========================
may UD napo..pasensya na huh..dahil sabaw ang chapter nato,,hehehehee..
Nilo’s pov..
“marahhhhh!”sumigaw si reyna, pupuntahan sana ni reyna si marah, pero hinawakan ko sya.
“reyna,,hwag..halika na…” sigaw ko sa kanya.
“hindi,,kailangan kong tulungan si marah..!”nagpupumiglas si reyna sa hawak ni ko pero hindi kaya ni reyna dahil malakas ako at nakaladkad ko sya palayo kay marah.
Takbo kami ng takbo, may nakita kaming room duon kami nagtago.
Nanginginig parin si reyna sa takot.
“bakit.??bakit???”umiyak na si reyna, niyakap naman sya ng boyfriend nyang si angelo.
“shhh..tama na reyna..makakalabas tayo dito…!”pangpakalma ni angelo kay reyna, nakita ko sa kanyang mga mata ang pagtulo ng kanyang luha.
natigil kami, dahil may mga yabag ng mga paa ang aming narinig sa labas ng pinagtataguan namin.
Nanginginig na sa takot si reyna habang yakap yakap ni angelo, ako naman ganun din, nanginginig sa takot na mamatay.
Hindi sinasadyang natabigan ni Alfred ang bakal na silya sa gilid nya.
“shit….mahuhuli tayo sa ginagawa mo…”muntik ko na syang suntukin dahil napaka careless.
“so..sorry..hindi ko sinasadya!”nanginginig narin sya sa takot, kaming lahat dito ay takot na takot.
Pumasok na ang killer sa loob ng room,atras kami ng atras sa madilim na bahagi ng room.
May nahulog hindi namin alam kung sino ang nagmamay ari.
Puting usok ang kasunod, na nagmumula sa nahuhulog na bagay.
s—sleeping gas….
Nanghihina na kami at unti unting pumipikit ang aking mga mata.
“a-angelo!”nanghihina kong sabi sa kanila, ganun din sila nanghihina at biglang nagdilim ang paningin ko..
=====
Angelo’s pov…
Nagising ako sa gym..andito kami sa gym???
Babangon sana ako pero hindi ako makagalaw nakagapos pala ako.
Ginala ko ang aking paningin para hanapin si reyna.
Andito pala sya sa tabi ko nakagapos, katulad ko , pati si nilo, wala parin silang malay.
“nilo!” mahina kong tawag sa kanya.