C-15

3.1K 30 3
                                    

Hindi na ako kinibo ni Jeremy matapos ko siyang sagutin. Tangna lang kasi. Hindi ko na nga alam kung paano ako magpapaliwanag kay Mommy ng hindi siya magalit, e ang malala mas matindi pa siya kung makapagtanong. Tss. Bukas na bukas bibili ako ng powerbank at ihahampas ko sa mukha niya! Tss.

Nakakunoot pa ang noo niya at bakas na bakas ang inis. I don't effin care!

Sumakay na siya motor at iniabot sa akin ang nagiisa niyang helmet na dala. The usual ako ang magsusuot nito dahil wala siyang extra na dala. Pagkatapos ko itong suotin ay agad akong umangkas.

Sa buong oras na nagbabyahe kami ay hindi niya ako kinibo. At dahil inis parin ako sa kanya wala akong balak na maginitiate ng usapan. Magfocus na lang siya sa pagmamaneho.

Alam kong kapakanan ko lang naman ang iniisip niya pero wag siyang sobra.

Halos tatlumpung minuto din ang byahe pauwi. Pagkarating namin sa tapat ng bahay ko wala parin ni isang salita mula sa kanya. Hinubad ko nalang ang helmet tsaka iniabot sa kanya. Hay.. Matitiis ko ba 'to? Syempre hindi. Ngayon palang parang nakokonsensya na ako sa pagiging sarcastic sa kanya kanina lalo't alam kong nagalala lang din siya sa akin.

"Salamat Jeremy" Tumango lang ang loko tsaka pinaandar ang motor papunta sa tapat kung saan nakatayo ang bahay nila. Inis parin. Tss. Lilipas din yan. Ganda ko kaya para matiis niya.

"Uwi ba ito ng isang matinong babae Jericka?" Bungad sa akin ni Mommy habang nakapameywang sa may pinto.

Chill ka lang 'my. Sige ka baka magka wrinkles ka niyan! Nakakatanda ng istura my!

Baka isagot niya pa sakin

Por dios pos santo Jericka! Don't change the topic! Just answer my question or you'll receive your punishment right away. Now explain!

Well baka ganyan talaga maging linya niya. Naku! Daddy where na you? Here na me. I need your help.

"Sorry po Mommy, hindi ko po kasi napansin ang oras. Nasa library po ako ng school. Namatay na din po phone ko kaya hindi po ako nakapagtext agad na gagabihin ako. Sorry po Mommy hindi na po mauulit." Pagpapakumbaba ko.

Sa mga ganitong sitwasyon kailangan aminin mo ang totoo. Hindi naman kasi mababago ng kasinungalinan ang isang pagkakamali dahil in the first place mali na nga gagatungan mo pa ng mali.

"Ayun naman pala e. May valid reason naman pala siya, chill ka lang dyan babe." Biglang sabat ni Daddy mula sa liko ni Mommy. Hinawakan niya pa ito sa balikat para pakalmahin.

"Wag mo akong ma babe babe diyan Glen Jeorge, baka samain ka sakin!"

"Ma sorry na po talaga. Hindi na po mauulit. Peksman!" Sabi ko at itinaas na ang kanang kamay.

Tinitigan pa ako ni Mommy bago siya napgbuntong hininga. Eto na!

"Naku Jericka! Make sure na hindi na 'to mauulit, kung hindi kakalbuhin kitang bata ka. Pero! Pero hindi ka parin ligtas paparusahan kita!"

Saka siya nagmartsa papasok sa loob. Akala ko dito ako sa labas matutulog e. Daig pa ni Mommy ang gwardya bantay sarado ang pinto kanina.

Napayakap nalang ako kay Daddy. Hayy. I'm really thankful na nandyan siya para tulungan ako.

"Thank you Dad. You're the best!"

"Ito talagang Prinsesa ko ang sweet! Sige na mamaya na ang drama, umakyat kana muna sa kwarto mo at magbihis na. Pupuntahan nalang kita." He said. Tsaka niya ipinatong ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Pagkarating ko sa kwarto ay dali dali kong kinuha ang charger sa may drawer. Hindi ko muna 'to binuksan at nagbihis muna ako.  I wore my favorite comfy pajama na kulay blue at may roses na design. Isinuot ko ang kulay pink ko na sando na may maliit na ribbon sa kanan.

Okay, eto na. Ini-on ko na ang phone ko. Kinakabahan ako habang hinihintay na magbukas ito. Nagflash pa ang pamosong logo ng brand nito na mas na nagpatagal sa paghihintay ko.

Tumambad sa akin ang 43 missed calls. Shet! Grabe ang pagaalala ni Mommy. Kaya pala ganun nalang ang galit niya. 39 dito ang mula kay Mommy samantalang ang tatlo ay mula kay Jeremy. Ang natitirang isa ay mula kay Sander.

Naguumapaw din sa message ang inbox ko. Umabot ng 108 ang mga ito. Karamihan ay galing kay Mommy, ang iba ay mula kay Kuya Jomar. mayroon din mula kay Sander na nagsasabing hindi na niya ako mapupuntahan tumagal ang meeting nila. Mauna na daw akong umuwi.

Hay...Naguguilty tuloy ako. Sobra ko silang pinagalala lalo na si Mommy. Pati pa si Jeremy na kapakanan ko lang ang iniisip ay nasungitan ko. Kasalanan ko naman lahat e. Hindi ko pwedeng isisi kay Sander ang nangyari dahil in the first place ako ang hindi nakapansin ng oras. Kung sanang nagfull charge ako ng cellphone kanina. Kung sana hindi ko na nilaro yung Color Switch na 'yun may charge pa sana.

"Princess?" That was Dad's voice.

"Pasok po Daddy, open po 'yan"

Tumuloy siya sa kwarto ko at naupo dito sa kama ko tinabihan niya. Nakaupo ako sa kama. Nakasandal ako dito sa headboard.

"Jericka, ayoko lang dagdagan pa ang galit ng Mommy mo kanina. Wag mong isipin na kaya kita tinulungan sa kanya kanina ay para kunsintihin ka. I won't tolerate you. Para saan pa at binilhan kita ng gusto mong phone kung hindi mo naman gagamitin sa tama? Anak alam mo kung gaano kaayaw ng Mommy na bilhin ko 'yun pero ang sabi ko mas makakatulong sa pagaaral mo. Wag mo naman sanang pinagaalala ng ganoon ang Mommy mo, pati na ako. Alam mong mahal na mahal ka namin kaya ganito lang kami ka protective sayo. Wag mo sanang mamasamain 'yun anak."

Napaiyak ako sa sinabi ni Dad.

"Sorry po Daddy. Hindi na po talaga mauulit, promise." Niyakap niya ako, and that hug soothes me.

"It's alright Princess. Just don't do it again, okay?" I nodded while still hugging him.

"Oh tahan na, papanget ka niyan mahal na prinsesa. May sasabihin pa ako kaya tahan na." Pinunasan ko ang mga luha ko tsaka lumayo sa kanya. Ngumiti ako ng bahagya.

"Ano po dad?"

"Good news o bad news?"

"Pwede pong good lang?" Nakangiwi kong tanong. Natawa lang siya.

"Ang good news hindi ka grounded. Hindi namin kukuhanin ang phone mo, ang mga gadgets mo." I heave a sigh of relief. Akala ko hindi ko na makakapiling ang mahal kong cellphone.

"Ano pong Bad news?"

"Ang bad news hindi ka na ihahatid sundo ni Kuya Jomar mo, sasabay kana ulit sa service. Kailangan ko kasi siya dahil magiging busy ako sa mga meeting." Akala ko kung ano. Pero okay na rin yun kesa naman mas malala.

"At hindi kita ibibili ng bagong phone sa birthday mo." Bigla akong napanganga sa narinig ko.

"Po? Paulit nga Daddy."

"Hindi kita ibibili ng bagong phone sa birthday mo. Iyon ang kondisyon ng Mommy mo. Hindi na din daw tayo matutuloy sa Japan sa Summer. Wala akong magawa, desisyon niya 'yun." Speechless ako kay Dad.

Hindi ko inakala na ganito katindi ang parusa na matatanggap ko. Mas gugustuhin ko pa atang magrounded kesa hindi matuloy sa Japan.

Mommy, maawa ka. Kahit yung bagong phone nalang, kahit hindi na ako matuloy sa Japan. Wait Japan nalang po!

15 year old SPG readerWhere stories live. Discover now