Kabanata XIII

1.4K 67 2
                                    

Kabanata XIII

"It is not in the stars to hold our destiny but in ourselves."
~William Shakespeare


Celestine

Bumaba na kami ni Justin ng bundok at habang bumababa kami, todo-todo 'yung alalay niya sa'kin. Weird pero pakiramdam ko, kinikilig ako kaso, hindi may hindi lang ako maintindihan, okay lang ba kay Justin na gusto ko siya?

"Dahan-dahan lang," sabi niya sa'kin at medyo weird kaya weird ko siyang tinignan kahit medyo madilim na.

"Ay!" bigla akong natalisod. Pagbukas ng mata ko, nakita ko yung mukha ni Justin. Nasalo niya pala ako.

Agad naman ako tumayo at inayos 'yung sarili ko. Ang awkward pala na malaman ng crush mo na crush mo siya. Nakakailang. Pakiradam mo, concious ka palagi. Pakiramdam mo, may muta ka sa mga mata mo.

Naglakad lang kami ng naglakad kasama ng 'yung ibang mountain climbers na pababa na rin. Kung kanina na paakyat kami dito ay nahirapan ako, ngayon na pababa na kami ay medyo naging easy nalang sakin. O baka naman epekto lang 'to ng pagiging caring sa'kin ni Justin?

"Maging maingat sa mga ugat ng kahoy! Magdahan-dahan sa paglalakad!" sigaw nung guide namin na nasa may unahan.

Malapit naring mag-eight o'clock at paniguradong tutunog na 'tong mga relong suot-suot namin.

"Beh, alam mo bang may nagpakamatay na pari dito?"

"Ha? Talaga beh?"

"Oo, tumalon siya doon sa may tuktok at dito bumagsak dito 'yung  katawan niya. Nagkalasog-lasog."

Medyo humina 'yung paglalakad ko nang marinig ko 'yung usapan ng dalawang magsing-irog na nasa harapan namin.

"May problema ba?" tanong ni Justin at umiling-iling lang ako.

Bakit ba kasi narinig ko 'yung usapan nila? Takot pa naman ako sa mga ganyang topic. Partida pang nasa kalagitanaan kami ng kakahuyan ngayon, madilim na at malamig ang hangin.

"Oo beh, last year, may lumilitaw din daw ditong babae, maraming sugat sa katawan. Sabi nila biktima raw 'yun ng rape."

Napalunok nalang ako ng laway nang marinig ko 'yun mula sa kanila. Maya-maya pa nagsimula ng tumayo 'yung mga balahibo ko.

"At beh, alam mo ba! Iilang tao narin daw ang umaakyat dito at hindi nakakabalik!"

Sa puntong 'to, gusto ko na talagang sumigaw. Yung kamay ko, parang napasma narin, nanginginig na.

"At beh! Alam mo ba---"

"ATE TAMA NA!"

Hindi ko na namalayan, napasigaw na pala ako.

Biglang nahinto 'yung mga kasama naming naglalakad.

Pakiramdam ko, naiiyak narin ako so sobrang takot.

Sumigaw na ako, "Ate naman, nasa gitna tayo ng kakahuyan tapos ganyan yung mga pinagsasabi mo! Hindi ka ba nakokonsesnya na baka may matakot sa mga pinagsasabi mo?"

"Celestine---"

"Justin, bitawan mo nga ako." sabi ko sa kanya at hinarap si ate mukhang flower horn sa lapad ng noo niya, "Respeto naman po pwede? Kung makanarrate kayo ng horror, akala n'yo, kayo lang yung naglalakad dito e."

"Celestine---"

"Justin, teka nga!" iniwasiwas ko yung kamay ko.

"Aba! Ang bastos mong magsalita ha!" Sabi ni Ate Flower Horn. Dinuro-duro niya yung mukha ko.

"Honey oh, tignan mo oh! Inaaway niya ako!"

"Hoy! Babaeng zombie! Anong karapatan mong pagsalitaan ang girlfriend ko?" sigaw naman nung boyfriend ni Ate Fower Horn na isa ring flower horn.

"Teka lang naman pre," biglang sumingit si Justin.

"At ikaw! Sino ka naman?" sigaw ni Kuya Flower Horrn kay Justin. Bigla niya akong akong inakbayan at sinagot ang tanong ni kuya flower horn, "Boyfriend niya." astig na sabi ni Justin na siyang ikinamula ko.

***
Muntikan magsuntukan kanina si Justin at si Kuya Flower Horn patin narin kaming dalawa ni Ate Flowe Horn. Buti nalang at agad namang lumapit samin 'yung guide at mabilis kaming pinag-ayos. Hindi rin namin namalayan kanina na natigil pala 'yung mga kasama namin sa paglalakad at naka-focus lang 'yung atensyon nila sa'min. Pina-una narin sila kuya at ate flower horn nang makaiwas daw sa gulo kaya ang result, kami ni Justin 'yung nasa pinakadulo ng line.

"Ayos," sabi ni Justin at bigla siyang natawa kaya natawa narin ako. Naalala kasi namin si Kuya at Ate Flower Horn. Naalala namin 'yung mga reaksyon nila nung muntikan na kaming magkasampukan.

"Celestine? Is it true that you like me?"

Napahinto ako.

"J-justin, a-ano, uhh." nauutal kong sabi.

"Coz' if you like me Celestine, I'll give my self a chance to like you too."

Hindi ako nakapagsalita.

"Ahh, Justin, ano kasi. Ah, naiihi ako." Sabi ko sa kanya.

Natawa naman siya bigla at nahihiyang napakamot sa batok, "Uhm, sure. Sige, umihi ka lang sa may puno."

"Ha?"

Bigla siyang napa-facepalm, "Tss. Babae ka nga pala."

Sa sinabi niyang 'yun ay medyo nakaramdam na ako ng kaonting pagpatak ng ihi sa may panty ko. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang pigilan yung call of nature ko.

"Sige, umihi ka na." sabi niya at naihi ulit ako ng isang patak.

"Tumalikod ka, ano ba!" sabi ko sa kanya tas tumalikod siya.

Ayaw ko rin namang umihi ako sa malayuan kasi masyado ng madilim at baka may kumuha sa'kin bigla kayang pumunta nalang ako sa malapit damuhan, umupo ako at....

<*SSSSSSSSSSSS!!*>

Medyo awkward at malakas 'yung tunog kaya medyo hininaan ko ng kaonti.

<*ssssssssssssss!!*>

Tapos na akong umihi pero....

<*ssssssssssssss!!*>

Lumingon-lingon ako.

<*ssssssssssssss!!*>

Nandun parin awkward na yung tunog.

Maya-maya pa, "J-justin? AAAAAAHHHH!" bigla akong napasigaw nang may makita akong cobra sa harapan ko.

<*SSSSSSSSSSSS!!*>

Hindi ako sure kung naitaas ko ba 'yung jeans at panty ko pero padilat ko, nakita ko nalang ang sarili ko na karga-karga na pala ako ni Justin habang tumatakbo.

***

A Wish On A Starless NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon