the FBR ACADEMY SERIES: ZOMBIE APOCALPYSE.

75 1 1
                                    

ZOMBIE APOCALYPSE VERSION.

Patrick’s POV.

Ika-11 ng Enero, 2013

2230.

Kakatapos ko lang magrounds kasama si Pete. Ligtas pa din ang eskwelahan. Walang makakalusot na virus. May napuntahan din ang mamahaling tuition fee ng mga bata.

Naawa ako kay Pete. Hindi niya matanggal tangal sa isip niya ang kapakanan ng kanyang pamilya. Sabi nga niya sa akin, hindi na daw niya makontak sina Bronx at Ashlee. Ang huli nilang pag-uusap ay nung inaalis at ine-evacuate na ang mga tao sa L.A. Mahigit 1 linggo na simula noon.

Ang sabi  Ko na ligtas sila. Sabi niya paano ko da alam. Sabi ko may tiwala ako na ligtas sila.

Masabi ko lang para matanggal ang takot ko sa kapakanan ng mga natitira dito.

Mahigit 2 linggo na simula nung nagkaroon ng outbreak ng virus. Ayoko nang alalahanin ang mga pangyayari noon, pero nagpapasalamat na lang ako sa Diyos na hindi pa si Pete nagpapa Christmas vacation nong mga panahon na yon.

Nailigtas naming at naiquarantine ang aming mga sarili.

500 na estyudyante at 200 na faculty members ang huling bilang namin pagkatapos maquarantine.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kalahati.

Ayoko nang isipin.

Ang masasabi ko lang ngayon, wala nang maidudulot na maganda ang siyensa sa kamay ng mga iresponsableng mga scientists.

Hindi ko maintindihan. Bakit pa kasi kailangan gumawa ng mga bagay na makakapahamak ng ibang tao? Bakit hindi ito ayusin sa maayos na paraan?

Tsk.

Siguro, may mga bagay na talagang kailangan mangyari. Bago matuto ang tao.

Kahit na maubos ang lahi ng mga tao.

Naniniwala pa ako na matutubusan ito. Sabi ko nga kay Pete, may pag-asa pa tayo. Kailangan lang natin hanapin.

0o0o0o0o0o0o0o

“Hindi ka ba inaantok?”

Tumingin si Patrick kay Gabriel na nakaboxers lang, para siayng bata na nagkaroon ng masamang panaginip at naghahangad ikwento sa kanyang ina. Napangiti si Patrick sa kawalang-hiya ng kapwa guro. Iyon siguro ang dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng mga estyudyante. Bumalik siya sa binabasa niya.

“Hindi pa.”

“Oh. Kasi nakita ko na naka-on pa yung ilaw ditto sa kwarto mo. Baka nakatulog ka na” ang sabi ni Gabriel habang kinakamot ang ulo.

“Gabe, wag mo kong bolahin,” ang sagot ni Patrick sabay sara sa libro na binabasa. Tumingin siya sa kanya. Umupo si Gabe sa kama ni Patrick at napbuntong hininga.

“Anong problema mo?”

“Nag-aalala na ko sa totoo lang” sabi niya.

“Bakit naman?” tanong ni Patrick, sabay ngiti na parang biro lang ang sinasabi ng kausap.

“Parang nakakatakot na tayo na lang yung natitira ditto,”

“Gabe, madami pang buhay.”

“Saan? Alam mo ba, chineck ni Suarez kung may nakabroadcast na ibang istasyon, wala siang marinig.”

Napapansin ni Patrick na medyo na-stre-stress ung mukha ni Gabe habang sinasabi niya ito. Tila nawawalan na siya ng pag-asa.

“Meron iyan Gabe. Maghanap pa tayo. Masyado ko naming pessimistic. Nahahawa ka na kay Stephen?”

“Ewan ko ba. Kilala mo naman si Gomez. Kung magsalita akala mo Messiah.”

“Tama naman yung bata.”

“Na magtatapos na ang mundo at minalas siyang naiwan ditto?”

“Kung iintindihin mo si Stephen, matalino at magaling naman siya. Balak ko ngang magpasama sa kanya bukas sa paghahanap ng suvivos sa coastal area.”

« Eh basta Patrick. Parang nababaliw na ako. Gusto ko sanang itweet to,”

“Gabe, wala nang makakabasa nun,”

“Oo nga eh. Kaya nga sinasabi ko na lang sayo.”

“Ba’t ako pa?”

“Kasi ikaw lang ang nakikinig sa akin.”

Napangiti na lang si Patrick at napabuntong hininga. Seryoso ngunit sincere si Gabe sa mga salita niya.

“Matulog ka na Gabriel. Wag mong ipahalata sa mga bata ang takot mo. Maniwala ka na may pag-asa pa tayo”

“Sana nga.” Tumayo siya at naglakad palabas ng pinto.

“Patrick?”

“Oh?”

“Ikaw kaya ang matulog. Kaya ka maliit.Basa ka ng basa, wala ka namang maabot na impormasyon. Matulog ka na.”

At sa puntong iyon, isinara ni Gabe ang pinto upang makaiwas sa kung ano mang insulto ang maibabato pabalik sa kanya.

Ganoon kasi siya ka-astig eh.

0o0o0o0o0oo0o

Bilang isang estyudyante, palaging isinasaisip ni Jamie na para sa kinabukasan niya ang pinag-aaralan niya ditto sa FBR academy.

Pero nung mangyari ang outbreak, tila nawalan na sia ng ganang mag-aral. Wala naman siyang masyadong pamilya na inaalala dahil inampon lang siya ng tiyahing walang pakialam sa kanya.

Napadpad lang siya sa FBR nung nakakuha siya ng iscolarship na inooffer ng kanyang Math teacher noon na si G. Brendon Urie. Siya lang ang naniwalang may kakayahan siya na makapagpanibago ng mundo.

Apat na taon nang nag-aaral si Jamie sa FBR academy. Mag-lalabing walong taon na siya sa ika-26 ng buwan pero mukhang walang makakaalala sa panahon na sumapit. Natuto niyang mahalin ang paaralan na ito kung saan siya pinalaki at unti-unting minulat sa katotohanan ng mundong kinagagalawan niya,

Ika-2 na ng umaga ngunit hindi pa siya dinadatnan ng tulog.

Kadalasan naglalakad-lakad siya sa garden ng pamantasan ngunit dahil sa mahigpit na patakaran ngayon ni Principal Peter, malayong hindi na niya magagawa iyon.

Malalim ang respeto ng mga estyudyante kay Pete at sa bawat guro na nagtuturo ditto. (Ewan lang niya sa bagong guidance counselor na masyadong kj sa staff) Iba magturo sa academy, ika nga ng kanyang mga kaklase. Kung magturo sila, parang hindi guro, parang kaibigan na nagkukwento ng mga bagay-bagay.

At iyon ang maganda. Lahat ng guro ditto, marunong umintindi. Marunong magpasenysa. At magmahal.

Kung kaya’t hindi maiiwasan na madaming mag enroll ditto.

Napabuntong hiniga siya at tumingin sa oras na tahimik na tumatakbo.

Gusto niyang lumabas.

Pero ang bilin ni Pete na bawal lumabas sa kwarto pagkatapos ng rounds.

Pero sa garden lang naman siya. Malapit lang naman yun sa hallway.

Sandali lang naman.

AN: Copyrights reserved. Characters own themselves except those that are purely mine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the FBR ACADEMY SERIES: ZOMBIE APOCALPYSE.Where stories live. Discover now