Chapter 13: The Game Plan

2.5K 30 5
                                        

“You are invited, Ms. Sarah Adelaida Geronimo, to our Batch’s 10th Grand Reunion. Happening at Stargaze Club @ 6 PM. Be there!”

 

Pinagmasdan kong mabuti ang invitation na iyon na ibinigay ni Riq. Pupunta ba ako? Wag na lang kaya? Maliban sa tinatamad ako, marami pa akong gagawin ngayon. Tama, marami pa akong gagawin.

Binaba ko yung invitation sa study table ko at binuksan ko ang katapat kong laptop. Gagawa na lang ako ng articles. Tama, gagawa na lang ako ng articles. Lalo na’t may mage-eight anniversary na magazine namin.

Nabigla ako nang may narinig akong bumusina sa labas. Si Riq kaya yun at sinusundo ako? Pero di pwede yun e. Hindi mangyayari yun. Bakit naman nya gagawin yun di ba? Si Kuya lang siguro yun.

Inopen ko na ang MS Word at itinype na ang byline ko na ginagamit pag nagsusulat ako. Oo, byline ko pa lang. Sa totoo lang, blanko pa ang utak ko. Lutang ako kumbaga. Wala sa sarili. Hay buhay.

Nagtalumbaba na lang ako habang pinagmasdan ang byline ko. Tapos parang biglang nag-appear yung last name ni Gerald.

By Sarah Geronimo Anderson

 

Nababantutan ako. Ang pangit ng last name nya para maging last name ko rin. Pwede bang wag na lang kaming magpakasal? Ang luma na kasi yung nagkakasundo and chenelin. Parang adik kasi ‘tong mga magulang namin, wala rin sa tamang pag-iisip. Eh wala namang  naglalast forever eh. Ano kaya yun.

“Lailai!”Narinig kong kumatok si Kuya at sumigaw sa labas. “Lumabas ka na dyan.”

“Nitatamad akoooooo~” Sabi ko.

“Ay, wag ka ngang tamarin. Labanan mo yan.”

“Paano ko lalabanan ang katamaran kung tinatamad akong lumaban?”

“Ay nako Lai.” Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita ko si Kuya na nakatshirt na white at shorts.

“Oh, ang bilis mo namang magbihis kuya.”

“Ha?”

“Di ba kararating mo lang?”

“Kararating? Hala, kanina pa po kaya ako dito.”

“Eh kaninong...”

“Nandyan si Riq sa baba, hinihintay ka. San kayo pupunta aber?”

Omai. Talagang nandito sya. Talagang pinagpilitan nyang pupunta kami sa reunion. San ba sa parteng “ayoko pumunta” ang di nya maintindihan?

“Sabihin mo Kuya, hindi ako sasama sa kanya.”

“Eh san nga kayo pupunta?”

“Sa high school reunion, kuya.” And guess what? Narinig ko ang boses nya mula sa labas. Napafacepalm ako.

Status: UnknownWhere stories live. Discover now