una

65 2 0
                                    

       "pero inay ayoko hong sumama kay tiya angelina sa maynila" pagangal ko sa aking ina.
 
     "hindi pwede" tanging sagot niya sa pagaalinlangan ko.
    
      "pero inay pano ko ho kayo mababantayan kung  pasasamahin niyo ko kay tiya at dun na pagaaralin" sagot ko naman.
      
       "pero anak ayos na kami ng itay mo dito kaya pa naman naming magtrabaho eh,atsaka mas magiging maayos ang buhay mo kung doon ka mamalagi" tangan niya.
         
          "pero in---" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng tinakpan niya na ang bibig ko.

         "pst wala ng pero pero"sagot niya habang hawak ang kamay ko at wala kong ibang nagawa kung hindi tumango "ngayon pumunta ka na sa kwarto natin at magimpake ka na ng mga damit mo" sabi niya

           "sige ho" maikling sahot ko habang naglalakad papunta ng aming silid upang magtiklop ng mga damit na dadalhin ko sa maynila,habang nagtitiklop ako ng damit tinawag na ko ng aking inay dahil dumating na ang aking tiya angelina.

         "oh victoria ayos na ba ang mga gamit ng anak mo" tanong ng aking tita.

         "oo ayon nagaayos na siya ng damit niya" sagot naman ng nanay ko.

         Lumabas na ko sa aming silid at nagmano sa aking tiya na busy sa pakikipagusap sa nanay ko kaya di nako natignan nang ilang minuto pa ang lumipas tumingin na sa akin ang aking tiyahin at tinanong ako.

          "oh,ams nakahanda na ba ang dadalin mong mga gamit?" pag tatanong niya.

           "opo tita angie" tanging sagot ko habang kasabay ng pagtango.

              "o sige gumayak ka na para makauwi tayo" sabi niya na may malaking ngiti sa mukha.

habang naliligo ako hinahanda ko na ang sarili kong mawalay kay inay at itay,unang beses kasi itong magkalayo kami ,mabait naman si tiya angie at ang aking mga pinsan kaya lang di ko talaga alam kung kaya kong mawalay sa mga magulang ko ,nang tapos na kong maligo binalot ko na sa katawan ko ung tuwalya at lumabas ng banyo para gumayak,ng tapos nakong magbihis lumabas na ko ng aming silid.

           "o ams tapos ka na gumayak?" pambungad na tanganong ng aking tiyahin.

         "ay hindi ho,bibili lang ho ako ng shampoo maliligo ho uli ako." pambabarang sagot ko,pero syempre may paggalang na tono.

            "ikaw talagang bata ka,napaka-pilosopo mo" tangan niya. "o siya na nga umalis na tayo" pahabol na sabi niya.

           "teka lang ho tita, baka pwede po nating hintayin si itay" pagpipigil ko sa kanya.

            "o sya sige,malakas ka sakin eh" sabi niya ng may kasabay na pagkurot sa pisnge niya.

ngumiti nalang ako at tumango,naghintay kame ng halos isang oras,halatang inip na inip na si tiya angie,sa tagal ba naman naming nagiintay di siya maiinip,ilant minuto pa ang lumipas dumating na si itay .

             "oh itay buti ho dumating na kayo,aalis na po kami ni tiya papuntang maynila eh" sabi ko kasabay ng pagmamano.

           "ah anak,pagbutihan mo pagaaral mo don ah para paguwi mo dito magiging maginhawa na buhay namin ng nanay mo" sabi ni itay habang hinihimas ung ulo ko, "tsaka ams magiingat ka doon,maraming mga loko don" pahabol niya,habang ako naman ay tango lang ng tango sa mga sinasabi ni itay.

          "oh siya na,ams tara na" pageepal ni tiya angie sa paguusap namin ng pinaka mamahal kong tatay.

kinuha ko lang ang bag ko at umalis na ki ayaw ko na din namang magtagal,baka maluha lang ako don eh,habang nasa bus na kami ni tiya angie,di ko maiwasang maisip sila inay at itay ano na kayang ginagawa nila don?,hay tama na nga drama balik na tayo sa istorya,naiinip na ko,halos 4 na oras na kaming nandito sa bus,ngalay na ngalay na ung pwet ko.

               "tiya, malayo pa po ba tayo" di na ko makatiis kaya nagtanong na ko kay tiya.

           "hindi, sa susunod na kanto nalang tayo,isang minuto nalang.parang pumapalakpak ang pwet ko sa sobrang saya ang tagal ko na kasing nakaupo don eh.

ng nakapunta na kami sa aming kinaroroonan di naman sinabi ni tiya na sasakay pa pala kami ng tricycle,pero halos 5 minuto lang naman kami don,ipinasok kami ng tricycle isang magarang subdivision,napakaganda neto at halatang puro mayayaman ang naktira dito,pero hininto niya ito sa isang ubod ng gandang bahay,ito siguro ang pinakamaganda at pinakamalaki sa lahat ng bahay dito,ito siguro ang bahay ni tiya angie kaya dali dali na kong pumunta sa kinaroroonan ng bahay.

         "oh,oh ams san ka pupunta?" tanong ng aking tiyahen.

         "ah eh, sa bahay niyo po" sagot ko sabay ng pagturoturo sa bahay na maganda.

         "ay hindi diyan ang bahay ko,doon ang bahay." sabay turo sa bahay na katapat nito,di ito ganoon kalaki,pero makikita mo parin ang mga mamahalin gamit na matatanaw mo palang sa gate.

pumasok na kami sa bahay ni tiya angie,napaka ganda pala neto dahil sa talambuhay ko ngayon ko lang nakita ang bahay ni tiya angie,manghabg mangha ang mga mata ko sa mga nakikita ko at para bang gusto kong himudin lahat na gamit na nakikita ko.



a/n:sorry kung magulo ung way nang pagtatype ko hahah first story ko pa lamg kasi to eh.thank you guys

          
      
       

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jan 09, 2016 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

The Ignorant & The ArrogantDove le storie prendono vita. Scoprilo ora