chapter9:Dance Practice

14 0 0
                                    

*titit titit titit*

Inabot ko ang alarm clock ko sa side table at tinignan ang oras, its 6:30 am. Tumayo na ako sa higaan at naligo. Nagsuot lang ako ng floral dress at nagdoll shoes. Sasanayin ko na din ang sarili ko na magflats nalang. Haha.

lumabas na ako ng room ko at bumaba na para kumain ng breakfast. Nakita ko na nanduon na si ashton, mom and dad. Lumapit ako sakanila at nag goodmorning.

"Sis badmood ka yata?" Tanong ni ashton habang kumakain ng cereal.

" Im just lazy, I guess.." matamlay na sagot ko kay ash. Actually hindi pa din ako matahimik dahil doon sa nagchat sa akin kagabi. He's going to get me back. Ayoko naman mag assume pero malakas ang kutob ko na si jake yon.

"Ashley and ashton, mawawala kami ng mom niyo for 1 month, meron kaming buisiness trip sa US, alam kong nawawalan na kami ng time para sainyo, pero promise ko pagbalik namin sainyo namin ilalaan ang time namin." Sabi ni dad. Eto na ba yon? Maghihintay lang ako ng one month tapos magkakatime na ang parents ko para samin? Im excited!.

"Okay dad" sabay naming sagot ni ashton.

---

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam nadin kami kay dad and mom. Lumalakad na kami ni ashton papunta sa room ko nang may narinig kaming tilian, tinignan ko kung sino ang tinitilian ng mga maharot nato, sino paba? edi sila calvin.

Lumapit ang anim sa amin at binati kami.

"Morning ashley" -calvin

"Hi ashley" -zack

"Goodmorning" - troy

"Ashley goodmorning"-max

"Hi ash" -luke

"Tss." -prince

Badmood yata tong si prince kaya di ko nalang pinansin ang pagkasungit niya at binati ko nalang sila.

"Goodmorning din" nakangiting sagot ko at lumakad na kami papasok ng room. Umalis na din si ashton para pumasok sa first subject niya.

Dumating na ang professor at nagumpisa na mag discuss kaya nakinig nalang ako.

----

Nandito kami ngayon sa private room sa cafeteria ng hunks at ni anne. Nandito din si ashton kasi sinama ko siya para sabihin niya ang totoo. Pinaguusapan namin ngayon ang tungkol sa competition.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni luke sa amin.

"Nandito tayo para pagusapan muna ang mga songs na sasayawin natin" sagot naman ni calvin.

"Osige mamili na tayo ng music" sabi naman ni anne.

"Oo pero kailangan pa natin ng girls" comment ni zack.

"Ako na ang bahala duon isasama ko nalang sila jamie" sabi ni anne.

"Okay,okay." Sabi ni zack

"Okay, now anong music na?" -troy

"Ahm una sasayaw ang girls ng twerk it like miley, pagkatapos ng song na yon tayong mga lalaki naman ang papasok at sasayaw ng hit the quan. Tapos last non ay mamimile tayo ng partners at sasayaw ng love me like you do. Yun na ang closing natin, ano? Ayos ba?" Sabi naman ni calvin.

"Okay!" Pagsangayon namin lahat. Napansin ko naman si prince na ang sama ng tingin niya kay ashton dahil katabi ko siya.

"Prince, are you alright?" Tanong ko sakanya.

"Tch. Yeah." Cold niyang sabi. Sungit nito kala mo PMS eh. Kaya hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang kay calvin na nageexplain ng gagawin namin.

He's the oneWhere stories live. Discover now