Ang swert ko kasi nakilala kita
Ang saya ko kasi nakasama kitaHindi ko naman alam na mahuhulog pala ako sa'yo
Pero sana marinig mo ang pintig ng puso kong ito.Habang tumatagal, mas lalong lumalalim
Sasabihin ko na ba? Pero natatakot akong umamin.Nararamdamang lumalayo ka na sa akin
Alam mo na ba ang aking lihim na pagtingin?Isang araw nakita kitang may kasamang iba
Inisip ko na ako yun at hindi siya.Lumapit ka sa akin habang nakangiti pa
Hawak hawak mo pa ang kamay nya.Ipinakilala mo siya sa akin at sinabing
Siya ang nagpatibok sa iyong damdamin.Sobra akong nasaktan sa aking narinig
Ikaw pala ay matagal na sa kanya'y umiibig.Di mo man lang sa akin pinaalam
Para sana di ako umasa at labis na nasaktan.
YOU ARE READING
Poetry of Feelings
PoetryI want to express my feelings through poetry. Compilations of my Tagalog and English Poetry.