Chapter 2

8.4K 285 19
                                    

Posted in Dreame
7:35 PM, June 19, 2019

Chapter 3 will be posted on
June 20, 2019 at 7:35 PM

Yuki

Parang ayaw ko ng umalis ng kwarto dahil sa kabang nararamdaman ko. Unang araw ng semestral break namin ngayon at ito rin ang araw na sasamahan kong mag-inquire ng papasukang university si Kuya Rio.

I call him Kuya Rio because it is the right thing to do. Limang taon din kasi ang agwat namin sa isa't-isa kaya marapat lang na rumespeto ako sa kanya.

Civil Engineering ang dating course niya. Sa tingin ko, matalino siguro siya. Sana nga para mayroon akong malapitan if ever hindi ko na talaga kaya magself-study every examination period lalo na sa math subject.

Kung 'yon ay kaya kong magpapaturo ako sa kanya. As if makakapagconcentrate ako ng maayos kapag nagkataon. Baka mas tutukan ko pa ang mukha niya kaysa sa tinuturo niya. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa kanya. Mapapahiya lang ako.

Pero paano na lang 'to mamaya? Ilang oras ko rin siyang makakasama. Makakaya ko kayang pakiharapan siya?

Bakit kasi ang bait-bait ni Mommy. Ayan tuloy, napapahamak ako.

Kanina ko pa hawak ang doorknob nitong pinto ng kwarto ko at nagdadalawang-isip kung lalabas ba ako o hindi. Nakapag-ayos na ako at handa na ang suot ko, ako na lang ang hindi.

Gosh! Kinakabahan talaga ako.

Paano kaya kung hindi na lang ako sumama? Mangangatwiran na lang ako na masama ang pakiramdam dahil sa period ko?

Kaya naman na siguro ni Kuya Rio mag-isa at pwede na akong hindi sumama. Pero baka magalit naman si mommy. Kahit naman mabait 'yon, ayaw pa rin niyang hindi sinusunod ang utos niya at isa pa, nakapag-yes na ako. So no choice talaga ako. Imposible namang ikakatwiran ko ang period eh naman ako dinadatnan. Minsan, ambisyosa rin ako e.

Ugh! Nakakfustrate naman 'to.
  
     
   
Rio
  
Dati akong bodyguard sa isang factory ng mga Alegre malapit sa amin. Sampung buwan akong nagtrabaho roon at ngayon pinalipat nila ako sa bahay nila bilang isang boy. Magiging driver, hardinero, katulong, bodyguard ng mga bata o kung ano pa man. Basta aal around. Umalis na raw kasi iyong dati nilang boy at naghahanap sila ng panibago. Dahil mas malaki ang sweldo ay nag-apply ako. 

Pero dahil sa kabaitan ng babaeng amo ko, ngayon, hindi na lang ako basta boy ng mga Alegre, kung 'di, isa ng working student.

Nagulat talaga ako sa offer niya dahil hindi ko naman inaasahan na makakapag-aral pa ako ng kolehiyo. Ikalawang araw ko palang sa bahay nila pero ito na agad ang ibinigay nila sa akin.

Tama nga ang sabi ni Mang Ador—kasamahan ko dati sa factory na mabait ang pamilyang Alegre lalo na sa mga tao nila. Napatunayan ko na 'yon dahil doon pa lang sa factory ay nakita ko na kung paano sila makitungo sa mga empleyado nila. Lalo pa ngayon na bibigyan nila ako ng opurtunidad na makabalik sa pag-aaral. Malaking bagay ito para sa akin at hindi ko talaga ito makakalimutan. Mas lalo ko pang pagbubutihin ang trabaho ko nang sa gayo'y hindi sila magsisi na pinag-aral nila ako. Susuklian ko ang kabaitan nila.

Ngayong araw na ito ay ang araw kung saan magsisimula ang katuparan ng naudlot kong pangarap. Maipagpapatuloy ko na rin sa wakas ang kursong pinapangarap ko simula nang bata pa ako.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa malaking bahay. Nasa likod kasi ng malaking bahay ang mga kwarto naming mga stay-in.

Dumeretso ako sa kusina para tanungin si aling Marga kung nakababa na ba si Sir Yuki. Nakakahiya naman na dumeretso agad ako sa kwarto niya baka isipin niyang minamadali ko siya.

Off Limits (Boyxboy) (Editing)Where stories live. Discover now