one shot

49 6 0
                                    

Pwede ka namang umalis.

Pwede mo naman akong iniwanan.

Pero hindi mo ginawa.

"Kumusta?" palagi mong tanong sa akin. Ang sagot ko, isang titig lamang sa'yo.

Gayunpaman, nginingitian mo pa din ako. Minsan, tinatawanan habang umiiling-iling.

Nakakainis ka.

Alam mo bang ayaw kong may kumakausap sa'kin? Let alone na may nangungumusta?

Hindi ako sanay. Nakakapanibago.

Anong kailangan mo? Sasaktan mo ba ako? Pero bakit ang bait mo, kahit hindi ako kumikibo sa'yo?

Umalis ka. Lumayo ka. Ayaw kitang makita ni marinig kang tumawa o mag-salita.

Baka kung ano ang gawin mo sa'kin. Baka kung ano ang gawin ko sa'yo.

Pero salamat. Salamat dahil pinadama mo sa akin na importante ako sa mundong ito. Ikaw ang unang taong nagpadama sa akin nito.

Ngunit gusto ko lang tanungin, bakit mo 'yun ginagawa? Bakit mo ako nilalapitan, kahit na lumalayo ako sa'yo?

Bakit mo sinabing mahal mo ako?

Totoo ba? O nagsisinungaling ka?

Patawad. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi mo. Patawad, dahil ang makasarili kong tao. Patawad, dahil tinataboy kita palayo.

Patawad...nang dahil sa akin, ang buhay mo ay iyong sinakripisyo.

Sabi ko naman sa'yo 'di ba? 'Wag mo na akong lapitan, dahil mawawala din naman na ako sa mundong ito. Pero anong ginawa mo? Sinalo mo ang balang sa akin sana'y dapat tumama.

Kasalanan ko.

Ako ang may hawak ng baril.

Bakit...bakit ka pa kasi umeksena? Bakit mo pa kasi sinalo ang bala? Ako dapat 'yun. Ako dapat ang mawawala. Ang tuluyan ng makalimutan. Ang mamamatay.

Bakit ikaw?

"Sabi ko sa'yo 'di ba...mahal kita..." ang mga huli mong sinabi bago ka mawalan ng hininga. Naalala ko pa ang ngiti mo sa'kin sa mga sandaling 'yun. Nakakainis. Nakakainis ka talaga. Sabi ko naman sa'yo, layuan mo ako.

Pwede mo naman sana akong hindi pinansin.

Pwede namang hindi ka nanghiram ng cellphone ko't kukunin lang pala ang number ko.

Pwede mo naman akong binabaan ng tawag at hindi tinawagan sa telepono.

Pwede mo naman akong iniwasan.

Pwede mo naman akong pinagtawanan.

Sabi ko sa'yo 'di ba, wala akong madudulot na maganda.

Pero bakit hindi mo ginawa? Bakit hindi ka nakinig? Bakit ginawa mo ang kabaliktaran nito?

Tignan mo...tignan mo ang ginawa mo...wala ka na, wala na...ito 'yung kinakatakutan ko, ang mawasak ka, dahil sirang-sira ako. Ang maipasa ko din sa'yo ang mga ginagawa at nararamdaman ko.

Hanggang ngayon, nanginginig pa din ako habang hinahaplos ang puntod mo, paulit-ulit na binabanggit sa isipan ko na kasalanan ko ito. Kasalanan ko kasalanan ko kasalanan ko. Hawak hawak ko din ngayon ang nakita kong sulat na galing sa'yo na nasa loob ng bag ko, nagtataka kung kailan mo binigay ito. Nung una ayoko itong tignan o basahin, ngunit handa na ako ngayong buksan ito.

I see your sadness, I feel it when you enter a room, down to my bones. Nakikita ko. Alam ko. Alam ko din ang ginagawa mo. Your bruises, your cuts, I saw that too. Why do you think that this is what you deserve, my dear? Nakakatawa. Alam mo ba kung bakit ko alam ang mga bagay na ito? Dahil pareho lang tayo. But do you know what's funnier? I don't care of saving myself, I care of saving you. Why, you may ask? Because you don't deserve this life, and I don't deserve you. Nevertheless, I still love you. Please, take care of yourself. Please do.

Bumuhos ang luha ko sa harap mo. Wala akong pakealam sa mga nakapaligid na tao. Umaagos ito na tila isang tubig sa isang gripo. Naninikip na ang dibdib ko. Naiinis ako. Nasasaktan ako ng husto.

Sabi ko, kamuhian mo ako.

Pero hindi mo ginawa.

Sabi mo, mahal mo ako.

Pero ito'y aking pilit na binalewala. 

Gone AstrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon