New Year

936 24 4
                                    

Present

Mika's POV

Life had been tough for the both of us.

This has been a roller coaster ride, even with our feelings too.

Dumating sa point na, tinanong ko ang sarili ko kung mahal ko ba talaga siya. If he really deserves me. Pero wala akong mahanap na matinong sagot. Walang sign. Walang clue. Wala. As in 0%.

Siguro dun pa lang, napatunayan kong mahal ko siya talaga.

Naalala ko pa nung college and UAAP days. Mga panahong kailangan naming itago ang lahat. Akala ko pwede na eh. Handa na ako. Pero siya naman yung nagkaproblema. Pero wala sa aming bumitaw.

Nadun yung mga panahong, ang init init ng dugo ko sa kanya kasi nagseselos ako. Most of his time nasa career na lang palagi. Pero nasagi sa isipan ko... Bibitaw pa ba ako? Alam kong dream na yun and gusto kong suportahan siya sa kung ano ang gusto niya. Gusto kong kasama niya ako sa pagtupad at pag abot ng kanyang mga pangarap.

Kumbaga, sabi nga nila, "Behind every successful man, is his woman." ganyan lang.

Naalala ko din kung paano ako magpatama sa twitter noon dahil sa selos ko.

Pero wala namang nakakahalata (siguro) haha. Yung mga simpleng ganito ganyan...
Natutuwa lang ako kapag ime-message niya ako after at palaging sasabihin,
"Iloveyou bbq.Ikaw lang." Minsan iniisip ko kung sigurado pa ba yan, kung sincere pa ba yan, o kung anu-ano pa. Pero palagi niyang pinapakita at pinaparamdam yun sa akin.

Nakakainis lang yung fans nilang dalwa na tina-tag pa ako kapag may sweet pictures sila. Isampal ko sa mukha nila ang pics namin eh. Ewan ko na lang! Hahahaha

Tanda ko kung paano kami pinaglayo ng tadhana.

Hinanap namin ang aming mga sarili.

At nung nagawa na, hinanap namin ang daan pabalik sa isa't-isa.

Hinanap namin ang pagmamahal na mayroon kami dati, at mas hinigitan pa.

Hinanap ko ang isang Kiefer, ang lalaking alam kong mamahalin ko pang habangbuhay. Ang aalagaan at pagsisilbihan habang ako'y nabubuhay.

"Kiefer Isaac Crisologo Ravena, isang taon na ang nakalipas simula ng humarap tayo at nangako sa harap at tahanan ng Panginoon. Isang taon na ang nakalipas simula ng pumayag ako na makasama ka sa isang bubong, sa hirap at ginhawa. Isang taon na ang nakalipas ng nagsimula tayong tahakin ang panibagong buhay na nag aantay sa atin. Sa loob ng isang taon na yun, masasabi kong... sobrang dami na nating napagdaanan. Sobrang daming problema na ang sumubok sa atin. Pero ni minsan, hindi ka sumuko. May mga panahong, kahit ako, sa sarili ko ay sumuko na. Pero nandiyan ka para itayo ako. Nandiyan ka para suportahan ako. Sa lahat ng problemang napagdaanan natin, hindi ko alam kung paano natin nalagpasan ang lahat lahat ng iyon. Hindi ko alam kung paano natin nakayanan ang lahat. Sinubukan na ang pagmamahalan natin sa isa't-isa at nakakatuwang isipin na hindi tayo nagpadala sa mga problemang iyon. Babe, Baby, Bae, Love... kahit na madami tayong terms of endearment, sa IYO ko lang gustong itawag yan. Sa iyo ko lang gustong marinig yan. Salamat sa pagiging mabuting asawa, sa pagiging responsableng ama, salamat sa pagiging mga paa ko, kapag ako mismo hindi na makatayo para sa sarili ko. Salamat kasi hindi mo ako/kami iniwan kahit na may hindi magandang nangyari noon. Salamat at minulat mo ang aking mga mata, tenga at puso sa katotohanan. Mahal na mahal kita kiefer, higit sa buhay ko. Salamat sa pagmamahal, pagkalinga at pagtitiyaga sa akin... sa amin. Iloveyousomuch." And tears fall down my eyes.

Kiefer's POV

Minsan na siyang nakawala sa akin.

Minsan ko na siyang napalaya.

Swear It AgainWhere stories live. Discover now