Chapter 2

1.2K 33 0
                                    

CHAPTER TWO

"YES, Atty. Peterson, any update?" bungad na tanong ni CJ nang sagutin niya ang kanyang cellphone. Nasa airport siya at hinihintay ang oras ng kanyang paglipad patungong Pilipinas.

"I don't see any problem and so far, we have the most outstanding offer with him," buo ang kumpiyansang sagot ng abogado.

"Good." Mukhang hindi na niya kakailangan pang gumawa ng paraan upang matiyak na sa kanya lamang mapunta ang lupa. "If he ask for more money, just give it to him. I want that land," matigas na sabi niya rito.

Walang reaksiyon mula sa kausap. Tanging ang malakas na buntong-hininga lamang ang narinig niya mula rito. Nahihinuha niyang gusto siya nitong tanungin kung bakit ganoon siya ka-eager na mabili ang lupang iyon, pero sa tuwina ay ipinapahiwatig niyang ayaw niyang sabihin ang tunay na dahilan. Kaya siguro napapabuntong-hininga na lamang ito.

"Ngayon pala ang flight ko patungo diyan," makalipas ang ilang sandali ay pagbibigay alam niya rito.

"Huh? There's no need for you to come here. Everything's all right."

"Don't worry. Bakasyon ang ipupunta ko diyan," nakangising sabi niya.

"How about your mother?"

Natawa si CJ.

"She'll be alright. She's actually asking for you."

"Shall I give your mom a call? What will I tell her? Shall I tell her that I am here?" Sunod-sunod na tanong nito.

"No. Don't call her yet. Don't tell her any. If you see her, after your assignment there, just tell her that you went to other place and not in the Philippines," aniya.

"All right," pagsang-ayon nito.

Bago niya pinatay ang linya ay nagbilin siya na sunduin siya nito sa airport.

NAIA. Hindi maiwasan ni CJ na mapangiti ng mapait sa nalalapit niyang pagyapak sa bansang sinilangan. Samut-saring emosyon ang nag-uunahang mamahay sa kanyang dibdib.

He sighed. It had been ten years since he left the Philippines. At simula ng lisanin niya ang Pilipinas, ang buong akala niya ay malilimutan niya ang masakit na nangyari noon. Hindi pala. Dahil kahit lumaki siyang busog sa pagmamahal mula kay Mama Melinda at sa kanyang Papa Henry ay nababalot ng paghihimagsik ang kanyang kalooban. Walang gabing hindi niya naiisip ang masaklap na nangyari noon. Sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay iyon ang nakikita niya sa kanyang panaginip. Hindi siya tinantanan ng masakit na nakaraan. Kaya naman itinatak niya sa kanyang isip ang paghihiganti. Alam niyang iyon lamang ang magpapatahimik sa kanyang kalooban. Ang makapaghiganti!

Nang tuluyang makalapag ang eroplano ay tumayo siya at kinuha ang kanyang hand carry.

Hindi naman siya nainip sa paghihintay sa kanyang sundo. Dumating din agad ito.

"How was your flight?" tanong ni Atty Peterson.

"Great," maikling sagot niya.

"You can stay in my hotel room for awhile or you can –"

"No! I mean, hindi puwedeng sa iisang hotel tayo tumuloy," aniya.

Napakunot ang noo nito sa sinabi niya. "Why is that?" naguguluhang tanong nito.

"I just wanted to be careful," sagot niya.

"M-Mag-iingat? S-Saan?" bulol na tanong nito sa wikang tagalog. Nakakaunawa ito ng salitang tagalog, pero bulol lamang itong magsalita ng ganoong lengguwahe.

Thin Line Between Love and Hate (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now