Chapter Two [Hole]

32 3 0
                                    

Mika's POV

Nagising ako sa madali ng araw,  hindi ko alam na nakatulog pala ako noong gabing iyun.

Tumingin ako sa lamesa ko at may nakita akong puting papel at sigurado akong may sulat iyun.



Kinuha ko at ito at binuksan. Tama nga ang hinala ko at may sulat talaga. Agad ko itong binasa.



Dear, Mika

Umalis na muna ako, pasensya na pero mga ilang buwan paako makakabalik dahil hindi parin nahahanap ang kasabwat ng apat na serial killer/bombers ngayon. Sana maintindihan mo kung kailangan kong umalis para mag trabaho.

Ingat ka, Mika

         Furukawa Itakura Mikazuka


Umalis nga talaga sya. Hays, mag-isa nanaman ako sa bahay kasama ang mga maids namin. At ilang buwan muna akong patay dahil wala si ate Mikazuka dito.



Pero bahala na, kailangan ko munang tulongan ang sarili kong magamot sa lagnat na ito. At sana balang araw ay makakilala ako ng tunay na kaibigan at pagmamahal, kahit hindi lang matagal.

May nakita akong gamot doon sa lamesa katabi ng puting sulat.



May nakasulat din doon na: drink this. Ano ba to? Baka gamot ko para sa lagnat.



Kumuha ako ng tubig at ininom ang gamot na iyun. Mayamaya nakaramdam ako ng pagkahilo at pagkainit ng katawan ko.

Anong klaseng gamot ba yun?

Akmang hihiga na sana ako ng mahagip ng aking mga mata ang mga paru-parung lumilipad sa labas ng bahay.


Hindi ko alam pero parang gusto ko silang sundan. Bahala na kung nahihilo ako pero gusto ko silang sundan.


Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at binuksan at kurtina ng aking window.


Parang sumasayaw sila ng walang musika. Tumalon ako sa window dahil lumalayo na sila.

Ayaw ko ring dumaan sa pintuan ng bahay namin dahil baka hindi ako palabasin ng mga maids ko.


Tumakbo ako ng bumilis ang paglipad nila hanggang tumungo sila sa parang gubat.


Malayo narin ako sa bahay namin,  pero wala akong pakielam dahil mukhang may gustong iparating saakin ang mga paru-parung ito.


Nang makarating ako sa gubat,  nakita ko ang mga magagandang bulaklak na parang nasa isa akong malaking hardin.



Umalis nanaman ang mga paru-paru kaya lumakad nanaman uli ako.


Pero nawalan ako ng ideya kung nasaan na sila.


Tumingin tingin muna ako sa paligid hanggang may naramdaman akong nahuhulog.


Nahuhulog?


Hindi kaya...


"AHHHHHHHHHHHH!!!" sumigaw ako ng malakas dahil bigla nalang akong nahulog sa parang bangin.


Letcheng bangin na ito! Dinala pa talaga ako sa kapahamakan. Nahihilo na nga ako eh!


Bigla nalang akong nagulat dahil tumigil ang pagkakahulog ko at bigla nalang ako nakaramdam ng malamig na semento.



Teka, semento?



*beeep!*



Nagulat ako sa busina ng mga sasakyan.


Paanong nagkaroon ng busina ng mga sasakyan ang bangin?


Nagulat ako ng may humawak saakin. Agad akong napalingon sa mga batang lumapit saakin.

"Uy, bata. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong noong batang babae.


Bata? Ako?



Pero teka lang ha, parang lumuwag ata yung damit ko.


Tinignan ko ang sarili ko. Bakit ang mga kamay ko ay lumiit? Pati narin ang katawan ko at ang damit ko naman ay lumaki?

Ano bang nangyayari saakin?

Akmang tatayo naako ng nakaramdam ako ng matinding pagkahilo pati narin ang pagkainit ng katawan ko.

Hindi ko na kaya. I felt like... dying.

Sawakas, makikita ko narin ang mga magulang ko.

Pumikit naako dahil hindi ko natalaga kaya kasabay ng pagkabagsak ko sa semento.

"Uy, bata!!!" huling narinig ko bago ko maramdaman ang pagkabuhat saakin.

***
Hala, napaano na kaya si Mika? May kinalaman ba ang gamot na ininom nya? Mamamatay nanga ba talaga sya?

Sorry, may pagka Alice In Wonderland ang pagkahulog ni Mika. Haha.

Nobody Meets Detective ConanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt