Kabanata 9

9.9K 262 3
                                    

His ways

"I think kailangan na nating matulog." Sabi ni Shon at sinenyasan nya si Drake.

Nilapitan ako ni Drake. "I'll take you to your room." Sabi nya. Napatingin pa silang lahat sa amin bago ako tumango at tinanggap ang kanyang kamay.

"Ako na Drake." Biglang pigil ni Ross. He's not even aware kung anong nagawa nya.

"No dude I'm responsible of her." Sabi ni Drake at hindi na hinintay pa ang opinon ni Ross.

"Yula di pa ba kayo matutulog?" Lingon kong tanong.

"Susunod na ipapaayos lang namin to." Nakita kong nahihirapan sya sa pagbuhat kay Fred.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bata. "Ako na magpapatulog sa kanya." Ngiti ko. Tumango si Yula at hinagkan ang anak sa ulo.

Umalis na din ang iba naming kasama at si Ross ay pinagmasdan kaming umalis. Mabuti na lang at kinukulit sya ni Karen.

"Ako na sa bata." Kuha ni Drake pero humigpit ang yakap ni Fred sa akin.

"Ow the kid likes you huh." He chuckled. "If Zeke could have seen this baka hindi na sya makapaghintay."

"Shut up Drake." Irap ko.

"Now is that how you make the sound of a bitter wife?"

Nagtaas ang kilay ko at ngumisi lang sya ng mapanloko.

"Alam mo bang parang tanga syang kakahanap sayo kanina?" Halakhak nito at marahan pa itong napapalakpak.

"And so what? I hate him for not answering my question at sobrang punong puno na ko sa issues n'ya Drake. Hindi ko na din alam kung may balak pa syang ituloy yung 2nd wedding namin...

I can't believe we're leading this way again. Nakakapagod na dati pa." Buntong hininga ko at pinagbuksan ako ng pintoni Drake.

Yakap pa rin ako ng bata kaya sa kama ko sya nilagay. "You wanna sleep with tita baby?" Nakakagaan pagmasdan ang bata na tumatango.

"Come here tanggalin natin ang sapatos mo." Inayos ko muna ang bata bago hinarap si Drake.

"Now what can you say?" Taas kilay kong tanong.

"Well you better talk." Kibit balikat nyang sabi bago lumabas ng cottage.

Nagpalit ako ng damit bago tumabi kay Baby Fred. He's sleeping soundly.

I slept that night with the doubts again. Mahal ba nya talaga ako? Nagtitiwala ba sya sakin? If yes why can't he answer my damn question! If he loves me why can't he freaking leave the industry and just be with...me!

But how can I let that happen when I know it's part of his life. One of his passion. And he can't just lose it just because he loves me. And just how damn I am right now.

Kasi ako kaya kong itigil ang nakakasagabal sa amin. Just to prove how much I feel. Maybe he's not that deep. Remembering how we separated before.

How I lived without his glances. How I've seen him comfortable without my presence. But I should not doubt his ways. His way of loving me. His way of keeping me. His way of making me laugh, smile and cry. Because all I have to do is to understand his flaws.

All I can do is to wait and live the way it has to be. We're going to have our first born. And I'm expecting him to be responsible of his actions. His flirtious actions!

And I still can't get over it. Gusto kong magmura sa naaalala kong scene kanina. Pumikit ako ng mariin at nagdasal na dalawin ng antok. I felt Baby Fred hugged me.

Just as I felt the warmth of the kid I fell asleep.

Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa taong nakadagan sa akin. I felt how he managed to caress my waist. Hinaplos nya ang umbok ng tyan ko at doon na ako napabalikwas.

Hindi pa ko nakakabangon ng maigi ay hinigit na nya ako pahiga sa kanya.

"Where's Fred?" Agad kong hanap sa bata. Kumunot ang noo nito.

" Yun ba ang pangalan ng kabit mo?" Seryoso nitong titig. Itinulak ko sya. Now I felt weird dahil hindi ako iritado sa pabango nya.

Nang nakalayo ako sa kanya ay nakita ko ang panghihina ng mg mata nya. Bumangon ito at napaupo sa kama.

"Kaya mo ba ako tinakasan at makikipagkita ka sa kabit mo?" Paos nitong tanong. Iritado ko syang tinignan.

"Fuck you Ladesma." Mariin kong sabi at itinapon sa kanya ang unan at dumiretso sa CR.

Kabit? Ako pa ang may kabit? Shit lang sa paniniwala nya. Pagkatapos nyang magpalandi kagabi ay ito pa ang pang almusal ko?

I heard him knock the wooden door. "Hey...I'm sorry." Hindi ako umimik at nagsipilyo. Sorry mo mukha mo!

"Please open this door. " Nagmumog ako at naghilamos. Pagkabukas ko ng pinto ay muntik pa itong matumba sa pagkakabukas ko.

Nilagpasan ko sya at nagtungo sa hanging cabinet at kinuha doon ang binili kong damit.

"Lumabas ka magpapalit ako." Mataray kong utos. Hindi ko alam ngunit naginit ang dugo ko nang mapansin ko ang tenga nya na may kagat doon.

"Labas." Malamig kong sabi. Frustrated itong lumabas at padabog kong sinara ang pinto.

Naligo muna ako ng madalian bago nagpalit. Wala na akong naririnig mula sa labas siguro ay umalis na yon.

I wear my white off shoulder maxi dress at isinuot ang pares ng flip flops ko.

Nagvibrate ang cellphone ko at binasa ko ang mensahe ni Drake na nagaaya na ng beakfast.

Lumabas ako ng cottage na nagtitipa ng reply nang halos maatake ako nang mapansin kong nandoon pa rin sya.

Napalunok ako dahil kahit kagagaling lang nito sa pagtulog ay parang model pa rin ito kung makatayo.

"I'm sorry--" hindi ko sya pinatapos at nilagpasan ko na lang. Baby galit tayo sa ama mo bakit ngayon ka pa hindi naginarte sa amoy nya?

"Hey talk to me. Are you still mad?" Habol nya. Hinarap ko sya.

"Yes I am! At pwede ba huwag mo muna kong kausapin tutal sabi mo nga may kabit ako. Pwes para quits tayo puntahan mo rin yang Risa mo and let her grind your buldge. At ipamukha mo pa sa akin kung gaano ka nage enjoy!"

And I felt my tears being wiped. Niyakap nya ako at nanghina ako.

"Sige lang Zeke palandi ka pa sa harap ko pa ha." Inis kong bulong. I heard his hard breathings.

"It may not be obvious but I only get turned on by my wife." Sumimangot ako lalo.

"Aha as if you were not enjoying her lap dance and how she bit what's mine." Malamig kong sabi.

I heard his chuckle." Stop being jealous,ikaw ang iniisip kong lumapit sa akin kagabi. If I were not drunk that night I could've stopped her."

"I'm not jealous. " Depensa ko. Naramdaman ko ang pagkagat nya sa balikat ko na nakapagptindig sa balahibo ko.

"Your showing off your shoulders again." Komento nya na parang walang dumadaan. Pero pasalamat na lang ako dahil puro foreigners lang ang meron.Dahil di sila maiintriga kahit mag PDA kayo.

"Zeke shoulders lang yan." Iritado kong sabi at kumawala sa yakap nya. Tinitigan nya ito kaya't napatingin ako doon.

Magmumura pa lang ako nang i-abot nya sa akin ang flannel na kulay grey. He chuckled when I have no choice anymore.

"You better wear that or I'm gonna add up more kiss marks." Ngisi nya at naunang naglakad. Yes his ways again.

That Guy is my Husband IIWhere stories live. Discover now