Finale

17.1K 427 31
                                    

Hunks Series 4
KEITH
Loving You Unconditionally
by...emzalbino
.......FINALE.....

"Bakit ka naririto, Ano pa ba ang gusto mo, Anong balak mong gawin at ang lakas ng loob mong puntahan ako sa sarili kong teritoryo?!...." nag hi histirikal ng singhal ni Hanxi kay Myra na noon ay parang kalmado lang at parang kumukuha ng bwelo para makapag salita.

Pinakikiramdaman ni Hanxi ang kanyang bisita ngunit parang bigla itong nag iba nag aura ng kanyang mukha......."What are you trying to say huh?" naging kalmante ang boses ni Hanxi ng makita nitong nagsisimula ng mangilid ang mga luha ni Myra.

"I- I came here not to argue with you but I came here to apologize for all what I've done to you and Keith." malumanay na sabi ni Myra saka tuluyan ng nalaglaga ang mga luha nito......." I'm so sorry for what I've caused to you both, sorry if I made your lives miserable. I was so jealous seeing you happy with Keith, I made everything to makes you suffered the pain that It was with me when I knew that you and Keith lived together. Noon pa mang nasa highschool na tayo ay nagkagusto na ako kay Keith at hindi lingid sa iyo iyon. Akala ko ng umalis si Keith ng Davao ay nawala na ang feelings ko sa kanya but when I saw him here in Manila ay napagtanto ko na I still love him. One day ay napadaan ako dito sa KRAB but nag ha hire palang sila noon ng mga applicants, I saw him here na nakatayo at para bang pinag aaralan niya ang kabuuan ng lugar. Nagduda ako noon kaya nag searched ako sa internet at nakita ko nga na sa kanya pala ang restaurant na ito kaya nag apply ako na para bang inosente at walang nalalaman tungkol sa KRAB at ng matanggap ako ni Keith ay nagkunwari ako na hindi ko alam na sa kanya ang KRAB." pagku kwento ni Myra.

"Then what happened next?"... nakataas ang kilay na tanong ni Hanxi.

"When he hired me, tiwang tuwa ako siyempre dahil sabi ko sa sarili ko na araw araw ko na siyang makikita. Naging okay naman ang aming pagsasamahan but when I noticed na bigla kang dumating at nalaman ko na may relasyon na kayo at nagdadalantao ka ay muling bumangon ang galit ko sa dibdib. Nagseselos ako na para bang pag aari ko siya kahit na alam kong ikaw ang kanyang minamahal. Hindi ko matanggap sa aking sarili na nagtagumpay ka sa iyong damdamin para kay Keith, ang sakit ng malaman ko na ikakasal kana sa kanya at magsasama na kayo habang buhay. Dahil sa galit na itinanim ko sa aking puso ay nakagawa ako ng isang balak at iyon ay ang nangyari nga sa amin ni Keith. May nilagay ako sa kanyang inumin because I want him to be with me at gusto kong maramdaman mo ang sakit na nasa puso ko kaya isenet up ko ang lahat. Iyong nagtext saiyo noon na gamit ang cellphone ni Keith ay ako iyon and that time ay nasa condo na niya kami" humihikbing salaysay ni Myra.

"Please stop!...stop!..." pigil ni Hanxi sa pagku kwento ni Myra dahil muli na namang bumabalik ang sugat sa kanyang puso.

"No Hanxi, let me continue so you will know the truth!"...,sagot ni Myra......"Naisagawa kong hubarin ang kanyang mga saplot at maging ang pag angkin sa kanya ngunit habang inaangkin ko siya ay mas lalo akong nasasaktan dahil kahit sa pag ungol niya ay pangalan mo ang kanyang binabanggit. Ang akala niya ay ikaw ang kanyang ng mga sandaling iyon kahit na hindi niya maimulat ang kanyang mga mata ay sa bibig niya'y puro pangalan mo lang ang binabanggit ni Keith na mas lalo pang nagpasidhi ng aking galit. Nang makita mo kami sa ganoong ayos ay akala ko ay masayang masaya na ako ngunit ng makita ko ang galit ni Keith sa akin ay parang hindi ko kaya lalo pa ng pinaalis na niya ako sa KRAB. Alam mo ba na hindi ko inaasahan ang galit na iyon ni Keith, noon ko lang nakita ang poot sa kanyang mga mata kaya nagkaroon ako ng takot sa aking dibdib ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya. Nang malaman ko na nagkahiwalay kayo ay parang natuwa ako but one day ay nakita ko si Keith sa harap ng kanyang restaurant ngunit hindi ako nagpakita sa kanya. Bigla akong napaiyak hanggang sa humahagulgol na ako dahil bigla akong nakadama ng awa sa kanyang hitsura, gusto ko siyang lapitan noon but I was scared na baka kung ano ang gawin niya sa akin kaya idinaan ko nalang sa iyak ang lahat dahil parang kinurot ang aking konsensiya. The day that I saw him ay hindi na ako pinatahimik ng aking konsensiya but when I heard na ikakasal na kayo ay bigla akong nataranta and I went to your wedding" ani Myra na ikinagulat ni Hanxi.

Hunks Series 4...Loving You Unconditionally..."KEITH "Onde histórias criam vida. Descubra agora