Special Class

1.8K 65 18
                                    

"Grabe, girl, number one na naman si Kai. Ano bang utak meron yon? Alam ko matalino ka rin. Hindi ka naman magiging top 2 kung hindi di ba? Pero sya, never kong nakitang nag-aaral pero laging top 1." hindi ko alam kung maiinsulto ba ko o ano sa sinabi ng kaibigan ko.

Fourth year high school na kami and I'm running for Salutatorian. I'm not impressed with myself. I know I can do better pero ang hirap talagang maungusan ni Kai. First year palang lagi nalang ako ang second best. Last year, halos mahabol ko na sya dahil nagkasakit sya at absent ng almost one month pero nakahabol pa rin at sya pa rin ang number one.

"Tch! Ang yabang naman!" alam ko naman na kahit na magyabang sya, may karapatan naman sya. Kung tutuusin, isa syang ideal man. Matangkad, gwapo, magaling sa sports lalo na sa basketball, matalino at may kaya sa buhay ang parents nya. Hindi naman sila super rich pero enough na para mamuhay sila sa isa sa mga exclusive subdivisions.

"Di bale, girl, may ipagyayabang naman. Bitter ka lang kasi pang second ka lang." alam ko naman na may katotohanan yon, pero pag ipapamukha pa sayo, syempre masakit! Nakakatampo! Pero sanay na ko kay Irene. Ganyan naman sya noon pa.

"Whatever! Magreview nalang tayo. May chance pa ko. Pag na perfect ko ang finals, may possibility pa na mag top one ako."

"In your dreams.. "

"Shit ka! Saan ka ba nanggaling?! Bakit ba sulpot ka ng sulpot?!" kinilabutan ako ng hipan ako sa may leeg ni Kai at ibulong nya yon sa tenga ko. Simula last year, naging habit na nya ang pag ihip sa may gilid ng leeg ko at pagsulpot nalang kung saan.

"Shut up!" singhal ko kay Irene ng halos gumulong na sya sa kakatawa. Tumigil naman sya pero nadoon pa rin ang nakakalokong ngisi nya.

"Iwan ko na nga kayo, love birds."

"What?!"

"Ciao!" tumalikod na sya ng di man lang natinag sa sigaw ko at sa sama ng tingin ko sa kanya.

"Ang mean mo." nakalabing umupo sa tabi ko si Kai. Sa kanya ko binaling ang sama ng tingin ko pero nagpa cute lang syang ngumiti. Para syang bata na papansin sa ngiti nya. "Alam mo, hindi bagay ang name mo sayo. Dapat hindi Divine Grace ang name mo."

Tinaasan ko sya ng kilay at sinuntok sa braso. Sya kaya ang mean. Freshmen palang kami, lagi na nya kong binu-bully. Kung anu-anong mga names ang tinatawag sa akin. Lagi pa nya kong pinapahiya sa klase. Laging sinasabihan na Miss Number Two tapos tatawa kaya nakikitawa rin ang mga kaklase namin. Yun na rin ang naging tawag sa akin kahit na mga teachers namin.

"Whatever! Dyan kana nga!"

"Wait lang!" hinawakan nya ko sa kamay at binalik sa pagkakaupo. "May sasabihin pa ko." may sineyasan sya sa may likod at isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan nya na kaklase din namin.

"Miss Number Two,"

"What?! Ano na namang kalokohan to?! Papahiyain mo na naman ba ko?!" nakaka high blood sya ha!

"Makinig ka nga muna. Upo!" inuipo nya ulit ako. Napatayo kasi ako kanina sa high blood! "Miss Divine," tinuro nya ang mga kaibigan nya at isa-isang tinaas ang mga placards na dala.

Will

You

Be

My

Prom

Date?

Napanganga akong napatingin sa kanya. Shit! Kinabahan ako. For a while akala ko girlfriend na ang nasa huling placard. Hindi ako umasa! Hindi talaga! Tch!

Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon