Episode 1

179 9 10
                                    

Episode 1

I

"Superior!" puno ng luha ang mga mata ng sampung taong gulang na batang babae habang tumatakbo palapit sa pinakamataas na pinuno ng kanilang tribo.

Nang makalapit siya rito ay agad niyang ini-angat ang ulo nito at pinahid ang dugong nasa noo nito.

Hindi niya malaman kung ano ang kaniyang gagawin sa sitwasyong 'yon. Halos lahat nang kanilang ka-tribo ay nakita niya kung paano nalagutan ng hininga dahil sa ginawang pakikipagtunggali ng mga ito.

Walang ni isa sa mga 'yon ang natira kung hindi siya at ang pinuno nila.

"Superior ano pong gagawin ko?" tigmak pa rin sa luhang sabi ng batang babae habang kinakapa ang kaniyang harmonika sa bulsa.

Nang makapa niya ito ay kaagad niya iyong pinatugtog. Lumabas mula rito ang kulay berde at kumikinang na alikabok at nagtungo ang mga iyon sa mga sugat ng kaniyang pinuno.

Pilit niyang pinahuhupa ang kanyang hikbi upang magawa niya nang maayos ang panggagamot. Kailangan niya itong gawin dahil alam niyang ito na lang ang tanging paraan upang maisalba, ang ngayo'y, nasa bingit nang buhay ng kaniyang pinuno.

Tama na ang ilang taon na tinuruan siya nito kung paano gamitin ang kaniyang kapangyarihan para tulungan naman niya ang kaniyang pinuno ngayon.

"D-Dawn... I-itigil mo na iyan..."tinuran ng kaniyang pinuno. Napahinto siya sa kaniyang pag-ihip.

"B-bakit Superior?" tanong niya.

Siya lamang ang tinuruan nang ganitong kakayahan sa kanilang tribo.Dahil na rin mahina ang kaniyang loob at hindi siya maaaring isama sa pakikipaglaban kaya ginawa na lamang siyang taga-gamot ng kaniyang tribo.

Bagay na sa una ay ikinasama nang kaniyang loob.

Sa ganitong kalagayan, walang puwang ang pagiging mahina kaya pinipilit niyang tatagan ang kaniyang loob. Dahil alam na niya, sa wakas, kung gaano kahalaga ang kaniyang papel sa kanilang tribo.

"Hindi ko na kaya... mauubusan ka lamang ng lakas sa paggamot sa akin." sa kabila nang paghihingalo ay pinilit pa ring magsalita ng kaniyang pinuno.

Lalong bumigat ang kaniyang loob. Wala man lang siyang magawa upang mapagaling ang mga natamo nitong sugat.

"H'wag kang papahuli sa kanila..." nahihirapang sambit nito dala ng natamong sugat sa katawan. "Ikaw nalang ang pag-asa ng lahat. G-gawin mo lahat para maibalik ang ating tribo."

Nagpunas nang luha ang batang babae at sunod-sunod ang naging pag-tango."Opo. Masusunod po."

"Itago mo ito. At sa pagsapit ng iyong ika-labing walong kaarawan ay gawin mo ang orasyon. W-wala man ako sa iyong tabi ay maipapasa sa iyo ang pamumuno ng ating tribo. Umaasa akong hindi mo ako bibiguin Dawn... huwag mo kaming bibiguin..."unti- unti ang naging pagbagsak nang kamay ng pinuno na nakakapit sa mga kamay ni Dawn.

Wala na ito.

Hindi niya ito nailigtas.

Naikuyom ni Dawn ang kaniyang dalawang kamay. Pinahid niya ang kaniyang luha at tumayo. Itinuro niya ang hawak na patpat sa isang direksyon at bigla itong nagliwanag.

"Pangako, ibabalik ko ang dapat ay sa atin. Ibabalik ko ang nawala sa atin. Aalis ako ngayon pero babalik ako, Piento High, babalik ako kasama ang bagong henerasyon ng mga Cadwell." aniya bago tuluyang pumasok sa loob ng liwanag.

II

"Walang hiya ka!" Mabilis ang naging mga pangyayari, ang narinig ko na lamang ay ang ang pag-alingawngaw at paglapat ng palad niya sa aking pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Piento High: Rise of the CadwellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon