Mumu 1

37.1K 696 102
                                    

"Naynay alis na po ako!!" sigaw ko sa nagpalaki sa akin,dalawa lang kaming namumuhay at mahal ko si Naynay ng sobra.

"Sige anak! Yung baon mo nasa mesa,tapusin ko lang tong nilalabhan ko" sagot ni Naynay sa may likod bahay,at ako masiglang tinungo ang mesa at kinuha ang baon ko,sa tutuusin,hindi ko ito ginagastos,iniipon ko hihi! May pinaghahandaan kasi ako eh.

Pagkalabas ng bahay ay tiningnan ko ang phone kong niluma ng panahon,Nokia6120c para tingnan ang oras, 5:30am pa lang,hindi pa ako late sa klase.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng trycicle,its a good thing one ride lang mula dito samin ang school,malapit na ako sa terminal ng may tumawag sa akin.

"Kaiicen!!" hindi ko pinansin,though alam ko na kung sino yon.

"Kaii!!" tawag nya ulit,deadma pa din ako at patuloy na naglakad.

"Dyosa ng kagandahan!!" yan! Ganyan! Naka ngiti akong lumingon sa kanya at hinintay ko sya.

"Langya! Yon pala dapat isigaw pag tatawagin kita?" hinihingal na sabi ni Mikoy,kababata ko at kapitbahay.

"Alam mo yan! So tara na baka ma late pa ako" naka ngisi kong sabi sa kanya,oo tama kayo ng kutob,kalahi ko si Dyesebel at Marina,and Im proud of it,pero hindi ako nagdadamit pambabae no? Bakla na nga ako,babaklain ko pa sarili ko? Ayoko din ng mga make up,para sa akin mas mainam na ang gandang natural! Aha! ^o^

"Edi dapat Gwapong Adonis naman itawag mo sa akin" hirit ni Mikoy pagkasakay namin sa trycicle,gwapo naman sya,naging munting crush ko nga sya noon nung nararamdaman ko na ang pagiging isang lamang dagat eh haha!

"Pag isipan ko Mikoy" pang iinis ko sa kanya.

"Ang daya!" aniya na tinawanan ko lang.

Ng makarating sa aming sinisintang paaralan ay naghiwalay na kami, middle section kasi ako,sya naman pilot,matalinong nilalang! Sya na!

Pumasok na ako sa maganda naming classroom at sinalubong na ako ng mga chikadora kong classmates,chika dito,chika doon,walang humpay,natigil lang sila ng dumating na ang teacher namin sa first subject na talagang kinakatakutan namin,maging ako ay takot sa kanya lalo na nung first day,pakiramdam ko nga noon nalagas ang mga buhok ko sa sobrang nerbyos,but that was before,napag alaman kong suklam sya sa mga beki dahil sinisindak din nya si Jumel na isa ding beki na classmate ko.

"Nag iwan ako sa inyo ng homework kahapon right? Sana naintindihan nyo ang mga sagot nyo dahil magkakaroon tayo ng recitation" anito. Oh shit! Hindi ko pa man din inintindi ang sagot ko sa homework na yon! Dati gustong gusto ko ang Araling Panlipunan pero dahil sa kanya hate ko na to.

"Okay,to start our graded recitation, Kaiicen Andrada"

Oh my gosh!! Bakit ba kasi trip na trip ako ng gurong to?

"Ano ang agham panlipunan sa araling panlipunan?"

Luh? Ano daw yon?

"Kaiicen Andrada,answer the question!" asik ni Maam Policarpio kaya napaiktad talaga ako.

"Im sorry Maam,hindi ko po alam!" ninenerbyos kong sagot,natahimik ang buong klase nakikidalamhati sa pagka nerbyos ko.

"Ano?! Sabi ko na nga ba! Walang laman utak mo! Ngayon I want you to do is pumunta sa library after ng class,humiram ng libro para sa AP at basahin mo lahat! By the end of the of second grading gusto kong ipasa mo sa akin ang mga natutunan mo! That would be your personal project! Intiendes?!" umuusok ang ilong na sabh nito,napatango na lang ako sa takot.

"Grabe mangpahiya tong panget na to" bulong ng katabi ko. Hindi na lang ako kumibo. Kaya ng mag uwian na ay dumeretso ako sa library at agad hinanap ang librong sinasabi ni Maam Policarpio.

Mumu Sa Library (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now