UNAVAILABLE Chapter 6

9.2K 238 17
                                    

CHAPTER 6:

RIELLE'S POV

Dumating si mom matapos sabihin sakin ni Zach kahapon yun, dahilan kung bakit nagmamadaling umalis si Zach. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya umalis agad, malamang kasi baka mag-freak out parents ko pag nakita siya. Duhh, he is literally my boy version.

That night, everything went well. I pretended that everything was normal. Wala sa plano ko ang sabihin sa kanila na alam ko na ang totoo. Bakit? Kasi hindi pa ako handa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I wanna take things slowly, I can't rush things this complicated.

Sa ngayon, wala pang kaalam-alam ang parents ko na narinig ko ang usapan nila.

I was immediately brought back to reality when I hit something. Or should I say, someone.

Ramdam ko ang mabilis na pagbabago ng pakiramdam ko. Shit, bakit nandito na naman yung feeling na parang gusto kong madikit sa kanya?

Anong kalokohan na naman ba to Rielle?!!

"May I know what you're thinking of?" He said, as if he can't read my mind.

So I just stared at him blankly, and he stared back as if waiting for something.

Maya-maya pa, walang nagbago sa mukha niya, ganun pa rin. Mukha siyang curious na naghihintay. Eh diba dapat alam niya na? Kasi nababasa niya naman ako.

I raised my eyebrow, "Magtititigan lang ba tayo maghapon?" Mataray kong sabi.

Nagtaray-tarayan ako para itago yung nararamdaman ko ngayon. Ayokong malaman niya na ganito pakiramdam ko sa tuwing nasa paligid siya. Ayokong magmukhang easy to get no! Hindi ako madaling makuha!

Hindi nga ba?

OMG! Stop! I'm a hard to get girl with a high standard. I can't just give in.

Ngumisi si Zyx sabay sabing, "I wouldn't mind."

Inirapan ko siya, kahit sa totoo lang ay nagwawala na buong pagkatao ko.

Why is this? Bakit sa lahat ng lalaki, bakit sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito? Bakit? Dahil ba gwapo siya?

Pero hindi eh, kasi kung kagwapuhan lang pag-uusapan, madami namang nanligaw sa akin na gwapo. Siguro ba dahil siya pinakagwapong nakita ko?

Parang hindi rin, kasi wala naman talaga akong pake sa looks dati pa. I always go for those with good attitudes.

Eh bakit ganito nararamdaman ko ngayon?! Hindi naman mabait tong lalaking to! In fact, masama siya. I even saw him kill someone, right before my eyes. But surprisingly, none of his bad behaviors made me feel less attracted to him. Why is that?

"Ayan, lumalalim na naman iniisip mo." Reklamo pa nito na siyang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Umiwas ako ng tingin, "None of your business." Sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.

Napatigil ako ng biglang may humila sa akin paharap, "I wanna know what you're thinking of."

Pinagsasabi nito? Diba nakakabasa naman siya ng isip? Bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung ano tumatakbo sa isipan ko?

"Why are you blocking me from your thoughts?" Tanong pa nito, kaya nagtaka ako.

"Block? How?" Nakakunot noo kong tanong.

Crimson Escape (Crimson Series 1)Where stories live. Discover now