edi maghanda ka na patuloy na masaktan. Yun lang yun. Pero, kung ako ikaw… bibigyan ko ng chance si Jai… pano kasi, mukhang kahit pati sa lamok ayaw kang padapuan nun ehh…

Shar: Hmm… sabagay, sobrang bait din naman kasi ni Jai ehh…

Miles: tama… tsaka, haller… di ka pa ba nagsasawang lagi ka nalang “OPTION”?

Shar: Aray ahh! Damang dama ko yung option eh!

Miles: Basta, nasa sayo yan, Shar…

Bigla namang may nagtext kay Shar

Jairus: Hi! Shar! :) so, uhmm… maulan ngayon kaya wag ka munang maglalabas ng bahay niyo. Keep safe, Shar.

Miles: Oy! Alam kong si Jai yan…

Shar: Oo na… si Jai nga ito.

Miles: Ay! Pero, bakit ganon? Superman ang pangalan niya sa phone mo?

Shar: Basta… ako na nakakaalam nun… Oh siya, sige na at uuwi na’ko. Tutulungan ko pa si mama sa mga gawaing bahay tsaka pupunta din si tita sa bahay mamaya…

All I Need [NASHLENE FANFIC] *COMPLETED*Where stories live. Discover now