Ang Hirap Kaya Mag Move On!

1.6K 42 8
                                    

Love, para sa'kin trydor yan. Para sa'kin imagination lang yan. At para sa'kin, hormones lang yan, brain ang nag papatakbo niyan, hindi ang puso. Oo, sabihin na nating bitter ako. Pero, ang hirap kaya mag move on!

5 years ago na ang nakalipas. 5 YEARS, kung iisipin ang tagal-tagal na ng pangyayaring iyon, 5 pasko na ang nag daan, 5 bagong taon, at kung ano-ano pa. Minsan, natatawa ako sa sarili ko kasi hirap na hirap na akong kalimutan siya. Hirap na hirap kasi akong kalimutan yung ginawa niya. 

Masaya na sana ako no'n eh. Wala akong boyfriend, wala akong crush, kung meron man, celebrity yun. Nang bigla siyang mag transfer sa school namin. Sa unang tingin, nayabangan ako sa kanya, inis na inis ako na hindi ko maintindihan. 

"Ok Class, meet your new classmate, Jefferson. Mag pakilala ka na hijo" sabi ng teacher namin.

"Hi my name is Jefferson Diaz, sana maging mag kaibigan tayong lahat"

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, nag bago ang tingin ko sa kanya. Nawala yung inis ko. Basta ang nasa isip ko lang sa mga oras na iyon, pala kaibigan siya, do'n ko siya hinangaan, parang gusto ko siyang maging kaibigan. 

"Ok, thank you. Pwede ka ng maupo sa tabi ni Alison wala naman siyang katabi eh"

Lumingon siya sa akin. Dahan-dahan siyang nag lakad papunta sa'kin at dahil sa pag sunod ko ng tingin sa kanya hindi ko napansin na nasa kabilang upuan pala yung bag ko. 

"Ahm, Alison, pwede bang , maki upo?"

"Ah, ha? Oh sige" sabi ko sabay alis ng bag ko sa upuan.

At dahil sa 1 week na nag bakasyon yung katabi ko, 1 week ko rin siyang katabi. Sa 1 week na 'yon, naging maging mag kaibigan kami. Kahit na hindi na nga kami mag katabi nag uusap parin kami. At dahil doon, nahulog ang loob ko sa kanya. 

Sabado no'n, nag yaya siya papunta sa 7/11 na kami lang na dalawa. Syempre pumayag ako, Choosy pa ba ako? Maraming nag kakandarapang babae sakanya.. Swerte ko nga dahil niyaya niya ako eh. At nung panahon na'yon, naisip ko na yun na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sakanya ang nararamdaman ko.

Nakaupo kami sa loob ng 7/11. Bumili siya ng 2 slurpy at clover na malaki. Maya maya pa nag simula na akong mag salita.

"Ahm, Jefferson?"

"Hmm?"

"Would you mind if I ask you something?"

"Ano yun?" patuloy parin siya sa pag sip-sip ng slurpy at pag text

"I, I hope na sana wag kang magalit"

"Go ahead"

"I have a crush on you. Ay hindi, mahal na kita"

Natigilan siya, at tumingin sa mga mata ko

"Pero friend kita"

"Pwede bang more than friends?"

"Sorry Alison, may girlfriend na ako, and it's Angelica"

"Si Angelica? Yung........ Yung........ Kapatid ko?!"

"Oo, im sorry"

Tumayo siya at iniwan akong mag isa. Nakatulala, lumuluha.

_______

And that was my story! Ang saklap no? ang sad ng buhay. Ang malala pa, sila pa ngayon ng kapatid ko. Kaya lagi ko siyang na kikita, lagi kong na aalala ang lahat, ang sakit, ang aking kalungkutan, ang aking pagluha. Ang talagang mag move on!




THE END :)




Ang Hirap Kaya Mag Move On!Where stories live. Discover now