Just like the rain (One Shot)

384K 13.3K 4.3K
                                    

Sabi nila, ang love daw parang ulan.

Pero paano maihahalintulad sa pag-ulan ang pag-ibig? Kapag ba nagmahal ka maglalabasan din ang mga palaka? Ganun kasi kapag umuulan. Ang labo.

Ilang beses ko ng naririnig na parang ulan ang love. Pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin naririnig ang dahilan kung bakit magkatulad ang ulan at pag-ibig? Hay.

"Tag-ulan na raw pero bakit ang taas pa rin ng sikat ng araw?" napatingin ako sa labas ng room namin.

Oo nga. Tirik na tirik pa rin ang araw.


"Sabay ka ba? Uwi na ko e. Hindi ako masusundo ng magaling kong boyfriend." nginitian ko ang kaibigan kong si Mika at umiling.

"Una ka na."

Ulan. Bakit ba sa tingin ko sobrang misteryoso ng ulan?



Papalabas na ako ng campus ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nawala na yung tirik na tirik na araw kanina. Napalitan na ng makulimlim na langit at ng malakas na buhos ng ulan.

Pero kung mamalasin ka nga naman. Naiwan ko ang payong ko sa bahay. Ano bang malay ko na uulan ngayon? Ayaw na ayaw ko pa namang nababasa ng ulan. Sana pala sumabay na lang ako sa kaibigan ko kanina. Kung alam ko lang. Mukhang wala akong choice kundi tumakbo at magpakabasa sa ulan. Mahirap na umuwi kung gagabihin ako.

Isa. Dalawa. Tatlo. 


Patakbo na sana ako ng may biglang humawak sa balikat ko at pinayungan ako kahit na nakasilong pa rin naman ako.

"Tag-ulan ngayon. Mataas man ang sikat ng araw, magdala ka pa rin ng payong. Minsan bigla bigla na lang umuulan." sabi ng lalaking may hawak ng payong saka ako nginitian.


Kinuha niya ang kamay ko, pinaghawak ako ng payong at saka tumakbo at sinugod ang ulan.

Nanatili akong nakatingin sa likuran niya. Hanggang ngayon nagproprocess pa rin sa utak ko ang nangyari. Hindi ko siya kilala pero binigay niya sa akin ang payong niya at hinayaan niyang siya ang mabasa ng ulan. Napangiti na lang ako sa nangyari.

Ang ulan bigla bigla na lang dumarating ng hindi mo inaasahan.

***



"Mukhang uulan ngayon." tulad ng nakaraan, napatingin na naman ako sa labas ng bintana ng room.

Oo nga. Ang laki ng dilim at medyo malakas ang hangin. Mukha ngang uulan at mukhang malakas ito.

Ilang linggo na rin ang lumipas ng may mag-abot sa akin ng payong. Lagi kong dala dala yung payong na inabot nung lalaki kasi baka makasalubong ko siya isang araw at hanapin sa akin ang payong niya.

Swerte na rin na dala ko 'to ngayon. May panangga ako kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Nasira kasi nung nakaraan yung payong ko at di pa ako nakakabili ng bago.

Papalabas na ako ng campus ng bumuhos na nga ang ulan. Ganto rin ang nangyari dati. Ang kaibahan lang, may payong ako ngayon.

Kinuha ko na ang payong sa bag ko nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking mukhang nagbabalak tumakbo at sugurin ang ulan.

Hay. Andito na pala ang may ari. Kailangan ko na ibalik ang payong na 'to. Siguro panahon naman para ako ang tumakbo sa ilalim ng ulan kahit ayaw ko.

Tinabihan ko siya at hinawakan sa balikat saka kinuha ang kamay niya para paghawakin ng payong.

"Medyo matagal na sakin ang payong mo. Salamat nga pala dito." nginitian ko siya at akmang tatakbo ng hinawakan niya ako sa braso.

"Wala ka pa rin dalang payong? Sabi sa'yo magdadala ka ng payong." tiningnan ko lang siya. Hindi naman kami magkaibigan, ni hindi nga kami magkakilala pero bakit ganto ako kausapin ng lalaking 'to? Dahil ba sa pinahiram niya ako ng payong? Feeling close.

Just like the rain (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon