Prologue: Unang Sulyap

720K 10.8K 395
                                    

A/N: This story is a combination of English and Filipino languages. 

It may not be spelling/grammatically flawless pero tolerable naman siguro kung may error man. Hehe!

Feel free to leave comments. I need it. Thanks.

Lastly, this is for MATURE readers only.






______________

His eyes are as green as meadows. He has pointed nose, a typical Irish nose. But I am more than sure he is not pure-blooded Irish. He has well-defined lips. His lower lip looks like freshly bitten and his little less than square jaw adds more masculinity in him.

Ang tangkad niya, at ang katawan niya ay halatang alagang-alaga. He has a broad chest that any woman would die for.

Hindi ko alam kung bakit ko nga ba siya sinundan hanggang dito sa loob ng restaurant. Guwapo siya, oo, pero kailan pa ako naging stalker? Kahit nga sikat na artista sa Pinas hindi ko sinusundan kapag nakita ko silang dumaan.

Maybe it has something to do with the man's aura. Or the way he gazed at me from the other side of the road. There is something in his gaze that is mysterious and hypnotizing.

Ilang segundo lang ang pagsulyap niyang iyon mula sa kabilang kalsada na limang metro ang layo. Namalayan ko na lang na sumasabay na ako sa mga taong naglalakad sa tawiran habang nakasunod ang tingin sa kanya.

Napasinghap ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad at lumingon sa akin. Nalanghap ko pa ang samyo ng pabango niyang ngayon ko lang yata naamoy sa tanang buhay ko. I almost had goosebumps inhaling his manly scent. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya bago siya tumalikod at umupo sa silya.

"Take a seat." His voice is deep and low. It would have been creepy to hear kung hindi lang ganito ka-guwapo ang mukha niya.

Napalingon ako para makita kung sino ang kausap niya pero napakunot-noo ako nang makitang ako lang ang taong nakatayo malapit sa mesa niya.

Ako ba ang kausap niya? Weird. Bakit naman niya ako pauupuin sa mesang okupado niya eh hindi naman niya ako kilala?

Nang tumingin ako sa kinaroroonan niya ay nakatungo na siya at may tinitingnan sa iphone niya.

"The chair is waiting for your ass." He said while looking at his phone. Tumingin ulit ako sa paligid para makasiguradong ako nga ang kausap niya.

"A-are you talking to m-me?"

Bakit ba ako nauutal?

Dahan-dahang umangat ang tingin niya sa akin. Sobrang guwapo pala talaga niya sa malapitan at ang berde niyang mga mata ay napakamisteryoso ng dating.

Umangat ng kaunti ang sulok ng labi niya. "May iba pa bang tao dito na nakatayo?"

"Marunong kang magtagalog?!" mangha kong tanong. He doesn't look like a Filipino. Mukha siyang Spanish-American na may halong Irish blood. Hindi ko inaasahang magsasalita siya ng tagalog lalo na't nasa Ireland kami.

At paano naman kaya siya nakasisigurong Filipino ako para kausapin ako ng tagalog?

"Take a seat. I'll order food." Saad niya sa halip na sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kagustuhan niya at umupo na lang sa katapat niyang silya. 


Married to a Hot Magnate (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon