13: Goodbye Ayah na ba?

30 3 1
                                    

Ayah

"Oy, Rojin nasan na yung libre mo samin?" Tanong ni Eejay na nagpaalala sakin na may pangako pala kami ni Rojin.

"Oo nga no. Nasan na? McDo na this!" Sabi naman ni Ram.

Tumingin ako kay Rojin nagbabakasakaling makaligtas sa mga ugok na to.

"Ha, di pwede. Wala si Jonas, unfair yun." Sabi ni Rojin na ikinagaan ng loob ko.

"Oo nga." Pagsangayon ko.

"Ayaw niyo lang ata manglibre." Sabi naman ni Jaycee.

"Hindi naman sa ganon. Wala kasi si Jonas, di tayo kumpleto." Sabi ko naman.

"Yeah, dapat fair tayo guys." Sabat ni Lorianne. Simula nang sumama sila kina Jaycee ay naka-close na namin sila.

May developan nga na nangyayari eh.

Si Aizel at Jaycee na laging nagbabangayan. Aysus, matagal na na pangarap ni Jaycee yun.

Si Lorianne naman at si Eejay. Nakakakilig sila, lagi siyanginaasar ni Eejay, gitna siya ng asaran.

Si Jamaica naman na kay Rojin. Parehong matalino kasi. Kung dati madalas si Rojin tahimik at nagbabasa. Ngayon, nagke-kwentuhan sila ni Jamaica tungkol sa mga libro na nabasa nila.

Si Jonas at Ram.....ewan ko. Bakla yata yung dalawang yun. Baka nga sila yung mag-syota eh.

Napatingin ako sa relo. Twelve thirty na pala ng hapon. Tsk.

"Guys, uwi na ako." Ganito na ako lagi. Umuuwi ng maaga dahil nandito si Daddy at umuuwi na uli ng bahay si Kuya. Naka-boarding house kasi si Kuya. Ngayon umuuwi siya ng M,W,F,S,Su. Kaya bantay sarado nila ako.

"Na naman? Nagiging Jamaica ka na ha?" Sabi ni Rojin.

"Ano na naman? Ako na naman?! Uwi na nga ako!" Bulalas ni Jamaica.

"Oh, tignan mo. Ms. Uwi talaga 'to." Inirapan siya ni Jamaica at umalis nga.

"Huy! Habulin mo! Magtatampo yan!" Sabi ni Lorianne.

"Awww. Sweet ni Lors. Di nalang kaya ikaw humabol?" Sabi ni Eejay na sinagot ni Lorianne ng 'pakyu'. Oh, diba? Liit na bagay, pakyu agad?

"Ikaw ngayon ang pakyuzoned." Sabi ni Ram sabay tawa.

"Ahm, Ram ikaw lang tumawa sa joke mo." Sabi ko ng pangasar kay Ram.

"Ah talaga lang. Sumbong kita sa Daddy mo eh!"

"Ah talaga? Halika uwi kita."

"Ayy? Wag ganon, Ayah. Ayaw pa naming mamigay ng pamasko sa pasko." Sabat naman ni Eejay.

"Tse! Tangina niyo! Uwi na ako!" Sabi ko. Wala pa akong isang hakbang nang malagutan ako.

"Ayah, ano yung sinabi mo?"

Shit. Patay ka, Ayah.

Five is to OneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt