Chapter 10 - Still it hurts

10.3K 184 8
                                    

AUTHOR's NOTE

Bago ang lahat I just want to say thank you sa mga patuloy na sumusuporta ng aking kabaliwan :D

______________________________________________________________________________

Jhie's POV

Tumatak sa isip ko yung mga sinabi ni Rick,

napakasakit alam mo yun, parang mas pinagdarasal ko nalang may cancer nalang ako,,

para may pag-asa pang gumaling,

habang naglalakad ako palayo sa kanya,

Di ko mapigilan ang luha sa pagdaloy sa mga mata ko,

hindi ko alam kung ano bang nagawa ko kay Mhaine,

Hindi ko din naman magawang magalit kay Mhaine kase alam ko naman pinapili nya si Rick,

Lalong di ko masisi si Rick kasi sinunod lang naman nya ang dapat, at gusto nya,

..

Kung sa bagay,

anu nga ba naman ang isang katulad ko sa kanya,

malungkot man isipin, kahit gano ka pa nya inalagaan nung bago ka,

pag naluma itatapon ka narin,

Siguro ako din may kasalanan,

Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa napakawalang kwentang taong yun,

kung di ko sana sya minahal ng ganito wala sana ako sa sitwasyong ito eh di sana nabubuhay ako ng normal pero parang kahit anung isip kong ibalik ang normal hindi ko na yun maibabalik pa,

kase ang normal kong buhay ay ang kasama ang mahal kong si Rick,

para bang tinanggalan mo na ko ng ulo,

Umuwi ako ng magang maga ang mata ko,

mabuti nalang tulog na sila mama at papa,

umiyak lang ako magdamag,

wala akong malay na nakatulog din pala ako,,

mabuti naman kahit papa ano malilimutan ko yung napakasakit na nangyari sakin kanina,

pero bakit hindi ko mapigilang maghangad na pag gising ko ,

mag sosorry sya sa harap ko at sasabihin nyan "I want you back"

alam kong malabo kase alam ko namang masaya sya sa piling ni mhaine kase mahal nya yun,

di sa piling ng isang gaya ko na walang alam kundi ang pahirapan sya,,

6:00 AM

 ginising ako ni mama,

"hindi ako papasok ngayon mama, masama ang pakiramdam ko, masamang masama,"

nagulat ako na wala na syang sinabi pang iba siguro nabasa nya ako,

siguro alam na nya na pinagsakluban ako ng langit at ng lupa,

jan talaga ako kay mama nagmana, ang galing ko mambasa ng tao,,

pero sa pag-ibig din kaya nanghina sarin si mama?,

nasaktan din ba sya gaya ng nadama ko,

kung oo man, siguro makakamove on din ako gaya nya masaya sya sa pamilya nya ngayon,

di magtatagal tong sakit,

gagaling at gagaling din ang mga sugat na iniwan ni Rick,

TO BE CONTINUED ***********

Please Vote and Read!

Crazy we BEGIN, Crazier we END (With Special Chapters and EPILOGUE) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin