5

25.3K 296 10
                                    

5

(JESSICA's)

Habol habol niya ang hininga nang siya'y sumakay sa kaniyang sasakyan. Mahigpit din niyang hinawakan ang manibela at nag-iigting ang kaniyang panga sa galit.

Buwisit na Nisha yun! Ang kapal ng mukha para sampalin siya at sabihang mang-aagaw. That bitch!

"Urg! Damn you Nisha! Damn you!"
Sabi niya sa pagitan ng paghinga.

Gigil na gigil siya sa babaeng iyon. Ang lakas nang loob na sabihan siya ng kung anu-ano. Doon pa mismo sa kumpanya ng ASAWA niya.

Humanda sa kaniya ang babaeng iyon. Ipapasesante niya iyon kay Ashton. She doesn't have the rights to slap me. At wala rin siyang karapatan na sabihan siyang mang-aagaw dahil in the first place, kaniya na talaga si Ashton.

Bata pa lamang ay inangkin na niyang kaniya si Ashton. Childhood friend nya ang lalaki.

Her Mom and Ashton's Mom are best friends. Madalas siyang nasa bahay ng mga Middleton dahil na rin sa Mommy niyang madalas dumalaw sa Bestfriend nito. Araw araw, lage niyang niyaya makipag-laro ang lalaki pero sadyang bata pa lang ay mailap na ito kaya't lage siyang nahihindian. Pero, hindi siya ang tipo ng tao na basta basta na lamang sumusuko. What she wants, she gets and she wants Ashton kaya she told herself that someday, Ashton and her will get married. No matter what happen they will get married.

Hanggang sa mamatay ang mga magulang nang lalaki sa isang trahedya, kaya mas lalo itong naging mailap. Naging cold din ito. Sa mga panahong nag-iisa si Ashton, ay hindi niya ito iniwan man lang. Lage siyang pumupunta sa bahay nito at ipinagluluto niya ito ng kakainin nito.

Umaga, tanghali, hapunan. Walang palya, siya ang nagluluto ng mga ito.

Wala naman itong kaso sa kaniya dahil nga mahal niya ang lalaki. Pero hindi magawang suklian ni Ashton ang pagmamahal na binibigay niya dito. Ashton can't love her back and sobrang sakit niyon para sa kaniya.

Pero kahit ganon, hindi pa rin niya iniwan ang lalaki. She stay beside him kahit na he cannot love her back. Sinabe rin niya sa sarili na, she will make Ashton fall for her.

Halos lahat ng babaeng nagtatangkang dumikit, makipagkilala o miski lumapit man lang kay Ashton ay inaaway niya.

She's a bitch and everyone knew about that kaya mula noon wala nang nagtangka pang lumapit sa lalaki.

But Nisha came in his life, in their life. And there she is ruining everything. Lahat nang ginawa niya para kay Ashton, para mahalin siya nito ay nabale wala na lang nang dumating ito. Binago nito si Ashton. And the worst thing is Ashton fell in love with that girl.

Doon ay sobrang nagalit siya sa babae at kay Ashton. Ipinangako pa niyang hinding hindi magiging masaya ang dalawa hangga't nabubuhay siya at hindi niya hahayaang hindi sila ni Ashton ang magkakatuluyan.

Then a new chapter began, college life. Hindi niya nilayuan si Ashton kahit na madalas na siyang tinataboy nito dahil kay Nisha. Doon mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman niya sa babae. She envy Nisha so much. She always asking herself, ano bang meron si Nisha na wala siya at nagawang mahalin ito ng lalaking mahal niya? She's always crying sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama at masaya sa piling ng isa't isa. Siya dapat kasi yun eh. Kung di lamang umepal si Nisha.

Sa sobrang pagmamahal niya sa lalaki, unti unti na niyang napapabayaan ang sarili. And she found out something worst about herself. Something worst na dahilan kung bakit kasal sila ngayon ng lalaki. Naisip niya, hindi na rin pala masama itong nalaman niya tungkol sa kaniya dahil nasa kaniya na ngayon ang lalaki.

The MistressWhere stories live. Discover now