Chapter Two

1.2K 36 6
                                    

Lisa

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno sa loob ng University na pinapasukan ko, favorite naming tambayan to ng bestfriend ko. Hinihintay ko siyang dumating. First day na first day ng huling taon namin sa kolehiyo eh mukhang malalate pa ata!. 

"Lalisa Manoban!" hayan na naman sya sa tawag niya sakin.

"Sorry best! Di tumunog alarm ko eh. Hehe" Sabi nya na may kasama pang peace sign. Hay naku nagpa-cute na naman tong kumag na to.

"Hay naku Rosé! Wala ka bang ibang dahilan na baon dyan? Laos na laos na yan! Kapag hindi, mo nai-alarm, naubusan ng battery yong alarm mo at ngayon naman hindi tumunog!? Aba ano bang kasalanan sayo ng Alarm Clock? at lahat na lang ata ng sisi eh binigay mo sa kanya. " pagalit na may halo na ring birong sabi ko.

Si Rosé, siya ang pinakauna kong nakilala dito sa University na 'to at simula noon di na kame napaghiwalay. Kaya eto, mag- Best Friend kami. Mayaman sina Rosé, kaya niyang makipagsabayan sa yaman ng mga estudyanteng pumapasok dito. Pero kahit ganun, nananatili pa din siyang simple at hindi maarte kaya kame nagkasundo. Siya lang ata ang kilala kong mayaman na sobrang kalog.

"at saka Rosé! Pwede ba tigil-tigilan mo 'yang pagtawag sa buo kong pangalan. Daig mo pa ang prof. natin! Kala mo nag-aattendace ka diyan."

"e best! Alam mo namang di mabubuo ang araw ko pag di ko 'yon ginawa!! Hahaha"

Aba ang baklang to ginawa pang Daily Routine ang kabaliwan nyang yun. 

"Baliw ka talaga, Halika na nga, Ayaw kong mahuli sa 1st day of class naten."  Yes, magkaklase kaming dalawa. Business Ad. ang Course namin.

Tapos na ang morning classes namin at papunta na kame ni Rosé sa canteen para maglunch ng may nadaanan kaming kumpulan ng mga estudyante.

"Teka Lisa tingnan natin kung anong meron" aya ni Rosé

"Kahit kailan ka talaga bespren napakatsismosa mo!"

Pagsilip namin biglang may nagsalita. 

"What punishment would you like darling?

"Please Jennie di ko naman talaga sinasadyang matapunan ka ng tubig eh" sabi noong magandang babaeng nakasuot ng uniform na pang HRM.

"You know the rules, kahit kailan hindi ako tumatanggap ng explanation o kahit paumanhin. So ano na? Punishment? O makikick out ka sa school na 'to?  Sabi ni Jennie.

Yes, kilala ko siya. Siya si Jennie Kim. Ang pinakamakapangyarihan na estudyante dito sa University dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng may-ari. Lahat ng gusto niya. Nakukuha niya. Maganda siya at sexy. Pero yun lang ata ang magandang katangian na meron siya, Dahil lahat ng natitira ay masama na! Ang pagkakaalam ko isa siyang Bisexual. Pwede sa babae, pwede rin sa lalaki. Pero sa nakikita ko at nababalitaan ko lahat ng nakakarelasyon niya ay puro babae. Tsk,Tsk. Sayang siya. Maganda pa naman. 

Nabalik ang tuon ko sa Shooting na pinapanood namen ng biglang magsalita yung girl.

"Kahit kailan hindi ako tatanggap ng utos mula sayo! " sigaw noong girl na pinapaligiran ng barkadahan ni Jennie, sabay talikod. 

Kala namin tapos na ang shooting na iyon sa hallway ng school kaso biglang bumalik si girl at...

Paaaakkkk!   "Para may remembrance naman ako sayo Jennie Kim. Babalikan kita!! Tandaan mo 'yan" sabay takbo noong babae. 

Lahat kami, tulala at nakatingin lang kay Jennie na hanggang ngayon ay hawak pa din ang kaliwa niyang pisngi.

"Jen, ok ka lang ba? "

"Jennie, gusto mo pahabol namin siya?"  suhestiyon ng mga kaibigan niya.

"Hindi na. Akala siguro ng babaeng iyon kahit wala na siya dito sa loob ng campus eh makakatakas na sya sakin. Magbabayad siya. Ang lakas ng loob niya para sampalin ako"  sabi ni Jennie sabay smirk.

"Oh kayo? Anu pang tinitingin tingin niyo?" banta niya sa mga estudyanteng nakapalibot pa din sa kanila.

Dahil sa sobrang takot. Dali - daling nagsialisan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila kanina.

Grabe, Wala na talagang sasama pa sa ugali ng isang Jennie Kim!

**********************************

May nagbabasa ba? Hehe.. Sana magustuhan nyo po. :)

I just can't stop Loving You! (GirlxGirl)Where stories live. Discover now