Chapter 1: Unlucky

1 1 0
                                    

"They are extincted na girl! Wake up!"

Paulit-ulit na replay ni Alexandria sa isip niya. Yan kasi ang sinabi ni Carmen sa kanilang kaibigan na si Jessie na naniniwala sa perfect boy. Kaya ayun, pilit niyang tinanggap ang mga salitang iyon.

'Extincted na kaya talaga?'

"Hay nako girl, baka meron pa noh! Di nga lang nagpapakita." Nakapout na sabi ni Jessie.

"Tss. You know what? Kaya ka grabeng nasasaktan dahil sa mga paniniwala mo sa mga ganyan!" Kitang kita ni Alex ang irita sa mukha ni Carmen.

Binalewala nalang niya ang so-called debate ng dalawa niyang kaibigan. Normal na kasi sa kanya to. Sumipsip lamang siya sa kanyang kape at tumingin sa labas ng shop. Hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iisip.

'I wonder kung bakit ako nagkaroon ng kaibigang ganito. Yung mag-aaway dahil sa maliit na bagay pero ang chill pa'rin? Ganito din ba kaya ang mga relationships? Madaling ayusin?'

She was lost in her thoughts when she suddenly felt Jessie's arm. Agad siyang napatingin sa kaibigan nang sikuhin siya. She gave her a what look when Jessie frowned a little.

"Buti ka pa Dri. Di ka pa nasasaktan."

Napangiti naman si Alexandria.

"I was hurt yet I managed to stand up and be brave. Wag ka nang malungkot, makakahanap ka rin ng mas better than him. After all..." Tumingin agad si Alexandria kay Carmen at ngumiti.

"...we deserve to be happy with someone greater."

Napangiti naman si Carmen sa kanya pati na rin si Jessie. Nakakagood vibes kasi si Alexandria sa buhay nila. Yung paraan niyang pagko-comfort sa tao ay talagang nakakagaan ng loob. Talagang nakakainspire. Kaso sa isip ni Alexandria, di naman talaga siya nagkaroon ng love life. She only experienced what its like to love someone from afar.

Ilang oras din silang nag stay sa loob ng Coffee Bean hanggang sa naisipan nilang lumabas ng shop at maglakad-lakad sa ilang shops ng SM Cebu.

Forever 21. Yan ang nasa isip nina Carmen at Jessie as soon as they got out the coffee shop. Wala namang ibang puntahan si Alexandria bukod sa NBS kaya nagpaalam muna siya sa dalawang kaibigan.

"NBS ka ulit? Di ba kakabili mo lang last week?" Surprised na tanong ni Carmen. Tumango naman si Alexandria.

"Bibili lang ako ng collectors pack kung sakaling may makita ako dun. Uuwi na kasi ako ng probinsya for the vacation." Pagpapaliwanag niya.

"Ha? Bakit hindi ka dito magbabakasyon?" Tanong naman ni Jessie while holding her phone. Alexandria just stared at her way para hindi makabangga ng tao.

"I want some fresh air. Yung fresh gaya ng probinsya namin. Sawa na ako dito eh. Ang tagal na din since the last time I visited there."

Napatango lamang ang dalawa sa sinabi ng kaibigan at nagpaalam na nang makita ang shop ng Forever 21. Alexandria then fished her headphones and put her hood on. Naka leggings lang siya colored black and gray jacket with a gray shirt as her inner and backpack.

As she made her way, hindi mapigilan ng ilang mga tao ang mapatingin sa kanya. With her brown and not so curly hair untied and natural red lips and pink cheeks? It's impossible that nobody can't stare at her.

Alam ni Alexandria na maraming napatingin sa kanya pero she didn't mind those stares. Sanay na siyang tignan ng mga tao pero she didn't even try to be confident about it. She just doesn't care about it. She looked at her watch. 9:16 pa.

Nang makarating na siya sa NBS ay agad siyang pumasok at pumunta sa fiction shelf at tumingin ng collectors pack. Kaso wala naman siyang makita kaya tumingin nalang siya sa kabilang shelf nang makita niya ang librong nakatitle na 'Warm Bodies'. Agad siyang lumapit doon at kinuha ang libro at binasa ang likod nito.

Nakita na niya ang movie nito but if she buys it, she'll be able to compare which is better 'di ba? So without thinking twice she decided to buy the book. Naglakad-lakad muna siya sa loob ng NBS para makahanap ng iba pang libro na maari niyang bilhin nang bigla siyang binangga ng isang lalakeng naka gray din na jacket.

