[Sc] MYLC

8K 174 26
                                    

NYAH's POV:

Paglabas ko ng kwarto ni Jace hindi ko na sya naabutan sa living room. Pero yung cellphone ko andun sa table. Ang topakin lang talaga. Dali dali akong lumabas ng unit nya. Malamang iniwan na nya talaga ako. At hahayaan mo akong umuwing mag isa Villaluz? Paglabas ko sa building nakaabang na yung sa sasakyan nya. Para hindi na lumala pa ang topak sumakay na agad ako. Pag ganito katopakin ang boyfriend mo nakakalimutan mo na magpakipot minsan.

"Jace.."

"Hatid na kita"

Seryosong sabi nya. Ni hindi man lang ako nilingon. Ganun ba talaga sya kagalit sa akin at nagagawa nya akong balewalain ng sobra sobra?

MISS YOU LIKE CRAZYWhere stories live. Discover now