Truth 5 🙅🏻 Crush

2K 82 4
                                    




Ynna POV

First love. Totoo naman eh, bakit ko pa nga ba idideny kung halata naman. Nung kahapon kitang kita ko ang kislap ng mga mata niya habang kinakausap niya si Tin. Ganon naman talaga siguro, hindi mo masasabi kung naka move on ka na sa taong nanakit sayo kung andun pa rin siya sa sistema mo.

"Ynna! Stannap!" Ani ng professor. Sa dami kong iniisip di ko na tuloy magets to'ng lesson namin.

"Yes Sir?" Kabado kung tanong. Nag isip ako ng maisasagot ko. Ano ba yung tinanong niya?

"Kung ikaw ang papipiliin ano ang mas gusto mo?" Tanong ni Sir Franco.

"Sir?" Naguguluhan kong tanong. Tinaasan niya ko ng kilay.

"Nakinig ka ba oh hindi? Oh nakinig ka pero hindi mo lang pinapasok sa ulo mo?!" Bulyaw niya, nakakatakot talaga magalit tong si Sir Franco, terror kasi yan eh.

Yumuko na lang ako. Pilit kung iniisip kung ano ba yung ni-lecture niya at tinanong niya. Pero inabot na ko ng isang minuto kakaisip di ko talaga maalala ang tinanong niya, nanatili lang akong nakayuko, nasa akin lahat ang attensyon ng mga kaklase ko.

Center of attraction? Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat eh.

"Nakinig ka ba?" Tanong ni Daniella habang nakayuko ako. Umiling ako. Kahit naman kasi na makinig ako walang papasok sa utak ko.

"Sabi niya, ano ang mas pipiliin mo, ang utak oh ang puso. Science tayo ngayon Ynna." Ani niya.

Utak oh puso? Pwede bang dalawa? Pwede bang dalawa sa kanila ang piliin ko?

"Pwede bang dalawa?" Tanong ko pa rin na nakayuko. Ngumiti siya.

"Isagot mo. Ipaliwanag mo. Para maintinidhan niya kung bakit dalawa ang pinili mo." Ngiti niya uli.

"Baka kasi mali agad." Sabi ko.

"Hindi naman lahat ng kasagutan mali Ynna, try mo'ng ipaliwanag at ipaintindi sa kanila. Ipakita mong the best yung sagot mo." Ngiti niya ulit mas lalo akong kinakabahan eh.

"Kinakabahan ako." Nguso ko. Ayoko talaga ng ganito, na sa gitna ng pagtanong sakin nag iisip pa ko ng isasagot ko dahilan para mapunta saken ang attensyon ng mga tao sa paligid ko.

"Walang mali sa alam mo ang tama, i-try mo Ynna. One hundred percent sure, tama yan. Ikaw pa ba?" Persue niya sakin.

Tumingin ako sa harapan, still nasa sakin pa rin ang atensyon nilang lahat, nakataas pa rin ang isang kilay ni Sir Franco sakin.

"What now?!" Sigaw niya.

"Sir pwede po bang dalawa?" Nahihiya kong sagot. Kumunoot ang noo niya, tumawa naman ng palihim ang mga kaklase ko. Ang bobo ko talaga, eh bakit dalawa? Natural mali na yun stupid Ynna.

"Then explain." Seryoso niyang sabi. I-eexplain ko? So..pwede? Nakita kong palihim na tumatawa pa rin ang mga kaklase ko. Tinignan ko ang mga kaibigan ko, tumango lang sila. Yung boys naman nakatingin lang saken, habang si Ellijah naka naped. Bahala na.

"Sir...kaya po dalawa ang pinili ko kasi..." Nag aalangan pa kong mag sabi. "Hindi naman kasi maididikta ng utak mo ang kaya mong gawin ng puso mo. Ang utak kasi siya ang nag bibigay kasagutan sa mga tanong na hindi masagot ng puso mo. While ang puso naman siya ang gumagawa ng mga bagay na minsan hindi magawa ng utak mo." Tuloy kung sabi. Nakatingin pa rin silang lahat sakin. Hindi ko alam kung tama pa ba yung sinabi ko.

Naramdaman kung parang may gumalaw sa likuran ko, kahit hindi ko naman tignan ramdam kung si Ellijah yon, nagising ata.

Tumaray nanaman sakin sir Franco. "Eh pano kung hindi mag function ang sinasabi mo? Pano kung hindi naman pala nila kayang gawin ito?" Sabi niya at nag kibit balikat.

Truth Or Dare #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon