Chap 1

25.1K 313 18
                                    

sorry for the late UD :| mabuhay sa lahat ng nagvote at naglagay na sa RL nila =))) thankful ako at binigyan ako ng mga supportive na readers =))))

___________________________________________________________________________________

CHAPTER 1

 

‘uwahhhh ! nakakaiyak at nakakakilig naman yung nabasa ko!’  para akong batang gumugulong gulong sa kama dahil di nabigyan ng candy . Halos wala akong tulog dahil tinapos ko yung binabasa kong manga .

 Tapos ngayon pagkatapos ko maligo at kumain ng agahan pagbabasa ulit ang inatupag ko .

‘buti pa pag nagbabasa ako kinikilig at feeling inlove ako’   naupo lang ako para sabihin yun pero dumapa ako ulit sa kama ko para mag emote .

‘sana magkaroon din ako ng ala prince charming sa totoong buhay , what a life. ’  napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko . 

Tumayo na lang ako ulilt at humarap sa salamin, hinawakan ang mukha ko at naglakad papunta sa may bintana , tumingin ako sa malayo at ….

 

‘habang buhay , ako sayo’y maghihintay , umaraw man o umulan , di sasablay , pintado saking puso pag-ibig na tunay’ papikit pikit kong kanta habang humahawak sa may gilid ng bintana na nagslaslide pa .

‘ohyeah !’ pahabol ko habang nakapose ala singer ako . 

 

‘HOY ! SHANNA !!!! MAGBAYAD KA NA NG RENTA MO ! 2 BUWAN KA NG DI NAGBABAYAD !!!’    napatigil ako sa pag eemote ko ng marinig ko ang sigaw na yun .

‘patay ! si madam.’ Napabulong na lang ako sa sarili ko .

Napaupo ako , biglang gumulong sa sahig , hinanap ko ang bag ko ng makita ko ito ay hinablot ko agad at gumulong ulit papunta sa may bintana , tumayo ako para tignan kung may kalaban sa paligid  at buti naman at wala . Pumunta ako sa may banyo at tumayo sa may bowl , dahil medyo malaki ang bintana dito at kasya ako , lumusot ako dun at tumalon .

 

‘heeyahhh !’  sigaw ko ng makalanding ako sa baba.   Nasa second floor kasi yung kwarto ko , pero di naman ganun kataas yung second floor kaya madali matalon .

 

‘ninja moves yun dre !’  sabi ko ulit na may pagpag sa magkabilang braso pang kasama .

 

 

‘SHANNA!!!! Tumakas ka nanamang bata ka !’   nakita ko si Madam na pababa na sa hagdanan at palabas na rin , letse ! sumigaw sigaw pa kasi ako.

 

‘madam ! mamaya na lang hoh yung bayad sa renta , promise po’   nagreready na ko tumakbo palayo ng sabihin ko yun .

Sweet Serendipity (girlxgirl)BOOK2Where stories live. Discover now