IC't: 16

599 14 0
                                    

Naalimpungatan si Baekhyun ng katabi si Chanyeol. At dahil lasing si Baekhyun bigla niyang niyakap si Chanyeol.

"Hoy hahaha. Ang tanga ko 'no? Nagpapakatanga ako sayo hahahaha yehey!" Sabi ni Baek. Tumayo naman siya. Gago ㅜㅡㅜ

"Natatandaan mo ba Yeol? Nung mga grade2 tayo pinakilala ka noon ni Tita sakin. Kasi close kami ng Mama mo hehe. Nung pinakilala ka niya kasi sira ka daw. Ayaw mo daw makipag-laro. HAHAHAHA." Sabi ni Baekhyun habang gumegewang gewang.

"Syempre kinulit kita ayun tinulak mo ko. Pero ayos lang. Tumagal ng tumagal naging close tayo. Nung graduation ng grade 6 non, iniiyakan mo ko kasi sabi mo magkakahiwalay na tayo. Pero hindi pala natin alam, parehas ng school papasukan naten." Sabi ni Baek.

"Nung mga freshman tayo at highschool na feeling ko nun *hik* nanlalamig kana saakin bilang kaibigan. May nam-bully sayo diba? HAHAHAHA. Kingina, takot na takot ka nun. Alam mo bang inaway ko yung mga nam-bully sayo kaya sa huli ako yung binubugbog. Saya nga eh."

"Eh nung nag-sophomore. May niligawan ka. Ako medjo nasaktan ako, syempre. Baka hindi mo na ako pansinin. Hanggang sa isang araw naging kayo, ako naman. Wala na. Tahimik lang ako nanonood sainyo. Tapos nung nagbreak kayo diba? Ako nag-comfort sayo. Kasi mahal na kita nun HAHAHAHA. Hindi halata no? Syempre tinatago ko. Duh."

"Nung 3rd year at 4th year na tayo, naging mas close tayo sa isa't isa. Lahat ng sikreto alam natin. Pero hindi mo alam yung gusto kita. Naks. Gago ka kasi Yeol. Ayun nag-graduate tayo at nagkahiwalay na ng school. Kinuha mo is Engineer habang ako Business Management. Kasi gusto nina Papa ako magpatakbo sa kumpanya. Syempre pumayag ako. College tayo madami nang umaaligid na babae sayo at napunta sa puntong magkikita tayo hindi mo man lang ako papansinin. Pero ayos lang."

"Ah! Alam mo bang si Mama Park nagsabing tumira tayo sa iisang bahay para maging close ulit tayooo. HAHAHAHA. Teka diba nagalit ka sakin kasi umalis ako nun? Hahaha. Alam mo ba dahilan? Syempre hindi HAHAHAHA. Nagpagamot nun ako. Kasi malapit na maging Leukemia yung sakit ko. Syempre pagbalik ko dito sa Pilipinas, halos ipagtabuyan moko."

"Oo hahaha! Bumalik yung pagiging close natin. Konte HAHAHAHA. Pero syempre hindi na tulad ng dati." Sabi ni Baek at bigla siyang umiyak.

DRAMA NATEN MGA BH3 HAHAHAHALOL.

"A-alam mo bang ang daming beses kitang pinag-tanggol? Yung muntik ka masagasaan ng tricycle nun, a-ako nagtulak sayo. Kaya nun absent ako ng 3 weeks kasi bawal ko muna pilitin yung paa ko."

"E-eh yung umuulan nun? Wala kang payong. Alam mo bang ako yung nagbigay ng pink na payong sayo para hindi ka magkasakit? Pinili kong magkasakit kesa sayo.."

"U-umh yung may nilagay na konting lason yung naka-away mo nun sa baso mo? Hahaha, alam mo bang ako nalang yung uminom para hindi ikaw yung malasunan? Kaya ako yung nahospital nun. Pero hindi mo alam na na-hospital ako kasi kasama mo si Reanne.. yung girlfriend mo." Sambit ni Baekhyun at humahagulgol na.

"Madami na akong nagawa para sayo, Yeol. At hindi ko man lang alam kung pinapahalagahan mo yun. Sawa na ko, Yeol. Magpapahinga muna ako." Sabi ni Baekhyun at umayos ng tayo.

"Aalis muna ako. Hahaha. Wala ka namang narinig diba kaya ayos lang?" Tanong ni Baek na parang baliw. AWW. GRABE AYLABBAEEKIIEEE NAAA HUHUHUHU ㅜㅡㅜ

"Saranghae Yeol." Sabi ni Baekhyun bago tuluyang umalis sa bahay ng walang dala kundi ang sarili niya. Tumakbo ng tumakbo si Baek hanggang makarating siya sa Han River.

Umupo siya dun at tinignan ang magandang kalangitan.

"PUTANGINA MO JEON JUNGKOOK!!! MAGSAMA KAYO NG PARK JIMIN NAYAN TANGINA MO!!!"

"MAGSAMA KAYO NG PANDAK NA YAN KINGINA MO!!!"

"Hoy. Tumahimik ka nga dyan." Sita ni Baek kay Taehyung.

"Napakaharot kasi ni Jungkook eh." Sabi ni Taehyung at lumapit kay Baek. Ang mag-ina huahua.

"Taga-saan ka ba?" Tanong ni Baek.

"Doon po sa may malapit sa pang-apat na bridge mula dito."

"Ahh. Ako mula naman sa pang-lima. Ang layo nun ah. Buti napadpad ka dito?"

"Gusto ko lang po mag-pahangin. Eh kayo?"

"Gusto kong makalimot sa saki--"

"B-baek..." Napalingon naman ang dalawa sa nagsalita at nakita ni Baek ang isang hingal na hingal na Chanyeol at pawisan pa.

*jeongmal yeppeo yeppeo yeppeo*

"Sige, B-baek? S-sagutin ko muna po. B-bye?" Sabi ni Taehyung at nagsimula na maglakad palayo.

"B-baek.." Sabi ni Yeol ng biglang lumayo si Baekhyun.

"Oh bakit moko sinundan?" Malamig na sambit ni Baekhyun.

"Baek..." Katahimikan ang bumalot sa dalawa ng biglang magsalita si Chanyeol.

"B-baek..."

"N-nado saranghae.."

××

Mwehehe. Ending na lol djk.

©-happinessdelight

I Can't [chanbaek ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon