The Classroom & Restroom

36 0 0
                                    

Ako nman ung naka-experience nito, nakakatakot. Hindi ko po sasabihin ang pangalan ng eskwelahan ko para sa proteksyon nito, hahhaha para sure.

Venue: School

Attendance: Me

Story:
Family Day nmin un, sa may gym ung event eh, sa taas ng building, madyo na-bored kming tatlo ng mga kaibigan ko. Tpos napag-usapan nming gumala sa buong school, sakto ung dalawang kaibigan ko transferee, kaya umikot kmi. Syempre nagpa-alam muna kami sa mga magulang nmin.

Tpos nung papunta na kmi dun sa classroom nmin, kabilang building un. Nasa second floor na kami nun, third floor pa ung classroom nmin. Bawat classroom door kasi may salamin, enough lng para makita ung buong mukha mo sa loob nung classroom pag sumilip ka.

Tpos sumilip ako dun sa isang classroom, tas nag-biro ako sabi ko "Hala! May naka-upo dun sa teacher's table, naka-puti!" Tpos tumawa kmi after nun. Tpos patuloy lng kming sumisilip sa mga salamin dun sa pintuan.

Nasa third floor na kmi, sumilip ung kaibigan kong transferee dun sa may salamin, tpos sabi nya may nakita daw syang dumaan naka-puti. Tinawanan lng nmin sya, pero ung mukha nya seryoso na parang gulat na gulat. Nagtinginan lng kmi nung isa pang kaibigan kong transferee.

Nakarating na kami dun sa classroom nmin, sumilip kami, ang gulo ng classroom nmin, lagi nmang magulo eh. Tpos umakyat ulit kami.

Nasa fourth floor na kmi, sa fourth floor kasi may hagdan na papunta sana sa fifth floor, kaso d na tinuloy ung pang-fifth, ung hagdan lng ung nandun. Tpos nagkatakutan kmi about dun sa hagdan na papuntang fifth floor kaya d na kmi tumuloy na umikot sa fourth floor.

Edi nasa third ulit kmi, tpos pababa na kming second. Eh bigla akong nakaramdam ng ihi, tpos sabi ko "Wait lng, magsi-cr lng ako. Hintayin nyo ko." tpos sabi nila dun na lng daw sila maghihintay sa may hagdan pababang second floor, tutal malapit lng nman \_ < ganyan kasi ung style  \ nung mga hagdan nandito sila _ < sa kalahati ako nandun sa third floor.

Sa loob ng restroom may limang cubicle, apat para sa students then isa para sa teachers. Nag-cr ako dun sa pang-apat na cubicle katabi nung pang teacher, which is nasa dulo. Ako lng tao dun sa restroom at sa buong third floor kasi nga family day nmin. Habang umiihi ako at patapos na, may biglang kumatok dun sa cubicle kung nasan ako, sabi ko "Sandali lng, may tao pa" tpos walang sumasagot, kumakatok pa rin sya, pero dahan-dahan lng. D ko tlga inisip na multo un or kung ano-ano, tpos tumingin ako sa baba, walang paa!

Nagtaka ako nun, bkit walang paa! Tpos nataranta ako nun, pagkatpos kong umihi, diretso labas ako, wala nmang tao!

Tsaka ang dami-daming cubicle na walang tao, sakin pa kumakatok! Tpos pagkababa ko, tinanong ko sila kung sino ung kumakatok or may umakyat ba na tao, sabi nila wala.

Tpos nagtakbuhan na kmi papuntang gym, grabe hingal na hingal kami!

Note: Ung nakakita nung puti na dumaan sa isang classroom, totoo daw un, d daw sya nagbibiro nun!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRUE STORIES (HORROR)Where stories live. Discover now