Kabanata III

3.5K 120 17
                                    

UMAALINGAWNGAW ang katahimikan sa gilid ng ilog. Tahimik din akong nakatayo sa batuhan. Maaliwalas ang panahon. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag sariwang hangin na ang nalalanghap.

Kapansin-pansin na wala pang naliligo sa ilog. Nakapagtataka at wala pang nagtatampisaw sa Batong-Liki. Ito'y parte ng ilog na kung saan ay matatagpuan sa ibaba ng pampang. Ang magkabilaang gilid ng ilog ay mga pampang mismo at sa itaas nito ay daan papuntang kabundukan.

Sa Batong-Liki ay makikita ang malaking tipak ng pampang na gawa sa bato. Kayang lusutan ng mga tao ang malaking tipak na iyon. Inaakyat ng mga naliligo at ginagawang diving site ang bahaging 'yon. Palibhasa, mahigit sa pitong talampakan ang lalim ng tubig, kaya nama'y wala silang takot na tumalon do'n.

Lumingon ako sa kaliwang bahagi at natatanaw ko naman ang mahabang tulay, na dinaaban ng bus na sinakyan namin kahapon. Sa sobrang lapit na nito sa dagat, napapangiti na lang ako habang minamasdan ang dulo ng ilog na mainit na tinatanggap ng maalat na tubig ng dagat. Napagtanto kong kay tagal nang panahon ang nagdaan. Ngunit hanggang ngayo'y tila paraiso pa rin ang lahat.

Bata pa ako nang huli kong nasilayan ang magandang tanawin na 'to. Nagsilbing playground sa 'kin ang kalikasan.  Kay daming magagandang alaala na ayaw kong mawala sa aking isipan. Dahil dito sa ilog na 'to, ay naranasan ko ang pamilyang buo, noong buhay pa sina Mama at Papa.

Napapaluha na naman ako. Tumingala sa bughaw na kalangitan. Kahit ano'ng hiling kong ibalik ang oras, alam kong tinatanga ko na lang ang sarili ko. Walang gano'n. Sa panaginip na lang iyon magkakatotoo. Sa panaginip na lang pwedeng tangahin ang nawalang oras at nasayang na pagkakataon.

Muli tuloy akong napatingin sa malinaw na tubig, nang marinig kong may bumulabog  doon bansa sa Batong-Liki.. At tama nga ang aking hinala. May isang taong nag-dive sa malalim na parte ng ilog na 'yon. Hinuha ko, galing ito sa itaas ng pampang at nag-short cut na lang pababa.

Inakala kong aahon ito kaagad, subalit tatlong minuto pa ang lumipas bago ko nakita ang ulo nito. Si Henry pala.

Laking gulat ko pa nang masulyapan ko ang mukha ng taong iyon. Ang lalaking 'yon na naman pang may hawak pang pana sa kamay.

Batid kong alam niyang nandito lang ako. Hindi na ako aasa na panpansinin niya ako. Ayaw ko mang pansinin ang katawan nito, ngunit sadyang nakaka-distract sa paningin ko.

Naka-boxer shorts lang ang baliw, kaya kitang-kita ko ang perpektong hubog ng katawan - maliban na lang sa malaking peklat na tila ba'y hiniwa ng malaking patakim - na makikita sa bandang tiyan. Hindi ko alam kung suki ba ang lalaking 'to sa gym, dahil sa mga abs na perpekto ang pagkakahubog.

At imbes na tutunganga na lang ako at tingnan si Henry, pinilit ko na lang na lumingon sa ibang gawi at magtampisaw sa tubig. Hindi ako marunong lumangoy kaya mas pinili kong sa bandang mababaw lang ako pup'westo.

Kapag madami ang iniisip, sadyang nakakatulong talaga ang maligamgam na tubig upang kumalma. Ulo ko lang ang hindi nakababad. Para akong nakahiga at hinahayaan ang sariling tangayin ng daloy ng ilog ang anumang bumabagabag sa aking isipin.

"Bakit mag-isa ka lang?"

Kamuntik pa akong makainom ng tubig nang madinig ko ang napakalumanay na boses ng isang lalaki na nasa bandang likuran. Kaagad kong idinilat ang aking mga mata. Nando'n siya at nakasandal sa isang napakalaking bato.

Dapit-hapon (#Wattys2016 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon