1- New School

8 0 0
                                    

Napabalikwas ako ng may nararamadaman akong mainit sa tyan ko. Pagkakita ko, si Fruga pala, aso ko.
"Hello Fruga!!!"
Fruga ang pinangalan ko sa kanya kasi 'Frugarapata'. Gets? Puro garapata kasi sya nung una ko syang nakita. Hehehe.
"Oh gising ka na pala. Kumain ka muna at maligo bago tayo umalis. Naayos ko na ang gamit mo kaya wag kang mag-alala"
Sabi in Dad pagkapasok niya sa kwarto ko.
***
Handa na akong umalis kaya pumasok na ako sa kotse. After a few minutes, umandar na ang sasakyan.

Naglaro muna ako sa cp ko ng piano tiles 2. Nang maubos na yung life ko, nagplay nalang ako ng music. And after that, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***
"Nak, nandito na tayo."

Naalimpungatan ako sa narinig. Tiningnan ko yung relo ko and to my surprise, 12:12 am na. Mga seven kami umalis so ang haba ng byahe namin at ng tulog ko.

Pagkababa ko ng sasakyan, nagulat ako sa laki ng gate. Saka ko lang napansin na nasa dulo kami ng gubat.

"Dad ito ba talaga yung NEW school ko? Itsura pa lang pang OLD na eh. And hello? Sa dulo ng gubat? May ganito bang school?" May pagkairitang sabi ko

"Tss" sabi in dad at dumiretso na sa tapat ng gate. Nagulat ako ng may dumating na monster!!! Isang babaeng may katawan ng Leon at pakpak ng agila. Isang Sphinx!

Biglang nagsalita ang sphinx.
"Who asks but never answers?" Tanong ng sphinx
(Ang sphinx po ay isang mythical creature na nagbibigay ng riddle. Pag hindi nasagot o mali yung sagot, kinakain into ang napagtanungan)

Kinakabahan ako sa isasagot ni Dad. Ako nga di ko alam ang sagot, pano kaya sya?

"An owl" biglang sabi in Dad
"As expected on you Mr. Lee" biglang sabi ng sphinx. Okaayyyy. Weird

Biglang umalulong ang sphinx at nabuksan ang gate.

"Tara na" sabi in Dad

Naglakad ako papasok. Pagbungad ko napa-woah ako dahil ang ganda ng loob. Sabi nga, 'don't judge the book by it's cover'.

"Welcome to Nagga Academy!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Art Of SlayingWhere stories live. Discover now