FIXING UP

50 1 0
                                    

Dedicated sa pinakamamahal kong cool girl bestfriend !! Xei Reyes! Alabyoow! :* XOXO..

Dedicated to: Xei Reyes. ^_^ ~Your ArdiePotzz (Ardz)

***

Ana's Pov.

"So... Samahan mo ako?"

Nginitian 'ko lang siya at saka tinanguan. Gusto ko ding makapaglibang eh. Para naman kahit papaano mawala yung sakit na nangyari kanina. Matagal-tagal na rin kaming nagk-kwentuhan ni Klein, tapos nagpasama siya sa akin nagugutom na daw siya. Sh*t lang, kasi nagr-replay na naman sa utak ko yung scenario namin ni Jake.

"O-ok."

Kinuha ko yung inalapag kong panyo sa damuhan na ibinigay sa akin Klein. He says that it's mine na raw so i accept it. Nakakahiya naman kung makipagpilitan ako isa pa, it's cute cause its blue. My favorite color! Yehoo.

Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa isang lomi house. Wew. Nagutom tuloy ako bigla. Naalala ko, hindi nga pala ako nag lunch dahil sa bwiset na scenario namin ni Jake. Tsk. Tsk. Malilipasan ako ng gutom. Brr.

Humanap na ulit ako ng table at um-order naman si Klein. Nyemas! Nagr-replay na naman sa utak ko yung nangyari kanina. Tsk. Tsk. Hindi pa nagtatagal dumating na si Klein, may dala-dala siyang dalawang bowls na may lamang lomi at dalawang softdrinks. Sheez. Nagugutom na nga talaga ako nagwawala na ang mga bulate ko sa tyan.

"Kumakain ka pala sa ganito, Klein?" wala sa sarili kong natanong sa kanya.

Eh kasi naman diba? Rich kid ang isang 'to. Bihira lang sa mayayaman ang kumakain sa ganitong lugar.

"Oo naman. Ang sarap kaya dito." nakangiti niyang saad.

Awww. I can't help but -- i'm falling inlove onto him ay erase! Este sa face niya! Ang wafuu talaga kasi! Kamukha ni G.D. Baby! (G-dragon of Bigbang)

"Tama ka!"... "Kaya naman..kumain na tayo!! Nagugutom na ako eh. Hindi ako nag-lunch. Hehe :) "

Wala nang hiya-hiya 'to. Gutom na talaga ako eh. Tiningnan niya lang ako ng nakataas ang isang kilay. Woah! Taray! Daig pa ako eh. "Hindi ka nag-lunch? Eh diba inaya ka ni Jake?"

"Hm.. Sabihin na nating, tinakasan ko siya? Ahh basta. Hindi ako nag-lunch kaya kumain na tayo, Klein please? Gutom na talaga ako eh. Hehehe :)"

Ngumiti naman siya sa akin at saka pinisil ang ilong ko. "Ang cute mo talaga. Sige, kain na tayo."

Err. Cute? Yieee. Kinikilig ako!! Hahahaha.. ^__^v oii guys ah! Hindi 'ko siya love or crush (crush yung face, maybe?) pero kinilig lang talaga ako. Hehehe.

"Aysus! Nambola pa!"

~**

"Tara na, Klein. Hindi na tayo nakapag-review oh. Malamang hinahanap na tayo ng mga kasamahan natin. Isa pa, 6:30 na eh."

Pagkatapos kasi namin kumaen ni Klein eh, nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga bagay-bagay. Ang sipag pala nitong si Klein, biruin niyo.. Siya pa naglilinis, naglalaba at nagluluto sa bahay nila. Nalaman 'ko na mapagmahal pala ang isang 'to. Tanda niyo ba nung ibinili pa niya sa mall ang ate niya ng napkins? Hahahaha. Sanay na siya dun , dahil palagi daw siyang inuutusan ng ate niya. Kaya niya daw ibaba ang pride niya , kung kailangan daw yun ng taong mahal niya.

How sweet diba?

"Oo nga. Let's go."

Naglakad lang kami papunta sa room na assigned sa amin. Malapit lang naman kami dun eh. "Thank you, Klein." i murmured at saka ko siya niyakap. Gusto ko pa sanang dugtungan na Thank you, Klein. Ikaw kasi ang andyan para sa akin kanina. Pero, maguguluhan lang naman siya though.

BESTFRIENDzonedKde žijí příběhy. Začni objevovat