Kabanata 21

48.1K 1.3K 41
                                    

|Chantal Leigh POV|

      "Have you been here in the Philippines, Ram?" tanong ko kay Ram na nakaupo sa kabilang upuan habang nasa kahabaan kami ng Ortigas going Makati. 

"Yes," nakangiting tumingin sa akin si Ram habang tumatango. Ang lapad ng ngiti nito. "I have Filipino  friends and sometimes, we go on vacation together and they took me to Palayan, I think." Nakakunot noong nag-iisip ito.

"You mean, Palawan?"

"There. Yes, that's the name of the place and it's so beautiful." Sobrang excited nitong kinuwento. 

"We could go there I guess, after this meeting before we flew back to Brazil," Walang pagsidlan ang tuwa sa mukha ni Ram.

"Really?"

"Yes," naiiling na sagot ko.

"Great!" parang batang sagot nito at ang lapad pa ng ngiti niya. "Maybe we could also visit Tristan's place so I could finally meet the guy who still has your heart," dagdag pa  nito na ikinatambol ng puso ko. Marinig lang ang pangalan niya, nagwawala na ang sarili ko. Iba't-ibang sensasyon ang parang dumadaloy lagi sa ugat-ugat ko. Ganun parin ang epekto sa akin ng hudyong iyon.

"I'm not going to visit him. And one more thing," tumingin ako kay Ram ng may galit sa mata, "I DON'T LOVE HIM ANYMORE!!" nanggigil kong sabi na ipinagkibit-balikat lang na mas lalong ikinainis ko.

"We are here, Sir, Ma'am," pagkuha ng atensyon namin ng driver na inarrange ng sekretarya ng CEO ng Santillan to pick us up and be the driver while we are here in Manila. I know they did this to get the deal.

"Salamat," walang kangiti-ngiting sabi ko saka na lumabas sa sasakyan. Inayos ko ang konting gusot ng skirt ko na di pa umaabot sa tuhod ko pati na ang blazer kong itim na kapares ng pencil skirt ko. Hubog na hubog ang katawan ko sa damit ko. Gusto kong maging intimidating ang dating ko sa CEO para bigyan siya ng konting hirap to gain the deal.

Light lang din ang make-up ko na lalong pinatingkad ang kagandahan ko. As Ram said, if the CEO is he, I'm sure, he couldn't think straight once we are talking dahil sa ganda ko. Natawa nalang ako sa tinuran niya. Ram is indeed my friend. He knew well how to boost my confidence.

Inayos ko din ang nakalugay kong buhok na may pagkawavy pa. Ang dating kulay nitong lighter brown ay mas lalong tumingkad sa mahabang panahon. Parang blonde ito at pag walang sinag ng araw, parang lighter brown lang.

"Shall we?" Iminuwestra ni Ram ang siko niya at tinanggap ko naman. Ikinawit ko ang aking kamay at pareho na naming binagtas ang daan papasok sa entrada ng magarang gusali ng Santillan. 

"Good Morning, Sir, Maam" magalang na bati ng gwardiya. Matangkad lang ito pero parang hindi ito pinapakain masyado sa sobrang payat. Seriously, kung may bugbugan dito, walang magagawa ang gwardiya na ito.

Umilap ang mata ng gwardiya ng tumingin ako sa kanya. Pasimple nitong tumingin sa baba. Sanay na ako sa ganung tingin. Iniiwasang matitigan ako dahil sa lamig at talas ng mga mata ko. Sa tingin palang, naiintimidate na sila.

Dalawang malalaking gwardiya ang umescort sa amin sa taas. Ng makarating kami sa pinakatuktok, sa buong top floor ay ang buong office ng CEO. Paglabas palang ng elevator ay malaking parang foyer at sa left, malaking waiting room at sa isang dulo ay ang malaki at mahabang long reception desk at may tatlong nakaupong busy na nagtitipa ng keyboard. Lumabas sa isang hallway ang isang matangkad at seksing sekretarya at ang lapad ng ngiti nito.

Ng makita niya kami, ngumiti lalo ito. "Good Morning, Sir, Maam," saka kami nilapitan habang kipkip parin nito ang isang folder.

"Good Morning. We are here to meet the CEO of this office," napakapropesyonal kong sabi ng hindi nangingiti. Tagos sa mata ang titig ko sa babae. Nararamdaman ko ang tahimik na pag-alma niya. Parang gusto nitong iiwas ang tingin.

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Where stories live. Discover now