Pwede Na Ba? [ONE SHOT]

72 3 0
                                    


Nga nga kana naman! Iniisip mo na naman yung mahal mong hindi ka mahal!" magandang bati sakin ni Jacob. Ang panggulo sa buhay ko.

"Sino naman nagsabing mahal ko si Liam?" nakasimangot kong sagot sa kanya.

"Wala akong sinabing si Liam! Hahahahaha! Pero halata naman kasi, yung apat mong mata biglang gumaganda pag tinitingnan mo siya. Pag kausap mo siya, pag kasama mo siya, pag tinitingnan mo siya gumaganda ka ng konte kasi gumaganda aura mo! Pero panget ka parin!"

"Wow. Gwapo mo eh!"

"Oo,talaga. Kaya di tayo bagay eh! Hahahahaha! Pango!"

"Hambog ka!" Natatawa ako sa sagutan namin. Nasanay narin siguro ako na ganito siya kaya hindi na ako nagagalit.

"Oh ayan na. Dadating na si Liam mo!" Agad kong inayos ang buhok ko. "De joke lang! HAAHHAAHHAHAHAH!" biglang sabi nya. Nahampas ko tuloy siya ng malakas!

"Ahhh! Bwiset ka talaga Jacobino!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang sarap mo talaga asarin. Paano yun mapupunta dito eh walang pasok yun ngayon! Hahahahahahahahah"

"Tseee!" ang sama na ng tingin ko sa kanya. "Aalis na ko! May klase pa ko!" Sabay walk out ko.

Habang naglalakad ako nakasabay ko si Claire, ang bestfriend ko. "Ano na naman ginawa sayo ni Jacob at salubong na naman yang kilay mo?" Agad nyang napansin medyo bad mood ako.

"Kailangan ko pa bang ikwento?" tanong ko sa kanya.

"Ahhaahahahah! Pero alam mo, feeling ko may gusto siya sayo."

"Ha?"

"Ha ka pa dyan eh alam ko namang nadinig mo. I mean, diba ganun ang mga lalaki minsan. Dinadaan nila sa pang aasar at biro yung nararamdaman nila."

"Ginagawa nya din yun sa iba for sure."

"Hindi girl. Sayo lang! Hahahaha"

"Eh masarap daw kasi ako asarin,kakasabi nya lang kanina."

"Tyaka imposible naman sigurong pumunpunta lang siya dito para asarin ka." Pag pipilit ni Claire.

"Sinusundo nya mama nya db?"

"Ahh basta! Team Jacob ako!"

Never na sumagi sa isip ko na magkakagusto sakin si Jacob, para sakin isa lang siyang malaking KALOKOHAN sa buhay ko. Isang malaking PANGGULO. Pero habang pinaguusapan namin si Jacob, si Liam parin iniisip ko. Haysss. Ano na ba 'to?!!!!

"Ysabel Diaz?" "Miss Diaz?"

"Ha? Ye-yes ma'am?"

"Please go out kung hindi ka pa ready makinig sakin." Hindi ko namalayang nawala na pala ako sa diwa ko. Lumipad na ang isip ko patungo kay Liam.

Kasalanan niya itong lahaaaaaat!

"Sorry po ma'am." Hindi ako lumabas, nag stay ako hanggang matapos ang class, pero sya parin iniisip ko. Tang manga naman Sabel oh!

Habang palabas ako ng room, biglang nagtext si Liam.

"Oy sabel? Labas kana! Tara mag siomai!" syempre reply ako agad.

"Libre mo ba? Hahahaha!"

2mins

5mins

Pwede Na Ba? [ONE SHOT]Where stories live. Discover now