"Damn." She whispered as she stood up and grab her book. Nang makatayo na siya ay inayos niya muna ang suot niya at pilit inalis ang alikabok nga sahig na dumikit sa leggings niya. Nang matapos na niyang ayusin ang sarili ay naglakad na siya ulit.

She didn't really care about the man who bumped her dahil nangyari na ang nangyari pero medyo masakit pa rin ang likod niya dahil sa impact. Wala namang nakakita sa nangyari eh so parang wala lang sa kanya ang aksidente o aksidente nga ba?

A few minutes passed nang naisipan niyang magbayad na lang sa librong dala dala niya. Agad naman niyang nilabas ang credit card niya nang siya na ang susunod. Nang may sumingit sa linya at sa unahan pa niya.

Bago siya magsalita ay tinignan muna niya ang lalake at dun niya namalayan na nakagray jacket din ang lalake. The same guy who bumped her. Agad siyang nainis but she only remained silent.

Nagulat naman ang binata nang hindi siya inaway ni Alexandria. Agad siyang napatingin kay Alexandria na nakatingin lang sa phone niya. Naglalaro ng Dumb Ways to Die. Agad nainis ang binata sa hindi pagpansin ng dalaga sa kanya.

"Sir?" Tawag ng cashier sa kanya. Kanina pa pala ito tawag ng tawag sa kanya.

"Ah sorry." Agad inabot ng binata nang credit card niya at nagbayad. Muli niyang tinignan ang dalaga medyo nagulat siya nang nakatingin sa kanya ang dalaga pero he managed to compose himself and acted cool.

"Hindi ka man lang ba magagalit sa ginawa ko ngayon lang?" Tanong ng binata.

'Hindi galit ang gusto kong iparamdam sa'yo gago! Suntok ang gusto kong makuha mo!' Agad napangiti ang dalaga sa naisip niya pero mas gusto niyang maging maayos ang araw niya.

"Anger isn't the right word bro." Tipid na sagot ng dalaga at umalis na lang at pumila sa kabilang counter.

"Mukhang hindi nga niya ako naalala." Bulong ng binata at bumaling na lamang sa cashier. Tinanong niya kung magkano ang babayaran at agad naman niyang inilabas ang credit card niya at nagbayad.

Habang ang dalaga ay nagbayad sa kanyang binili na libro ay bigla siyang napatingin sa gilid ng entrance at agad siyang napa poker face nang nakita niya ang binatang kinaiinisan niyang nakatalikod na at naglalakad palayo.

"Bakit nga ba sobrang pamilyar ka?" Bulong niya sa sarili at tumalikod na sa binatang naglalakad palayo sa kanya.

Sa mga sumusunod na araw ay napag-isipan ng dalaga na mag-empake na lamang para maayos na siya sa paglisan niya ng City. Ilang minuto din siyang nag-empake hanggang sa nakaramdam siya ng gutom kaya agad na siyang tumayo at pumunta sa kusina para magluto.

Singing Radio Head on the top of our lungs!
With the boom box blaring as we're falling in love!
Got a bottle of whatever but its getting us drunk!
Singing Here's to never growing up!

C---

"Hello?" Bungad agad ng dalaga sa kung sino man na tumawag sa kanyang phone.

"Driiiiiiii!" Agad inilayo ng dalaga ang phone nang narinig niyang tumitili ang kaibigan niyang si Jessie. Agad niyang inilagay ang phone niya sa gilid ng isang speaker at kinonect iyon.

"Oh?" Tanong niya habang kumukuha ng chopping board at kutsilyo.

"You wouldn't believe what I just saw like five minutes ago! Daniel Jade Monteverde just accepted my friend request on Facebook! Aaaaaaaaahhhhh!" Tili ulit ng kaibigan. Napatawa naman ng kaunti si Alexandria sa boses ng kaibigan habang naghihiwa ng lemons para sa pancit Canton na niluluto niya.

"Sino ba yang Daniel na yan ha at sobrang lakas mo makatili?" Natatawang tanong niya.

"Try mo kasing isearch yung pangalan niya sa FB nang makita mo siya." Utos ng kaibigan. Agad napangiti ang dalaga sa utos at hinarap ang phone niya.

"ASA. No thanks, wala akong balak magsayang ng oras sa taong hindi ko naman kilala." Tanggi naman ng dalaga at agad nang nagpaalam sa kaibigan upang kumain na. Ngunit habang kumakain siya ay agad siyang napatingin sa laptop niya at nagdalawang isip kung gagawin niya yung utos ng kaibigan.

"Sino ka nga ba talaga Daniel Jade Monteverde?"

What If...Where stories live. Discover now