Chapter 24:Try-Out

199 13 2
                                    

Ace's POV

Isang lingo na ang nakalipas. At ngayon na ang araw ng try outs. at Sunday ngayon. Manood kaya siya? Manonood kaya siya?

So ako si Van si Tristan at si Mark lang ang mag tatry out ngayon. Bakit hindi kasali si Alexander,Brent at Flame?

si Alexander kasi never nyang nagustuhan ang basketball. sa totoo pang mas gusto niya pa matulog.

at si Flame naman ayaw niya na daw masali sa Team dahil baka lalo pa daw siya pagkaguluhan ng mga babae. sira ulo talaga yun eh.

At si Brent naman nag babasketball naman siya at may kagalingan din kaya lang...may kaliitan siya.. (Peace!:))

"hoy! ayusin niyo yan ha! wag niyo kaming ipapahiya! yari kayo sakin pag di kayo nakapasok!" Biglang sabi ni Brent samin.

"Oo, subukan niyo lang wag makapasok! one year niyo akong ililibre!" Biglang sabi ni Alexander kahit kelan talaga puro nalang pagkain.

"Oh pagkain ka nanaman!" Sagot ni Brent.

"Guys wag na natin sila bantaan. support nalang natin sila." Biglang sabi ni Flame.

"Ayos Flame ang seryoso mo ngayon ah!" Nangaasar nanaman na sabi ni Mark.

Isang linggo na kaming nag papractice. We have to make this count.

Pearl's POV

"Pearl samahan mo nga kami ni Winter. Punta lang tayong NBS. May bibilihin lang kami. Natawagan ko na si Scarlet sasama daw siya." derederetsong sabi ni Summer pagkapasok na pagkapasok niya palang sa bahay namin.

"Sige tara! bihis lang ako!"  Sabi ko kay Summer. pupunta nalang daw si Scarlet dito kaya ok lang kahit magtagal pa ako.

habang naliligo ako. Bakit parang pakiramdam ko may dapat akong gawin ngayon? meron ba? ay ewan!

Saktong pagtapos ko maligo nandyan na si Scarlet kaya nakaalis na rin kami agad.

Meanwhile

Ace's POV

Eto na talaga. One Hour nalang simula na nang try-outs.

Lahat ng mag tatryouts ay magsusuot ng color violet at magiging equivalent sa isang Team. At ang lahat ng talagang players ng OIA ay naka Green na School Color namin.

Nag orientation na kanina at ang gagawin pala nila ay Try-Outs vs Varsity Team. Bunutan ang gagawin nila para mapili ang first five. First Five lang ang bubunutin tapos kami na bahala sa mga susunod na quarter.

A few minutes later dumating na din ang isa sa mga coaches ng Varsity Team. siya pala ang bubunot.

Nakabunot na nang apat. At kasali si Van, Mark at si Tristan sa Apat na yun.  Ang swerte naman sabay sabay pa sila. Ako kaya?

"Ace Ezekiel Dela Vega" pagbasa ni coach sa huling papel na nabunot niya.

WHAT?! Ako yun ah! ayos! Sabay sabay kami!

Nandun na kaya siya? Makakapunta ba siya?

Pearl's POV

Ang tagal naman nila! sabi may bibilihin lang. Buong NBS na ata binili netong kambal na toh!

After 12345678910 years.....

Yup Ladies and Gentlemen..  Sa wakas na tapos na din po sila.

We decided na mag Starbucks daw muna kami since wala naman kaming gagawin dahil Sunday naman. Bakit ba tuwing sinasabi ko na wala akong gagawin parang meron. Ang labo.

Ace's POV

"To all try-outs please form a line and the varsity team as well." Rinig kong announce ng MC.

Magkatapat na ang try-outs at ang Varsity Team. Pag tingin ko sa katapat ko. Guess What! Yung nabanga kong lalaki ay Player pala ng Varsity Team. at eto pa Siya pala ang Team Captain. aish. patay na.

Nakipag shake hands na kami sa bawat player pero yung pag shake lang nang Team Captain ang parang may kakaiba.

Tumingin ako sa Seats nang Gym. Pero wala akong Iris na nakita. Haizst baka hindi siya pupunta.

Simula na ng laro. Jump Ball. Si Van samin at sa kabila is yung Team Captain nila.

Sabay na tumalon si Van at yung Team Captain. Unfortunately nahawakan na nung kalaban yung bola. Pero pag tabig niya nakuha naman agad ni Tristan. Sabay pasa niya kay Mark, nag fake si Mark tapos pinasa niya sakin ang bola. Tiningnan ko kung sakto ba ang tayo ko para makapag 3 points. I aimed the ball directly to the net at...

"woosh" Yes! Ringless!

"Waahhhhh!!! Ang pogi na ang galing pa mag basketball!!! wahhh!! ang pogi talaga!"

hala?! May fangirls na ako agad? sorry girls. My heart already belongs to someone. Huh?! Ano daw? At sino naman? Aish.

At ganun lang ang status nang game namin minsan lalamang kami minsan sila hanggang mag half time na. Nabawi din naman ni Van yung di niya pag tabig kanina. At eto pa naka dunk pa siya kanina. Ayos diba..

Malapit na mag 3rd Quarter. Wala pa din siya. Nawawalan na ako nang gana.

Pearl's POV

Pag ka order namin ng drinks namin umupo na kami sa isang table. Nilabas ko ang Iphone ko at nag open ng FB.

Scan lang ako ng Scan..

Hanggang nakita ko yung post ng isang ka- batch ko.. Picture yun ng Gym namin at ang caption niya.

"Let's Go OIA Varsity Team, Let's Go"

Huh? May laro ba yung team ngayon? Bakit parang may iba?

"Psst.. Pearl Next Week na pala yung performance natin noh!" Biglang sabi ni Scarlet.

WHAT?! Next Week?! ehh.. Sa pag kaka tanda ko. Baga ang performance namin manonood muna ako ng try-out game nila Ace..

Teka..

inangat ko yung Wrist Watch ko at tinignan ko kung anong date ngayon at..

Sh*t!! Ngayon pala yung Try-Out game nila!! Sh*t Sh*t!!

"Guys wait lang ah! punta lang akong OIA. Babalik ako I promise! wait lang.. May gagawin lang ako... Sh*t!

hayy.. Ang bobo mo naman Iris! bakit sa lahat ng araw ngayon ka pa nakalimot tumingin sa calendaryo.. Aish.. Dali dali kong pinara ang isang taxi at sinabi na dalhin ako sa OIA.

Aish. kailangan kong umabot sa Laro nila kaylangan talaga..

----------------------------------------------
Brent Logan Mendoza in the Multimedia.

Aabot kaya si Pearl?
VOTE. COMMENT. SHARE😂

Officially TransferredWhere stories live. Discover now